webnovel

Pagkatalo ni Mu Yun

Editor: LiberReverieGroup

Dahil humihigop ang Ghost Corpse Cursed Array ng laman at dugo ng isang Peak-tier King, nagsimula itong magbago, at ang mga pares ng pulang mata ay nagsimulang lumitaw. Ang mga pulang mata na ito ay nagmula sa mga cursed ghost-corpses; nang magtipon-tipon sila, isang nakakasindak na mental energy power of hatred ang lumitaw at sapat na ito upang manlamig ang mga puso ng Void God Realm Kings at nagdulot din upang mabaliw ang mga mas mabababa pa sa Void God Realm.

Nagpakita ng isang nagagalak na eskpresyon si Zhao Feng. Ang Ghost Corpse Cursed Array ay nakaabot na sa panibagong level, at ang lahat ng ghost-corpses ay sumailalim sa isang ebolusyon.

Shua!

Sa ilalim ng kontrol ng munting pusang magnanakaw, ang pulang mga mata ay nagsimulang maglaho. Sa pagkamatay ng Dark Dragon King, ang mga traydor ng Pirate Sacred Land ay nailigpit na.

Hindi mapigilang bumuntong-hininga ng mga Pirate Kings; isang major pirate figurehead na namuno ng ilang daang taon ay namatay lamang nang gano'n na lamang.

"Lahat kayo, sabay-sabay tayong umatake!" Kumibo ang mga pirata at nagsimulang atakihin si Emperor Mu Yun. Ang Domain-level Kings ay sumugod habang ang mga normal na Kings ay gumamit ng pangmalayuang mga atake.

Para sa mga Void God Realm Kings, kaya nilang mamuhay hanggang libu-libo at sampu-sampung libong taon. Hindi mahirap para sa kanila ang magtipon ng long-range weapon sa landas ng kanilang buhay.

Ang dalawampu o higit pang mga Kings, kabilang na ang Cold Moon King at ang Giant Shark King, ay pinadaloy ang kanilang King Intent at ang kanilang Magnificent Power at pinakawala ang kanilang mga atake kay Emperor Mu Yun.

"Emperor Mu Yun, patay na ang Dark Dragon King. Ano pa ang dahilan para manatili kang mag-isa?" Sambit ng Giant Shark King sa mababang tono.

Nang magtipon-tipon ang dalawampung Kings, tiyak na sila ang nakakalamang kaysa kay Emperor Mu Yun. Sa kanilang lahat, ang Sky Sealing Palm ng batang demigod ang pumigil sa Intent ni Emperor Mu Yun at sa kaniyang Imperial Power, mas lalong pinapahina ang kaniyang lakas.

Nanggigigil sa galit si Emperor Mu Yun. Ang isang Emperor na kagaya niya mismo ay talagang napunta sa ganitong sitwasyon?

Boom! Boom! Boom!

Nang umatake ang Peak-tier Kings, Domain-level Kings, at ang mga normal na Kings, nagsimula nang matalo si Emperor Mu Yun. Kahit na nais niyang pumiglas, kailangan na niyang magbayaa ng isang tiyak na halaga ngayon.

"Hmph! Kahit na namatay na ang Dark Dragon King, papatayin ko pa rin ang lahat ng ipinangako kong papatayin sa kaniya," malamig na humagikhik si Emperor Mu Yun, at pagtapos na pagtapos niyang banggitin ito, ang dark red haze ay nagsimulang gumalaw. Ang balangkas ng isang Little World ay nagsimulang punuin ang himpapawid at hinaharangan ang mga atake ng Kings.

"Emperor Mu Yun, hindi mo mapipigilan ang mga atake namin kahit na mabuo pa ang iyong Little World."

"Para saan pa!?"

Panghihikayat ng Cold Moon King at ng Giant Shark King nang umatake sila.

Ngayon, ayaw na lamang mapahiya ni Emperor Mu Yun. Matapos mabuo ang kaniyang Little World, ang kaniyang depensa at opensa ay parehas na labis na umangat.

Peng! Peng! Peng! Bam!

