webnovel

Lakas ng isang Emperor

Editor: LiberReverieGroup

"Ang tyansa ng alyansa ng mga pirata para manalo ay hindi hihigit sa 30%. Ang aking mungkahi sa Master ay umalis."

Hindi magiging mahirap kay Zhao Feng ang tumakas sa magulong labanan sa kaniyang lakas, ngunit si Zhao Feng ay nagsimulang magisip at umiling, "Ito ang magandang pagkakataon para maintindihan ang lakas ng Emperor."

Hindi pa siya nakipaglaban sa isang Emperor, at si Emperor Mu Yun ay hindi man lang kasama sa mga nangungunang Emperor.

Kung wala siyang lakas ng loob na sumali sa labanan na ito, pano niya haharapin ang Emperor of Death?

At saka, si Zhao Feng ay nasa panig ng Cold Moon King, kaya dapat niyang ibigay ang kaniyang kapangyarihan gaya ng kaniyang pinangako.

Boom!

Ang kulay lilang Soul Sea ni Zhao Feng ay biglang umalog na para bang nakakulong sa malakas na intent.

Kung ito ay mas mahina sa isang King, baka ang kanilang kaluluwa ay natapos na, at sila ay napinsala kahit pa isa silang King.

"Emperor Mu Yun!"

Nanlamig ang puso ni Zhao Feng nang sumulyap siya kay Emperor Mu Yun sa sentro ng maitim na pulang usok.

Ang Intent ay dumating na mula kay Emperor Mu Yun. Pinagtuunan niya ng pansin si Zhao Feng. Ang Cold Moon King at ang Giant Shark King ay sabay na nagulat.

Ang Intent ni Emperor Mu Yun ay pinagtuunan ng pansin ang tatlo ng sabay at ginulat ang kanilang mga kaluluwa.

"Master, nagiwan ang Emperor Mu Yun na ito ng bakas sa inyong tatlo," babala ng child Demigod, at nalaman ni Zhao Feng na may malupit na ngiti ang Dark Dragon King.

Halata na si Zhao Feng ay isa sa mga taong dapat patayin, kaya siya ang pinagtutuunan ng pansin.

Ito ay dahil pinatay nito ang tatay-tatayan ng Dark Dragon King.

Bukod sa dalawa, ang Giant Shark King at ang Cold Moon King ay makapangyarihang matutunggali para maging Pirate Emperor, at direkta nilang binantaan ang katayuan ng Dark Dragon King.

"Hmm?"

Bahagyang nasurpresa si Emperor Mu Yun nang tignan niya si Zhao Feng.

Ang kaniyang Intent sa ngayon ay hindi sinira ang kaluluwa ng junior?

Naramdaman niya ang aura ng kaluluwa ni Zhao Feng na parang bundok ng kidlat at hindi nakagalaw.

Gayunpaman, hindi na iyon inisip ni Emperor Mu Yun. Maraming talentadong tao sa mundo, at ang iba ay may malakas na kaluluwa habang ang iba ay may matibay na Intent.

Mayroon pang isang lahi sa Ten Thousand ancient races na mas lumalakas sa pamamagitan ng paglamon ng kaluluwa ng iba.

"Mag-ingat kayong lahat. Kings pababa sa Domain-level, lumayo kayo kay Emperor Mu Yun!"

"Ang Cold Moon King at ako, gayundin ang apat na Domain-level Kings, ay hihinto kay Emperor Mu Yun!"

Iniutos ng Cold Moon King at ng Giant Shark King, ngunit nagsimula ng umatake si Emperor Mu Yun.

Boom!

Ang pulang usok ay nagmukhang buhay sa pagharang nito sa araw at buwan.

Ang espasyo dito ay kinokontrol ni Emperor Mu Yun, at hinarangan niya ang alyansa ng mga pirata pati ang Pirate Kings.

"Mamatay ka na!"

Dahan-dahang itinaas ni Emperor Mu Yun ang kaniyang kamay at bumuo ng maitim na pulang kamay sa himpapawid na bumaba sa kalangitan.

Ang maitim na pulang kamay ay sinundan ng alon na parang usok na parang nagrerepresenta sa Intent ng mundo.

"Hindi ito mabuti!"

Ang parehong katawan ng Cold Moon King at ang Giant Shark King ay naging mabigat habang ginagawa nila ang kanilang makakaya para iwasan ang madilim na pulang kamay na nakatutok sa kanila.

Hangga't mapatay ang dalawang Peak-tier King, ang alyansa ng mga pirata ay mabilis na guguho.

"Giant Shark Image!"

