Sa kinaila-lilaliman ng walang hanggang karagatan:
Gulugulu!
May lumitaw na mga bula-bula sa tubig, at may parang nasasakal ang siyang tumunog. Ilang hininga ang makalipas, isang namumutlang apat na taong gulang ang lumitaw sa ibabaw ng dagat.
"Hindi… pa ako patay? Hmm? Nawala na ang Dark Heart Seed. Dahil ba ito sa winasak ng Death of Soul ang sarili niyang kaluluwa?" nakatayo lamang sa himpapawid ang bata habang bumubulong ito sa sarili.
Muntik nang todong masira ang kaluluwa ng batang Demigod at dagdag pang nalaglag siya sa dagat matapos wasakin ng Emperor of Death ang sarili nito. Inakala niya mismo na pati siya ay patay na. Nawala na rin ang Dark Heart Seed kasama nito.
Halos hindi niya naligtas ang sarili niya sa oras na iyon, pero sobrang hina na ng kaniyang aura.
"Lahat ng ito'y dahil sa Golden Kun Sacred Body. May parte ng malay ko ang nakakabit sa katawan ko," bulong ng batang Demigod.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com