519 Elder Assassination

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa pagtatapos ng paglalaban sa pagitan ng pinakamalakas na eye bloodline sa kontinente, ang Tea Party ay natapos na rin.

Si Goddess Bing Wei at ang Three Eyed Saint ay parehong napinsala.

Sa Tea Party arena, ang mga manonood at mga henyong True Dragon ay nagsimula nang umalis.

Sa kanilang lahat, ang unang umalis ay ang Lord Prodigy Zhao Feng.

Ang paalam ni Zhao Feng ay labis na minadali, na tila may kagipitan. Bago pa malaman ng iba ang sitwasyon, nakaalis na si Zhao Feng.

"Anong mayroon kay Zhao Feng? Bakit siya umalis bigla?"

Si Prince Jin at mga kasamang mula sa Canopy Great Country ay nagtataka.

Si Mo Tianyi, Cang Yuyue, Shi Chengtian, at mga kasamang nakakakilala kay Zhao Feng ay hindi man lang nakapagpaalam.

Maraming mga henyo ng True Dragon ang naghihintay para batiin si Zhao Feng ngunit naging isa nang bilog ng kidlat at nawala.

"Jiang Sanfeng, may kagipitan bang naganap kay Zhao Feng? Bakit umalis siya kaagad?"

Tanong ni Mo Tianyi, Shi Chengtian at mga kasama.

Ang lahat ng kanilang tingin kay Jiang Sanfeng at Die Ye ng Iron Blood Religion.

Walang nakaalam sa intensyon ni Zhao Feng sa pag-aalis nang maaga.

Habang nag-iisip ang dalawang mula sa Iron Blood Religion, isang boses ang umalingawngaw sa kanilang mga isip, "Bumalik kayo kasama si Mo Tianyi at magpahinga. Mayroon akong usapin na kailangang gawin."

Kasabay nito, isang pamilyar ng boses ang umalingawngaw kay Mo Tianyi, Shi Chengtian, at mga isip ng iba pa.

"Si Zhao Feng!"

"Mukhang mayroon ngang kagipitang nangyari kaya siya umalis kaagad!"

Ang lahat ay nagtinginan nang may kalungkutan.

Dinurog na naman ni Zhao Feng ang tatlong Napakahusay na prodigy, at ngayon ay natalo niya rin ang Three Eyed Saint, ang panalo ng dalawang Sacred True Dragon Gathering.

Kasabay nito, ang titulo at karangalan ng pinakamalakas na eye bloodline sa kontinente ay nagbago dahil sa kaniya.

Ang hinaharap ni Zhao Feng ay hindi masusukat. Hangga't hindi siya mamamatay nang maaga ay siguradong makokontrol niya ang kapalaran ng kontinente.

"Ang lahat ay gustong makipag-ugnayan sa ganitong henyo habang sila ay bata pa."

Sa malayong bundok, ang Head ng pamilyang Golden Sun at ang grass-hat elder ay hindi mapakali, gulat at takot sa kanilang mga mukha.

Ang Head ng pamilyang Golden Sun ay may killing intent sa kanilang mga mata.

"Kung susundan natin siya, mayroon tayong 60-70% na pagkakataong mapatay siya."

Ang grass-hat elder ay lumingon at tuminginsa Head ng pamilyang Golden Sun.

"Tanging 60-70%?"

Ang Head ng pamilyang Golden Sun ay hindi makapaniwala. Siya ay isang peak True Lord Rank at halos hindi na matapatan ng mga nasa ilalim ng Origin Core Realm gamit ang kaniyang Sacred Eye bloodline.

Kahit na hindi isang Sovereign ang grass-hat elder, siya ay half-step na na mas malayo isang daang taon ang nakararaan. Ngayon, siy ay mas malakas pa sa mga ekspertong nasa half-step Origin Core Realm.

Kung magsasaa ang dalawang ito, maaari na nilang harapin ang dalawa o tatong ekspertong nasa half-step Origin Core Realm.

"Ang ungas na itong mahusay sa bilis at natutunan ang tatlong eye bloodline technique. Kapag nabigo tayong patayin siya, ang pamilyang Golden Sun ay hindi makakayanan ang epekto nito."

Sabi ng grass-hat elder.

Nang marinig ito, ang ekspresyon ng Golden Sun family head ay nagbago.

May partikular na dami ng panganib ang kasama ng pagsubok sa pagpatay kay Zhao Feng. Kapag nabigo sila, ang mga resulta ay hindi nila maisip.

Bilang isang Lord Prodigym si Zhao Feng ay malapit nang makaabot at malagpasan pa ang lebel ng Sword of Saint Ye Wuxie, ang Three Eyed Heavenly Emperor, at mga kasama.