Subalit, ang mga battle-powers ng mga Kings na ito ay kayang magbaligtad ng mga ilog at karagatan. Sila ay hindi mapapantayan sa kalupaan. Ang Little World ni Emperor Mu Yun ay biglang napuno ng mga butas.

"Papaslangin ako ang tatlong taong 'yon kahit na kailangan kong magbayad ng halaga."

Bilang isang Emperor, mayroong sariling karangalan si Emperor Mu Yun, na nagdulot upang hindi siya basta-bastang sumuko. Kaya naman, ginamit din niya ang kaniyang Little World upang harangin ang sunod-sunod na atake.

Ang kaniyang kaluluwa at True Yuan ay nagsimulang kumulo, at isang naglalagablab na blood-red blade ay nagsimulang mabuo sa kaniyang kamay. Ang blood-red blade ay isang daang yarda ang haba at naglalagablab na mayroong isang half-transparent na apoy, nagpapakawala ng isang pinagbabawal na aura.

"Mamatay ka na!" Namula ang mukha ni Emperor Mu Yun dahil sa pagkamuhi nang humiwa siya gamit ang blade.

Crack!

Nawarak ang mga atake ng Kings, at ang higanteng blade ay humiwa sa Heaven and Earth. Mayroon pa ngang mga tunog ng pagbasag ng mga spatial domains.

"Argh…!"

Sa ilalim ng atakeng ito, ang isang Domain-level King at dalawang normal na mga Kings ay biglang naging isang lawa ng dugo at tubig.

"Napakalakas na opensa! Kahit ang mga spatial domains ay nawasak," namanhid ang puso ni Zhao feng. Kapag buong puwersang sumugod ang isang Emperor, ang kaniyang battle-power ay lalakas nang ilang beses. Dagdag pa rito, ang blood-red blade na ito ay humihiwa tagos sa mga kaluluwa.

"Emperor Mu yun, baliw ka! Sinasayang mo ang iyong lifeforce!"

"Lahat kayo, magkampihan!"

Nagngangalit ang lahat ng Pirate Kings at nagulat sila nang gamitin nila ang kanilang mga sikretong techniques.

"Hahaha… kayong mga kumpol ng pirata, mamatay na kayo!" Ang mukha ni Emperor Mu Yun ay puno ng paglalayong pumatay.

"Sky Sealing Eighteen Palms!" Sigaw ng batang Demigod nang pakawalan niya ang kaniyang buong bloodline. Ang kaniyang katawan ay nagsimulang magliwanag na mayroong isang ginto nang tuluyang sumanib ang kaniyang kaluluwa sa Demigod Intent. Ang kaniyang palad ay parang marahang tumulak palabas, subalit lahat sila ay tumama parin sa Little World ni Emperor Mu Yun.

"Sky Sealing Eighteen Palms!?? Isa itong kumpletong technique ng Sky Sealing Palms!"

Ang Intent at Litte World ni Emperor Mu Yun ay nataasan nito. Nang magamit ang Sky Sealing Eighteen Palms, ang presyon at sealing effect ay mas lumakas.

"Hehe, sa oras na magalit ko ang lahat ng aking Sky Sealing Eighteen Palms, ang kapangyarihan ng pagselyo ko ay lalakas nang labingwalong beses. Sa oras na iyon, maseselyuhan ko na ang Heaven and Earth," itinulak palabas ng batang Demigod ang kaniyang mga palad.

Sa katotohanan, kahit ngayon, nakakagamit lamang siya ng hanggang 8th palad. Subalit, gayunpaman, nakakatulala pa rin ito. Naseselyuhan niya ang isang Peak-tier King at ang isang maliit na dimensyon.

"Hindi maganda! Ang aking Little World…!" Mabigat ang puso ni Emperor Mu Yun. Ang kaniyang opensa, skills, at Magnificent Power ay lahat napipigilan. Pagdating ng 4th sealing palm, ang kaniyang bilis ay nangalahati, at ang kaniyang mga pang-opensang kapabilidad ay humina nang 20-30%.

"Master, nagagamit ko lamang ang technique na ito hanggang sa ikawalong palm. Hindi ko siya kayang selyuhan nang buo," sambit ng batang Demigod.

