webnovel

Ang Pagbubukas ng Forgotten Garden

Editor: LiberReverieGroup

 Sa kagubatang nababalot ng lilang ulap na nasa pangunahing Spiritual Peak ng Thousand Darkness Sacred Clan:

"Xi'er, kahit na mayroon kang maalamat na bloodline ng Ten Thousand Ancient Races, hindi ito isang battle-type na bloodline. Ang iyong tiyansa na manalo laban kay Nan Gongsheng ay hindi tataas sa 50%."

Isang boses ang narinig mula sa bamboo room.

Sa loob ng kuwarto ay madilim at mayroong mabangong amoy.

Isang walang katulad na kagandahan na may mga matang katulad ng mga bituin ang nakatayo doon. Ang kaniyang buhok ay umaabot na sa lupa, at tila isa siyang goddess.

"Hmph, kahit na si Nan Gongsheng pa ang nangungunang henyo ng Sacred Land, siya'y walang laban pa rin sa akin."

Hinawakan ni Meng Xi ang kaniyang buhok at tila mabigat ang loob nito.

Sa kaniyang harap ay may nakaupong anyo na may pilak na buhok na may walang hanggang makapangyarihang aura.

Mahihirapan ang sinuman na hulaan ang kasarian ng anyong ito, at kahit na tila nandoon iyon, nagmistula itong bolang nasa himpapawid.

"Hehe, ikaw ang pinaka-namumukod-tanging disciple ko. Paanong hindi ako maghahanda para sa isang okasiyon na nangyayari lamang ng isang beses sa loob ng limandaang taon, ang Demigod Forgotten Garden?"

Mabagal na binuksan ng anyo ang kaniyang mga palad.

Shua!

Isang kakaiba, na purple unicorn's horn ang lumapag sa palad ni Meng Xi.

"Ito ang…?"

Bahagyang nagulat si Meng Xi. Ang purple unicorn's horn ay naglalaman ng malaking aura ng mental energy, ngunit mukhang hindi ito isang sandata.

"Gamit nito, ikaw ang magiging pinakamalakas sa Demigod Forgotten Garden. Kahit si Nan Gongsheng ay mag-iingat rin sa iyo."

Bahagyang napangiti ang anyo.

Kinaumagahan ng pangalawang araw, sa isang malaking entablado ng arena na nasa Spiritual peak ng Mystic True Sacred Clan, ang mga auras ng karamihan sa half-step Void God Realm ay naglaban-laban.

Ang tatlo ay nasa parehong panig: isang middle-aged na lalaki na may mahabang balbas, isang nanlalamig na bata, at isang babaeng naka suot ng berdeng bistida.

Sa kabilang panig ay isang sharp youth na may mistikong kasuotan na ang kamay ay nasa kaniyang likod. Ang kaniyang isang kamay naman ay naglabas ng pilak na ilaw na tumulak sa mga tatlong half-step Void God Realm.

Maraming mga spectators ang nanood, kasama na ang mga Core disciple, maraming mga King, at kahit na ang mga Emperor.

"Hinarap ni Nan Gongsheng ang tatlong mga half-step Void God Realm ng ganon lang kadali!?"

Ang mga Core disciple na nanonood ay nakaramdam ng pag-ikot ng kanilang mga puso. Siya'y isang halimaw.

Si Nan Gongsheng ay ang Head disciple ng Mystic True Sacred Clan. At kasabay nito, siya rin anb pinakamalakas na henyo sa buonh Sacred Land. Walang sinuman maliban kay Meng Xi, na mayroon ding bloodline ng Ten Thousand Ancient Races, na makakayang makatagal sa kaniya ng higit sa sampung mga atake.

Ta!

Ang mga intent ng tatlong mga half-step Void God ay biglang naghalo-halo at nawasak patungo kay Gongsheng.

Ang Heaven Earth Yuan Qi ay tila nanigas nang sumalpok ang mga puwersa sa soul-dimemsion. Ang pag-iisip ng lahat ay huminto.

Ang mga intent ng tatlong mga half-step Void God Realm ay naging isa, at ang mga Core disciple na nasa baba ay hindi na nagtangkang huminga pa.

Kahit na nakaabot na si Nan Gongsheng sa half-step Void God Realm, nahirapan pa rin siyang iwasan ang pinagsama-samang mga atake ng mga intent ng tatlong half-step Void God Realm.

"Break!"

Isang pilak na ilaw ang kumislap sa paligid ni Nan Gongsheng nang nagsimulang tumaas ang intent ng kaniyang half-step Void God Realm.

Boom!

Isang malakas na pagsabog ang narinig sa loob ng soul-dimension, na nakalampas din sa physical dimension.

Sa sandaling iyon, ang mga array sa paligid ng entablado ay dumilim.

"Void God intent!"

Ang lahat ay biglang nag-usap-usap. Tanging ang mga Emperor lamang ang mayroong kalmadong mga ekspresiyon.

Bam! Bam! Bam!