Umungal ang Giant Shark King nang buksan niya ang kaniyang bloodline na nababalot ng imahe ng isang malaking sinaunang pating. Pagatapos ay iwinagayway niya ang kaniyang kamay, at ang dominenteng kapangyarihan ng imahe ng pating ay nilaslas patungo sa pulang kamay.

"Unique Cold Moon!"

Ang espada ng Cold Moon King at magkaugnay na patalim at nagpadala ng kamanghamanghang sinang ng buwan sa himpapawid na nagsimulang hiwain ng pira-piraso ang maitim na pulang ilaw.

Malamang, ang dalawang Peak-tier Kings ay kailangang umiwas sa isang panig habang hinaharangan ang maitim na pulang ilaw.

Hindi nila sinubukang makipaglaban ng harap-harapan.

Bam! Bam! Bam!

Ang maitim na pulang kamay ay sumabog at binalot ang lahat sa loob ng ilang daang yarda.

"Arghh!"

Hindi nagawang umiwas sa oras ng dalawang normal King at naging dalawang danak ng madugong tubig.

Sa isang palad lamang, dalawang normal King ang namatay.

Siii!

Ang King ng alyansa ng mga pirata ay kumuha ng malamig na hininga.

"Ang mga Kings na hindi nakabuo ng Domains ay mga langgam sa harap ng isang Emperor," bulong ng batang Demigod, at namanhid ang puso ni Zhao Feng. Ang lakas ng Emperor ay nakakasindak."

"Umiwas!"

Ang normal Kings ay nasimulang maglagay ng kaunting distansya sa pagitan nila.

"Magsikalat kayong lahat,"

Iwinagway ng Cold Moon King ang kaniyang patalim at espada papunta kay Emperor Mu Yun.

Isang malaking palakol ang lumitaw sa kamay ng Giant Shark King. Iyon ang armas ng peak-tier Earth-Grade.

Naglalaman ang higanteng palakol ng kapangyarihan ng Peak-tier King's domain at ng imahe ng patin, na nagdulot sa himpapawid na manginig.

Boom! Boom! Bam!

Ang atake ng two Peak-Tier Kings ay pumunta kay Emperor Mu Yun, at siya ay ngumiti ng may pangungutya habang iwinawagway niya ang kaniyang kamay at bumuo ng butas sa maitim na pulang ilaw na lumamon sa mga atake.

Sa ibabaw non, ang butas na tumaginting sa maitim na pulang usok at nagkaroon ng kapangyarihang humigop.

"Hindi ito maganda!"

Ang anyo ng Cold Moon King at ng Giant Shark King ay parehong hinatak papunta sa butas.

Whoosh!

Sa sandaling iyon, isang gintong pana ang lumitaw sa himpapawid at tumama papunta kay Emperor Mu Yun.

Napatalon sa takot si Emperor Mu Yun.

Mukhang ang gintong pana ay nakatuon sa kaniyang kaluluwa, at kahit siya ay hindi maiwasan ito.

Gayunpaman, ang pana ay naglalaman ng auro ng Destruction, na hindi niya sinubukang maliitin.

Ito ang pinakamalakas na pana na pinakawalan ni Zhao Feng matapos makuha ang Sky Locking Bow.

Kumpara sa nakalipas ng sampung araw, ang pana ng God Tribulation Lightning sa Scarlet Destruction Wind Lightning ay mas malakas kumpara dati.

Whoosh! Bam!

Isang imahe ng nabuong dimensyon ang pumaligid kay Emperor Mu Yun, at ang kapangyarihan ng pana ay nagsimulang humina at nawala ng umatake ito kay Emperor Mu Yun.

"The Litte World of an Emperor – isang nahubog na spatial domain!" Nagulat si Zhao Feng.

Kahit na ang pana ay nakakasindak kay Emperor Mu Yun, nakatulong parin ito sa dalawang Peak-tier Kings.

"Atake!" ganting pagsalakay ng Cold Moon King, ng Giant Shark King, at ng apat na Domain-level Kings .

Kaharap ang maraming elite Kings, kahit na si Emperor Mu Yun ay hindi sila minaliit.

Bam! Boom! Bam!

Nagbangaan ang Cold Moon King at ibang Kings laban kay Emperor Mu Yun, na nagdulot sa Heaven and Earth na yumanig.

Sa parehong oras, pinamunuan ng Dark Dragon King ang ibang Pirate Kings at nagsimulang makipaglaban sa natitirang alyansa ng mga pirata.

"Pumatay!"

Iwinagayway ng Dark Dragon King ang kaniyang sibat at hindi siya nagawang pigilan ng normal Kings.

Hinintuan ni Emperor Mu Yun ang Cold Moon King, ang Giant Shark King, at ang malalakas na pirata. Ibig sabihin ang Dark Dragon King ay hindi mapipigilan.