"Sapat na 'yan," tumango si Zhao Feng. Kung tutuusin, ang kanilang kalaban ay isang Emperor.

Si Emperor Mu Yun ay napipigilan ng Sky Sealing Palm at siya ay nagngangalit na inaatake ng dalawampu o higit pang mga Kings. Kalahati na ng kaniyang Little World ang nasira.

Wah!

Sa wakas ay dumura ng maraming dugo si Emperor Mu Yun, at hindi niya mapigilang bahagyang magsisi. Dapat siguro ay hindi na siya masiyadong nagmataas. Hindi na sana niya sinubukang isalba ang kaniyang reputasyon. Talagang naging masiyadong mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili. Ang isang Emperor na tumatapat sa halos dalawampung Kings habang pinipigilan ng Sky Sealing Palm ay ay nagdulot upang mapunta siya sa isang desperadong kalagayan.

"Master, isa pa rin siyang Emperor. Kailangan mong mag-ingat sa counterattack niya," ang batang Demigod ay nakaabot na sa 7th palm, at si Emperor Mu Yun ay napinsala na at naghahanda na upang gumamit ng isa sa kaniyang mga natatagong baraha.

"Hmph! Kahit na kailangang magbayad ng malaking halaga para gamitin ang galaw na ito, nakakatiyak ito na makakatakas ako at na mapapatay ko ang kalahati ng mga taong naririto," malamig ang pagtawa ni Emperor Mu Yun. Bago siya tumakas, balak niyang labis na pinsalain ang mga taong ito.

Sa mga oras na ito, walang nakapagtanto na ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naging kulay lila na. Tila ba mayroong isang kulay maitim na lilang mundo sa loob nito. Ang kaniyang buhok ay naging kulay lila na rin habang sumasabay ito sa pag-ihip ng hangin.

"Sky Sealing 8th Palm!" Ginamit ng batang Demigod ang kaniyang huling Sky Sealing Palm, at ang kaluluwa at isipan ni Emperor Mu Yun ay parehas na bumigat. Napadura na naman siya ng dugo dulot ng mga atake ng Kings. Ang kaniyang Little World ay nagsimula nang mabasag, subalit kahit na labis siyang napinsala, isang masamang ngiti pa rin ang lumitaw sa kaniyang mukha.

Ang ilang mga Kings sa tabi ay nakaramdam na ng isang nakakabalisa at pinagbabawal na aura. Tanging ang eye-bloodline lamang ni Zhao Feng ang malinaw na nakakakita ng paggalaw at pagdaloy ng True Yuan ni Emperor Mu Yun.

"Ang selyo ay nasa pinakamalakas na estado na nito at ang kaniyang Little World ay nasira na. Ito na ang tamang pagkakataon!" Biglang ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang eye-bloodline technique.

Shuuu!

Isang half-transparent blade na nagpapakawala ng aura ng God Tribulation Lightning ang tumagos sa dibdib ni Emperor Mu Yun. Kumalat ang dugo kung saan-saan, at nanigas ang katawan ni Emperor Mu Yun. Ang kaniyang natatagong technique na gagamitin dapat niya ay biglang napigilan.

Sa isang iglap na iyon, naging pula at puti ang kaniyang mukha, at bumulwak ang dugo mula sa kaniyang mga tainga, ilong, at bibig. Ang mga nasa malapit na Pirate Kings ay mayroong nakabukang mga bibig.

"Void Space Eye Slash!"

Ang kulay ng mata at buhok ni Zhao Feng ay bumalik sa normal.

Gulat ang lumitaw sa mga mata ng Cold Moon King at ng Giant Shark King. Wala sa kanila ang nag-akala na ang batang ito ay mayroong nakakasindak na kapangyarihan. Sinong mag-aakala na ang pinakamalakas na sandata ng batang ito ay hindi ang Wind Lightning Inheritance, sa halip ay ang kaniyang eye-bloodline?

Sa pagkakataong nagamit ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, naramdaman ng mga Kings na naroroon ang panlamig ng kanilang mga kaluluwa sa pagkabalisang nararamdaman nila.