Nagulat ang tatlong mga half-step Void God Realm. Sila ay napalipad ng Void God intent, at maraming dugo ang tumulo sa kanilang mga bibig.

"Isang Intent of a King? Si Nan Gongsheng ba ay naging hari na?"

"Hindi, ang kaniyang cultivation ay nasa half-step Void God Realm pa rin, ngunit ang kaniyang kaluluwa ay naging intent na ng isang true Void God Realm King."

Ang mga spectator ay nagkagulo.

Sa sandaling iyon, ang lahat ng mga henyo ay tumingin kay Nan Gongsheng ng may respeto at paghanga.

Ang makabuo ng intent ng true Void God ay nangangahulugang wala ng makakapigil kay Nan Gongsheng.

Boom!

Isang bagong Void God intent ay umakyat sa taas at sumiklab sa kapangyarihan ng kalawakan.

Sa kanilang paningin, si Nan Gongsheng ay tila naging isa sa kalangitan.

Mula ngayon, ang kaniyang intent ay mayroon ng abilidad ng isang King at madali na lamang makakapatay ng isang normal na mga Origin Core Realm.

"Isang bagong King intent."

"Mayroon bang naging King?"

Ang mga Divine Senses ng karamihan sa mga Void God Realm King at Emperor ay kumislap sa himpapawid.

Gayon pa man, sila ay nagulat nang mapagtanto nila na ang bagong King intent ay nagmula sa isang bata.

"Si Nan Gongsheng ay nasa tatlumpu o mahigit na taong gulang pa lamang at siya'y nakabuo na ng King intent."

"Hindi na nakapagtataka na ang nangungunang henyo ng Sacred Land na mayroong peerless Spatial Body at peerless Heaven Spirit Body."

Bumuntong hininga ang ibang mga King.

Amg mga normal na mga eksperto ay nangangailangan ng daan-daang taon o mas higit pa bago maging isang King.

Gayon pa man, si Nan Gongsheng ay tunay ngang talentado.

Ang cultivation bodies ng mundo ay nahahati sa Mortal, Spiritual, Earth, at Heaven na mga rank.

Ang mga normal na cultivator ay mayroon lamang na Spiritual bodies.

Noon sa Guanjun Province, ang katawan ni Zhao Feng at ang iba pa ay tanging nasa half Spiritual bodies lamang.

Ang mga Earth ranked bodies ay bibihira lamang, at si Nan Gonsheng ang pinakamataas na Heaven ranked body.

Maliban pa dito, siya ay mayroong kakaibang Spatial Spirit Body.

Ang Spatial Spirit Body ay nangangahulugan na ang pagkakatugma niya sa Space, Heaven, at Earth ay napakataas. Ang katawang ito ay hindi namamana; ito

Ang ganitong klaseng talento ni Nan Gongsheng ay nangangahulugang isa sa mga pinakatalentadong tao sa Sacred Land. Tanging dalawang tao lamang na may Ten Thousand Ancient Races ang mahahalintulad sa kaniya.

Sa loob ng hardin, binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata nang makaramdam siya ng panibagong King intent na kumalat sa main Spiritual Peak.

"Siya si Nan Gongsheng?"

Ang pag-iisip ni Zhao Feng ay nahati sa dalawampu o tatlumpu na lumipad sa himpapawid.

Sa mga nakalipas na mga araw, si Zhao Feng ay nakahigop ng napakalaking halaga ng Ancient Dream Realm aura para pagtibayin ang kaniyang cultivation.

Gayon pa man, matapos niyang makalampas, nakita niya ang kadakilaan ng nangungunang henyo sa Sacred Land, si Nan Gongsheng.

"Ang intent of a King…."

Bumuntong hininga si Zhao Feng. Ang lahat ay tila kalaban ng isang maliit na bagay na iyon.

Ito ang Spiritual Sacred Land, ang lugar kung saan ang cultivation ay tumaas ng sibra-sobra.

Si Nan Gingsheng ay nasa pinakataas ng top ten geniuses, at siya ang nagbansag ng Sheng at Men."

Ang Sheng ay nagrerepresenta kay Nan Gongsheng, na mayroong three-atar Mystic True Sacred Clan sa kaniyang likod.

Ang Meng ay nagrerepresenta kay Meng Xi, na mayroong three-star Thousand Darkness Sacred Clan sa kaniyang likod.

Matapos makita ang lakas ni Nan Gongsheng, inisip ni Zhao Feng si Meng Xi, na sa kasalukuyang mayroong bloodline ng Ten Thousand Ancient Races. Paniguradong hindi naglalayo ang lakas niya kay Nan Gongsheng.

Nang palapit na ng palapit ang pagbubukas ng Demigod Forgotten Garden, ang mga disciple na nasa seclusion ay nagsilabasan na.

Ang bawat top ten geniuses ng Sacred Land ay isa-isang nagsilabasan, at silang lahat ay lumakas.

Sa mga sandaling iyon, si Zhao Feng ay huminto na sa kaniyang cultivation at nagsimulang magbasa ng impormasiyon tungkol sa Demigod Forgotten Garden.

