webnovel

Pag-aayos sa Barko

Editor: LiberReverieGroup

Si Zhao Feng, Jiang Fan, at Chen Yin ay naglakas nang magkasama at nag-usap.

Ang dalawang henyo ng Sacred Land ay mas interesado sa bloodline at talento ni Zhao Feng. Sa kanyang lakas, hindi ito ikinonsidera ng dalawa.

"Si Brother Zhao ay hindi isang diaipulo ng isang two-star sect o Void God Realm?"

Ang matangkad at mapayat na youth at si Chen Yilin ay bahagyang nagulat.

Wala naman talagang sinabi si Zhao Feng tungkol sa kanyang karanasan. Hindi siya takot na may magalit sa panlabas na mundo, ngunit ayaw niyang maapektuhan ang kanyang inang bayan, lalo na ang Iron Blood Religion at Broken Moon Clan.

Habang sila ay nag-uusap, ang dalawang henyo mula sa Sacred Lands ay hindi nagpakita ng senyales ng kayabangan, ngunit masasabi pa rin ni Zhao Feng na hindi siya inilagay ng dalawa sa parehong lebel.

Noon, naramdaman ni Jiang Fan ang bloodline aura ni Zhao Feng at nagpakita ng battle-intent, ngunit nang malamang si Zhao Feng ay nasa half-step Origin Core Realm at walang malakas na karanasan, nawalan na siya ng interes.

Ang dalawang ito ay kaswal na interesado sa akin. Wala silang intensyong kaibiganin ako.

Naramdaman ni Zhao Feng. Kahit gaano pa sila kagalang, nanggaling pa rin sila sa Sacred Lands at three-star forces, kaya ang pakiramdam nila ay nakakataas sila.

Ang pakiramdam ng bahagyang pagmamaliit at dumaan sa puso ni Zhao Feng nang saglit. Gayunman, kailangan niyang amining may malaking pagkakaiba sa pagitan niya at ng mga henyo sa mga bloodline ng Ten Thousand Ancient Races.

Ang dalawa ay hindi gaanong nagsalita tungkol sa sitwasyon sa loob ng Spiritual Sacred Lands.

"Ang aking bloodline ay nanggagaling sa Black Dazzling Race, at mahusay ito sa lakas at depensa."

Si Jiang Fan ay ngumiti. Ang Ten Thousand Ancient Races bloodline ay isa sa mga peak existence sa Fan Universe. Kahit ang Eight Great God Eyes ay may kaugnayan sa Ten Thousand Ancient Races.

Matapos mag-usap, ang dalawa ay nagsimula nang mawalan ng interes at umalis na.

Sa kabillang sulok ng arena, ang Third Elder ng Gan Cloud Pavilion ay nakahinga na nang maluwag. Nag-aalala siyang kakaibiganin ni Zhao Feng ang dalawa. Ang ibig sabihin nito ay kailangan niyang mag-alala. Gayunman, mula sa kasalukuyang kalagayan, mukhang gusto lang ng dalawang makipag-usap kay Zhao Feng.

"Siguradong kasama sila sa ilang pinakamagaling sa Sacred Land. Pagkaalis nila, maaarin ko nang atakihin ang ungas na iyon nang hindi nag-aalala."

Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa labi ng Third Elder ng Gan Cloud Pavilion.

Sa mismong sandaling ito:

"Halika na."

Pinangunahan ni Zhao Feng ang grupo at iniwan ang arena.

Ang mga mata ni Xiao Ma ay tumuingin sa dalawang henyong mula sa Sacred Land, at nakaramdam ng pagsisisi para kay Zhao Feng. Ang pagkakataong kaibiganin ang dalawang iyon ay madaling pinakawalan ni Zhao Feng.

Kung nais ni Zhao Feng na kaibiganin sila, maaari na siyang magkaroon ng kaugnayan sa Spiritual Sacred Lands.

Para sa natitirang oras sa araw, sila Zhao Feng ang ngalakad sa paligid ng Void Ocean Spiritual Palace nang ilang sandali bago pumasok sa hotel.

Nang makarating na sila sa hotel, ang mga mandaragat may pagkakataong gawin ang kanilang gusto, kahit na gusto nilang makipagpalit ng resources o gamitin ang pagkakataong ito para magpalakas gamit ang kanilang heart blood essence.

"Xiao Ma, ang susunod na gawaing kailangan naming mula sa iyo…"

Si Zhao Feng ay mabagal na nagsalita.

"Magsalita kayo, Kapitan."