Kung ganoon, ito ang kaniyang tunay na lakas! At ang katiting ng kapangyarihang- maaari bang ito ang God Tribulation Lightning??? Tila ba nabulunan ang batang Demigod. Sinanib niya ang Demigod Intent kani-kanina lamang at ang kaniyang lakas ay labis na lumakas. Kahit ang Dark Heart Seed ni Zhao Feng ay naroroon pa, bumubuo na siya ng isang plano. Subalit, sa pagkakita ng eye-bloodline ni Zhao Feng, nanlamig ang kaniyang paghinga.

Ang Void Space Eye Slash ay mayroong mapanirang epekto kay Emperor Mu Yun.

Ang Void Space Eye Slash ngayon ay walang hanggang beses na mas malakas na kaysa noong nasa Demigod Forgotten Garden pa siya. Ang Purple Destruction Wind Lightning ay ngayon naging Scarlet Destruction Wind Lightning na, at sumanib ito sa kapangyarihan ng God Tribulation Lightning. Ang pagkakaiba sa kapangyarihan ay parang ang pagitan ng Heaven and Earth.

Kung hindi para sa katotohanan na ito ay isang biglang pag-atake, at dahil sa napipigilan si Emperor Mu Yun ng Sky Sealing Palm, at nasira ang kaniyang Little World, malamang ay hindi niya magagawang basta-basta siyang tamaan, hindi naging mayabang si Zhao Feng. Dahil sa kaalaman ng Emperor sa Space at ng kanilang mga pandama, mahirap para sa Void Space Eye Slash na tumama sa mga normal na sitwasyon.

Sa pagkakataong ito, lumalabas ang dugo sa ilong, mga tainga, mga mata, at bibig ni Emperor Mu Yun. Nasa bingit na siya ng kamatayan. Sino ang mag-aakala na ang isang Void God Realm Emperor ay magiging ganito?

"Sumabog ka!" Sinunog ni Emperor Mu Yun ang kaniyang True Yuan at ang kaniyang kaluluwa nang sumabog ang Little World, kung hindi napatay ang mag Kings sa tabi sila ay napatalsik naman.

"Argh!" Lima o anim na mga Void God Realm Kings sa malapit ay biglang napatay samantalang ang iba naman ay tumalsik.

Buti na lamang, nasira na ang Little World. Kung kumpleto pa ito, ang lakas mula sa pagsabog ng Little World ay magiging sampung beses na mas malakas at maaari pa itong makapatay ng isang Emperor.

Whoosh!

Matapos ang pagsabog ng Little World, isang dark red haze ang lumipad sa ere. Ang speed nito ay ilang beses na mas mabilis kumpara kay Zhao Feng kapag siya ay nasa kaniyang peak.

Sa isang kurap lamang ng mata, naglaho mula sa kanilang paningin si Emperor Mu Yun.

"Hindi ko ito makakalimutan!" Itiniim ni Emperor Mu Yun ang kaniyang mga ngipin, at ang kaniyang ekspresyon ay naging nakamamatay nang siya ay tumakas.

Makalipas ang isansg oras, nagsimulang mabawasan ang kaniyang bilis, at dumating siya sa mga sulok ng Eighteen Corners Pirate Sacred Land. Sa mismong oras na ito, isang malamig at itim na metal na barko ang lumipad.

"Void God Realm Emperor?" Natulala si Wen Luoan. Kani-kanina lamang, siya at ang Yin Yang Lord ay nakaramdam ng kaunting aura mula sa Eye of Death.

"Bumalik ka rito!" Sigaw ni Yin Yang Lord.

"Tila ba nahawakan ng Emperor na ito ang aura mula sa Intent of Death," Ang Tokens of Death nina Wen Luoan at ng Yin Yang Lord ay parehas na mayroong naramdaman.

"Ano? 'Bumalik ka rito'?" Nagdilim ang ekspresyon ni Emperor Mu Yun. Kahit na labis siyang napinsala, ang kaniyang kaluluwa ay hindi pa nasisira, at mayroon pa siyang 50-60% ng kaniyang natitirang battle-power. Subalit, kahit ganoon pa man, hindi siyang isang nilalang na kayang tapatan ng Peak-tier King.

Next chapter