"Bata, maghanda ka nang mamatay!"

Dinilaan ng Dark Dragon King ang kaniyang mga labi at malupit na tumingin kay Zhao Feng at sumugod patungo sa kaniya.

"Lightning Wings Wind Flash!"

Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang Winds of Wind at Lightning upang makalayo sa Dark Dragon King. Nang hindi ginagamit ang God Spiritual Eye, mahihirapan si Zhao Feng lumaban sa Peak-tier King ng harap-harapan.

Ang Dark Dragon King ay may apat pang Domain-level King at dalawang normal King, samantalang ang alyansa ng mga pirata ay mayroon lamang tatlong Domain-level King at dalawampung normal King.

Ang Dark Dragon King ay kayang pahintuin ang dalawa o tatlong Domain-level King. Kahit na panig ni Zhao Feng ay hindi kapos dahil sa malaking bilang, madaling nasugpo ni Emperor Mu Yun ang Cold Moon King, ang Giant Shark King, at ang iba pa.

Nagkaron din siya ng oras para atakihin ang iba, at kaya niya makapatay ng Pirate King sa bawat paglusob.

Kung matalo ang Cold Moon King at Giant Shark King, isang alon ang mabilis na lilitaw.

"Little Kun Yun," tumingin si Zhao Feng sa batang Demigod at nagbigay ng utos.

"Master, gusto mong…?" nagpakita ang batang Demigod ng sabik na tingin.

Shua!

Intinago ni Zhao Feng ang batang Demigod.

Miao miao!

Mabilis na sumunod doon, isang maliit na mala-abong pilak na pusa ang lumitaw na may hawak na array of flag sa lugar digmaan.

Hu~~~

Ang Ghost Corpse Cursed Array ay mabilis na bumukas at ito'y sumaklaw ng ilang milya.

Matapos masipsip ang essence ng maraming Kings, ang Ghost Corpse Cursed Array ay mas lumakas.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay binuo ang array sa halos isang dosenang yarda, at ang gagawin nito ay kolektahin ang essence ng mga patay na Kings.

"Lightning Wings Flying Technique!"

Pumagaspas ang pares ng pakpak sa likod ni Zhao Feng ng nawala siya.

"Arghhh!"

Isang normal King sa baba ang napatay ni Zhao Feng.

Gamit ang Lightning Wings Flying Technique at ang Wind Lightning Wings Slash ng sabay, madaling mapapatay ni Zhao Feng ang kaniyang mga pinipuntirya.

Gagamit niya agad sa kaniyang pagdatimg ang Wind Lightning Wings Slash, at ang pinupuntirya ay hindi makakagalaw. Kahit na napansin ito, wala silang oras para umilag o tumakas.

Ito ay dahil, kung paguusapan ang bilis, bukod sa Emperor at sa nakararaming Peak-tier Kings, walang makakahuli sa kanila kay Zhao Feng.

"Argh!"

Sa isang kislap, mabilis napatay ni Zhao Feng ang isa pang normal King.

Ang Dark Dragon King ay mayroon na lamang apat na Domain-level Kings, at siya ay inatake ng grupo ng Pirate Kings.

Kumunot ang kilay ni Emperor Mu Yun. Hindi niya pwedeng hayaan ang Dark Dragon King sa panganib.

"Arghhhh!"

Tumulak ng isang palad palabas si Emperor Mu Yun, nakapatay siya ng dalawang normal Kings at sugatan ang isa.

Malamang, gusto alisin ni Emperor Mu Yun si Zhao Feng, ngunit profound ang technique ng ikalawang nabanggit, at mayroon siyang ablidad na tumagos.

Kung babalikan, ang Wind Lightning Emperor ay nagawang makatakas kahit sa Mystic Light Realm Sacred Lords.

Sa parehong oras, sa himpapawid ng Ten Thousand Abyssal Islands Zone, isang malamig na itim na barko ang lumilipad, at naglalabas ng nakakagulat na aura of Deatg. Ang animal at mga halimaw ay nanginginig sa takot kapag dumarating ito.

"Nasa unahan natin ang Eighteen Corners Pirate Sacred Lang," tinignan ito ng isang nag-iinit na bata.

"Ayon sa aming pagsusuri, ito ang direksyon na pinuntahan ni Zhao Feng nang siya ay tumakas," isang boses ang maririnig kalapit ng Death Spirit Lord na may suot na maskara ng Yin Yang.

Magalang na tinignan ni Wen Luoan ang pinuno ng apat na Dark Spirit Lord – ang Yin Yang Lord

Next chapter