Si Xiao Ma ay biglang natuwa. Ang Kapitang ito ay siguradong pinipigilan ang kaniyang paghinga; ang kaniyang ginawa buong araw ay maglakad-lakad. Sa wakas ay nakukuha na nila ang punto, kaya si Xiao Ma ay natuwa. Karaniwan, kpaag mas mahalag ang gawain, mas malaki ang kapalit, kaya makakatanggap siya ng mas malaking pabuya.

"Ang unang gawain ay ang ayusin ang barko."

Sinabi ni Zhao Feng sa kaniya ang sitwasyon ng Blue Lightning Sea Sky Ship.

Barko ng walang hanggang karagatan!

Ang mga mata ni Xiao Ma ay nagliwanag. Nakita na niya ang Blue Lightning Sea Sky Ship, at alam niyang mataas ang kalidad nito. Ang halaga ng ganitong barko ay napakataas, at kahit sinong mayroong barko ng walang hanggang karagatan ay hindi simple. Kahit ang ilang mga Sovereign ay walang barko ng walang hanggang karagatan.

"Ang ikalawang gawain ay ang magbenta ng ilang mga resources at bumili ng ilang mga bagay…"

Naglabas si Zhao Feng ng isang listahan.

Nang makita ni Xiao Ma ang listahan, ang kaniyang puso ay nag-umpisang kumabog at hindi na siya makapagpokus. Karamihan sa mga bagay na nasa listahan ay hindi lang marami ang bilang, kakaiba rin ito, kasama na ang ilang mga kayamanang tanging nasa alamat.

Kahit isa sa mga bagay na ito ay katumbas na ang kaniyang buhay.

Si Zhao Feng ay ngumiti.

Ang totoo, karamihan sa mga bagay sa listahan ay isinulat ng skeletal Division Leader, at nakatuon ito sa Ghost Corpse Cursed Array.

Ayon sa sinabi ng skeletal Division Leader, ang Ghost Corpse Cursed Array ay may potensyal na mas lumakas pa. Kung bawat ghost-corpse ay aabot sa half-step Origin Core Realm, ang kapangyarihan ay malaki ang itataas.

Bukod pa rito, ang array ay magiging mas malakas din kapag nilamon nito ang isang daang mga Sovereign.

Hu~

Huminga nang malalim si Xiao Ma matapos tignan ang listahan, at pinigilan niya ang saya sa kaniyang puso. Kahit na ang kaniyang amo hindi Origin Core Realm ang cultivation, ang yaman ay siguradong nalampasan na niya.

Kaunting mga taong kahit nasa Sovereign lebel ang kasingyaman ni Zhao Feng. Hindi pa nakikita ni Xiao Ma ang kahit ano.

"Xiao Ma, mayroon ka bang katanungan?"

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng.

Napatigil si Xiao Ma at nagsimulang mag-isip.

"Kung ang Kapitan ay payag na magbayad sa partikular na halaga, mabuting tanungin ang master na mahusay sa mga array. Inirerekomenda kong..."

Pag-aanalisa ni Xiao Ma at iminungkahi.

"Forging array master?"

Tanong ni Zhao Feng. Napagtanto niyang ang isang forging array master ay mahusay sa parehong pagpanday at mga array, na nangangahulugang kaya nitong mag-ayos ng mga barko ng walang hanggang barko nang mag-isa, at si Xiao Ma ay maraming mga rekomendasyon.

"Kung ibebena ng Kapitan ang mga resources na ito, ang mga kakaibang mga materyal ay maibebenta sa mas mataas na halaga sa nalalapit na subasta. Sa mga resources na nais mong bilhin, magtatanong ako sa paligid…"

Pinigilan siya ni Zhao Feng.

"Zhishui, ikaw at si Xiao Ma ay magtatrabaho na nang magkasama simula ngayon, at magiging responsable kayo sa dalawang gawain."

Kaagad na ibinigay ni Zhao Feng ang lahat ng panganib sa dalawang ito.

"Naintindihan ko Kapitan."

Sabi ni Loulan Zhishui at Xiao Ma.

Sa loob ng hotel, pumikit si Zhao Feng at nagsimulang magcultivate.

Ngayon, hindi siya pumasok sa Ancient Dream Realm. Sa halip, tumuon siya sa ganap na pagsasama at paghigop ng natitirang aura sa loob niya.

Sa sumunod na tatlong araw, si Xiao Ma at Loulan Zhishui ay nagsimula nang maging abala at sinabihan pa ang ibang mga mandaragat na tumulong. Ang dalawang ito ay magtatanong naman kay Zhao Feng pagdating sa mga mahalagang bagay, at nagsimula na ang pagbebenta at pamimili ng mga materyal at resources.

Ang bahagi ng mga resources na kaniyang ibinibenta ay nagmula sa Purple Saint Ruins, habang ang iba ay nagmula sa mga gantimpala ng laban mula sa pagpatay ng mga tao.