"Maaari ko bang malaman ang iyong naiisip?"

Ang Head ng pamilyang Golden Sun ay huminga nang malalim. Hindi niya alam ang gagawin.

Ang panganig ay labis na malaki.

Syempre, hindi pa sila nakatanggap ng ulat ng Iron Blood Religion Patriarch na nagising na. Kung malalaman nilang si Zhao Feng ay may isang suportang Sovereign, hindi sila mangangahas kahit isipin lang ang pagpatay ay Zhao Feng.

"Kapag mas malaki ang panganig, mas malaki ang pabuya. Ang problema lang ay kung ito ba ay sulit o hindi. Ikaw ang Head ng pamilyang Golden Sun. Maaari kang magdesisyon."

Ang grass-hat elder ay ngumiti nang may malalim na ibig sabihin.

Nang marinig ito, ang Hed ng pamilyang Golden Sun ay tila naintindihan ang isang bagay at nagsimulang mag-isip.

Nang biglang may isang matalim na liwanag ang lumitaw sa kaniyang mga mata.

"Nakapagdesisyon ka na?"

Ngumiti ang grass-elder at nagtanong.

Ang Head ng pamilyang Golden Sun ay huminga nang malalim, "Ang eye bloodline ni Zhao Feng ay sumasalungat sa kalangitan at hindi nasusukat. Siya ay mas bata sa dalawampung taong gulang at nakarating na sa lebel na ito. Kung magagawa nating gamitin ang Eye Stealing Forbidden Technique at kunin ang kaniyang mata, ang magiging pinuno ng kontinenteng ito at ang pamilyang Golden Sun.

"Magaling! Ito dapat ang Head ng isang pamilya."

Tumango sa pagsang-ayon ang grass-hat elder, "Ang Eye Stealing Forbidden technique ay hindi pa kumpleto at ang pagkakataong magtagumpay ay mas mababa sa limang porsyento, ngunit ang maliit na pagkakataong ito at maaaring makabago sa kapalaran ng pamilyang Golden Sun."

Sa puntong ito, ang Head ng pamilyang Golden Sun at ang grass-hat elder ay nag-iisip ng parehong bagay.

Ang mga nakatadhang gawin itong malaki ay nangangailangan ng kagalingan sa pagdedesisyon.

"Sundan siya!"

Ang Head ng pamilyang Golden Sun at ang grass-hat elder ay naging mga bahid ng ginto at pilak nang tumira sa langit.

"Sacred Eye Inspection!"

Ang ikatlong mata ng Head ng pamilyang Golden Sun ay dumilat, na nagpahintulot sa kaniyang makita ang lahat sa loob ng dalawang daang milya ang layo.

Kahit na tumakbo si Zhao Feng nang sampung beses na mas malayo rito, ang Sacred Eye bloodline ay kaya pa rin siyang makita.

Dahil dito ay mabagal na nakakahabol ang dalawa nang hindi nagagamit ang buong bilis.

"Hindi pa siya nakakalayo; isang daang milya lang ang layo nila."

Ang Sacred Eye bloodline ng pamilyang Golden Sun family Head ay nakumpirma ang lokasyon ni Zhao Feng.

Ang mga cultivation ng dalawang ito at mataas, kaya mabagal ang pagbilis nila habang papunta kay Zhao Feng.

Nang makalapit na ang dalawa kay Zhao Feng.

Pipa!

Ang Wings of Wind at Lightning ay biglang humaba sa likod ni Zhao Feng, na kaparehas ng Heaven Earth Yuan Qi.

Ang bilis ni Zhao Feng ay biglang dumoble nang may lumalabas na kidlat kahit saan siya pumunta.

"Hindi ito maganda, naramdaman niya ako! Isang nakakasindak na bloodline!"

"Huwag niyo siya hayaang makatakas."

Ang ekspresyon ng Head ng pamilyang Golden Sun at ang grass-hat elder ay nagbago nang silay ay bumilis.

Gayunman, gamit ang Wings of Wind ang Lightning, ang bilis ni Zhao Feng ay higit pa sa kanila.

Ginawa nila ang kanilang makakaya, ngunit imbis na makahabol, ang distansya sa pagitan nila ay mas lumayo pa.

"Huwag kayong mataranta. Ang technique na ito ay hindi magtatagal. Nagcultivate na tayo sa loob ng isang daang taon at ang Yuan Qi natin ay mas makapal kaysa sa kaniya."

Ngumiti ang grass-hat elder nang may lakas ng loob.

"Tama."

Ang Head ng pamilyang Golden Sun ay tumango.