Kahit na mukhang hardin ang Demigod Forgotten Garden, sa katotohanan, ito ay isang secret realm na mas mataas pa sa Purple Saint Ruins.

Kung tutuusin, ang Purple Saint Ruins ay napakahina na ngayon, ang lakas nito ay hindi na kasing lakas noong ito'y nasa peak pa lamang.

"Junior Martial Brother Zhao."

Isang boses ang narinig mula sa labas.

Nang marinig niya ito, ang Spiritual Sense ni Zhao Feng ay agad na sinuri ang labas at saka nakita ang isang disciple.

Ang batang disciple na iyon na naka berdeng roba ay tila mapagkumbaba.

"Senior Martial Brother Dong."

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng at saka umalis.

Nakakilala siya ng maraming mga Core disciples sa kasagsagan ng disciple ceremony, at si Senior Martial Brother Dong, na ang buong pangalan ay Dong Wenjian, na isa sa kanila.

Ang mas mahalaga pa dito, si Dong Wenjian ay isang in-name disciple ni Duanmu Qing, at ang kaniyang ama ay isang half-step Void God Realm sa middle echelon.

Noon, kinuha ni Duanmu Qing si Dong Wenjian bilang kaniyang in-name disciple dahil nakita niya ang ama nito na napakasipag at siya ay naantig.

Ang talento ni Dong Wenjian ay tanging sakto lamang sa Sacred Land.

Kadalasan, ang oras ni Duanmu Qing ay halos ginugugol noya sa pag-iisa, at maggugugol ng ilang mga taon sa bawat pag-iisa niya. Ibig sabihin ay wala talagang oras para mabigyan niya ng gabay si Dong Wenjian.

"Junior Brother Zhao, mayeoon pang tatlong araw bago bumukas ang Demigod Forgotten Garden, at ang Master ay wala pa rin dito. Kamusta ang iyong paghahanda?"

Si Dong Wenjian ay napaka-init.

Ang dalawa ay nasa ilalim ng parehong Emperor, ngunit ang isa ay isang Peraonal disciple habang ang isa ay in-name disciple lamang.

Kahit na may pagkakaiba sila pagdating sa estado, pareho naman ang kanilang master.

At dahil hindi pamilyar si Zhao Feng sa mga tao, ang nakakausap niya lamang ay si Dong Wenjian.

"Nakagawa ako ng maliit na paglakas sa aking pag-iisa. Kahit na hindi ako makasali sa Top Ten Geniuses' level, hindi ko mapapahiya ang aking Master."

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng at siya ay medyo mapagkumbaba pa.

Tumingin sa isa't isa sina Dong Wenjian at Zhao Feng ng may magugulong mga emosiyon, kasama ang pagkainggit at pag-iingat.

Si Zhao Feng ay dalawampu't tatlong taong gulang pa lamang at nakaabot na sa ganitong klaseng cultivation.

Pinanood din ni Dong Wenjian ang laban ni Zhoa Feng kay Zuo Hong, at hinulaan niya na paniguradong hindi siya magtatagal sa loob ng tatlumpung atake kung siya iyon.

At ngayon, ang cultivation ni Zhao Feng ay tumaas pa lalo at nakaabot na sa late-stage ng Small Origin Core Realm. Mayroon ding kapangyarihan sa kaniyang katawan na nagdadala ng matinding puwersa.

Sa araw na iyon, sina Zhao Feng at Dong Wenjian ay nagsimulang kumausap ng ibang mga tao sa Sacred Land, halis ay dahil sa dalawang dahilan.

Ang isa ay ang impormasiyon tungkol sa Demigod Forgotten Garden.

Ang Demigod Forgotten Garden ay nanatili na sa napakahabang panahon, at ang impormasiyon hawak ng bawat King at Emperor ay may kaunting pagkakaiba.

Ang ibang mga Emperors at Kings ay maaaring kumpleto na sa impormasiyon.

Halimbawa, si Duanmu Qing ay madalas na mag-isa at umaaktong mapag-kumbaba, ibig sabihin na ang impormasiyon na mayroon siya ay hindi kumpleto.

Ang mas importante, ang mga tao ay pwedwng magtulong-tuulongan sa Demigod Forgotten Garden.

Dahil sa mga dahilan na ito, si Dong Wenjian ay nakipag-usap sa ibang mga Core disciples.

Kung tutuusin, ang dalawang superpowers at ang mga tatlumpu't tatlong two-star sects ay papasok na sa Demigod Forgotten Garden, at ito ay normal lang na magkaroon ng sakuna.

Lumipas ang mga oras, at ang tatling araw ay lumipas sa isang kurap lang ng mga mata.

Sa araw na ito, ang isang beses sa loob ng limandaang taong Demigod Forgotten ay nagbukas na.

Boom!

Ang guhit ng hardin ay lumitaw sa gilid ng Ten Thousand Ancient Sacred Peak na may kasamang kahanga-hangang kapangyarihan na yumanig sa Heaven at Earth.

Next chapter