Sa ikatlong araw, matagumpay na nahanap ni Xiao Ma ang forging array master.

"Kapitan, ito ang kilalan si Master Wei mula sa Void Ocean Spiritual Palace, at tumulong siyang mag-ayos ng mga barko ng maraming two-star sects."

Sinani ni Xiao Ma sa magalang na tono.

"Narinig ko na ang kilala mong pangalan nitong mga nakaraan."

Mapagkumbabang sinabi ni Zhao Feng nang kaniyang suriin si Master Wei.

Si Master Wei ay may malamig na ugali. Direkta niyang sinabi ang punto at gustong makita ang Blus Lightning Sea Sky Ship.

"Ito ay isang barko ng pirata, ngunit ang mga materyales ay hindi na masama…"

Si Master Wei ay bahagyang nagulat. Sa patuloy na pagtatanong ni Xiao Ma, nakakuha na siya ng oras para tumingin.

Sa una, nagtataka siya sa sinabi ni Xiao Ma kung gaano kayaman ang sinasabi ni Xiao Ma na amo niya, ngunit matapos makita ang barko, hindi na niya ito minaliit.

Syempre, ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay disente lang sa kaniyang paningin. Hindi ito kasama sa pinakamaganda.

Matapos matahimik saglit, nagsalita si Master Wei, "Mayroon akong tatlong mungkahi; isang mababa, gitna. at mataas na suggestion."

"Oh, pagkinngan natin."

Si Zhao Fegn ay interesado.

"Ang mababang mungkahi at ayusin ang barko at bahagyang taasan ang mga katangian nito. Ang halaga ng mga materyalers ay maikukumpara sa isang Faldse Earth-Grade item."

SInabi ni Master Wei bago tumingn kay Zhao Feng. Ang halagaw ng isang False Earth-Grade weapon ay hindi mababa. Ang magkasamang Ten Broken Moon Clan ay hindi man lang katumbas nito. Umiling si Zhao Feng. Halatang hindi niya itp gusto.

"Ang gitanng mungkahi at ayusin ang barko at pataasin ang mga katangian nito nang malaki. Gayunman, ang katumbas na halaga ay maikukumpara sa kumpletong Earth-Grade weapons."

Bahagyang ngumiti si Master Wei.

Ilang mga kumpletong Earth-Grade weapon.

Nagsimulang pawisan nang malamig si Xiao Ma.

Hindi nagsalita si Zhao Feng at sumenyas para tumuloy Master Wei.

"Ang mataas na mungkahi at ganap na palitan ang barko. Hindi ito gaanong iba sa paggawa ng bago. Mangangailangan ito ng maraming tao at gagastos nang marami. Hindi ko makukumpleto ito nang mag-isa, at ang halaga nito ay sapat na para maubusan ng pera ang isang one-star clan…"

Umiling si Master Wei at ngumiti.

Ang gastos ng mataas na mungkahi at sapat na para maubusan ng pera ang isang one-star clan. Si Xiao Ma at Loulan Zhishui ay hinid maiwasang patunugin ang kanilang dila.

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay hindi nagbagp, "Pipiliin ko ang gitnang mungkahi."

Ang totoo, imposible para sa kaniyang piliin ang mataas na mungkahi, ngunit ang halaga ay labis na mataas para sa kaniyan gusto, at hindi ito makukumpleto sa mabilis na panahon.

Gayunman, ginulat na nito si Master Wei. Kadalasan, tanging mga peak one-star clan ang may yaman para piliin ang gitnang mungkahi. Kahit ang ilang mga Great Origin Core Realm Sovereing Lord ay halos hindi ito makayanan, ngunit mukhang hindi gaanong natuw si Zhao Feng sa pagpili nito.

Pagkatapos nito ay sinabi ni Zhao Feng kay Master Wei ang tungkol sa pagsasama ng heart blood essence ng isang balyena ng walang hanggang karagatan sa Blue Lightning Sea Sky Ship.

"Mayroon kang heart blood essene?"

Si Master Wei ay nagulat at natuwa. Halatang natuwa siya rito.

"Ang ideyang ito ay maganda dahil ang heart blood essence ay nagtataglay ng lakas mula sa isang hayop ng karagatan, at mas maitutugma nito ang barko sa karagatan, na nagpapalakas sa pagpigil nito sa pagguho habang pinapabilis din ito. Mapapaatras din nito ang ibang mga halimaw, kaya mas madaling makapaglakbay."

Nagpatuloy si Master Wei sa pagpupuri.

"Ngunit mangangailangan ito ng malaking halaga ng heart blood essence."

Pagkatapos ay umiling siya at naramdamang ito ay hindi totoo.

Next chapter