Pagdating sa tibay, naniniwala silang nalampasan na nila si Zhao Feng. Higit pa rito, kaya pa ring mahanap ng Sacred Eye bloodline si Zhao Feng.

Sou~~~~

Mabilis na lumipad si Zhao Feng. Bigla siyang rumagasa nang dalawang milya ang layo.

Sa sandaling ito, isang madilim na gubat ang lumitaw, na ilang dosenang milya lang ang layo.

"Skeletal Division Leader."

Nagsalita si Zhao Feng nang bumgal; mukhang pagod na siya.

"Sigurado ka bang gusto mong gawin ito?"

Ang kalansay na Division Leader ay seryoso.

Hindi sumagot si Zhao Feng. Bumagsak siya sa lupa at kaswal na naglakad sa kalaliman ng gubat.

Sa gubat.

Shua! Shua!

Dalawang malabong anyo ang lumitaw sa malaking puno. Ang isa ay ang babaeng may itim na damit habang ang isa ay anyong may korona.

Ang hangin sa paligid ng anyong may korona ay mukhang nababalot ng kadiliman.

"Elder, ang ungas na iyon ay palapit na sa atin."

Sabi ng babaeng nakaitim.

"En… ang Scarlet Moon Division Leader Token ay papalapit na."

Ang Elder ay tumingin sa direksyon ng token.

Ta! Ta! Ta! Ta!

Sunod-sunod na mga hakbang ang papalapit na. Hindi mahirap makitang ang nagmamay-ari ng mga hakbang na ito ay papalapit nang may partikular na pakay sa isip.

Isang kakaibang liwanag ang lumitaw sa mga mata ni Elder.

"Elder, huhulihin ko ba siya?"

Isang malamig na intent ang nanggaling sa babaeng nakaitim.

Ang Elder ay hindi nagsalita.

Ta! Ta! Ta! Ta!

Ang nagmamay-ari ng mga hakbang ay nakita na. Isa itong youth na may asul na buhok na malakas na loob na naglalakad.

Ang killing intent mula sa babaeng nakaitim na damit ay sapat na para matakot ang nasa ilalim ng Origin Core Realm, ngunit mukhang wala itong epekto sa youth.

"Ungas, naglakad ka papunta sa patibong. Sumuko ka na. Nandito ang Elder ng Scarlet Moon Demonic Religion."

Ang babaeng nakaitim ay naging iba't ibang mga anyo.

Shua!

Sa isang sandali, isang malamig na ragasa ng hangin ang pumalibot sa leeg ng youth na may asul na buhok.

Ang mga hakbang ng youth na may asul na buhok ay tumigil. Kung gumalaw siya, ang kaniyang ulo ay mahuhulog sa lupa.

Ang buong katawan ni Zhao Feng ay nabalot ng air of death at hindi maiwasang magbuntong hininga. Ang taong ito ay tila isang alipin na may lakas na maikukumpara kay Lu Tianyi.

"Ungas na may asul na buhol, bakit ka may aura ng Division Leader? Lumuhod ka sa Elder ng Scarlet Moon Demonic Religion."

Ang babaeng nakaitim ay lumitaw sa likuran ni Zhao Feng na tila isang multo.

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay hindi nagbabago. Nang marinig niya ang "Elder ng Scarlet Moon Demonic Religiom," nagulat siya, ngunit itinago ito sa abot ng kaniyang makakaya.

"Elder Assassination, hindi tayo nagkita nang ilang daang taon. Sana ay nasa mabuting kalagayan ka."

Hindi tinanong ni Zhao Feng ang babaeng nakaitim na damit, tinignan niya lang ang Elder na nababalot ng kadiliman sa puno.

"Paano mo nalaman ang titulo ni Elder?"

Ang babaeng nakaitim ay nagulat habang ang anyong nakakorona ay bahagyang nagulat, "Ikaw ay…?"

Ang dalawa ay nagulat. Ang youth na may asul na buhok ay nakilala siya kaagad?

Ang youth ba na ito ay mula rin sa Scarlet Moon Demonic Religion? O isa siyang disipulo ng Demonic Religion?

Ngunit kung isa siyang anak ng isang disipulo, hindi niya dapat nakita ang Elder isang daang taon na ang nakalipas.

"Zhe zhe, Elder Assassination, sinong nagrekomenda sa iyo sa Patriarch noon? Tatlong daang taon na ang nakalipas, sinong tumulong sa iyo noong ikaw at ang Protector Iron Bones ay hinahabol ni Saint Yu Wuxie?"

Dinilaan ni Zhao Feng ang kaniyang labi at sinabi sa isang pangungusap.

"Ahhh!?"

Ang babaeng nakaitim na damit, na bumihag kay Zhao Feng ay sumigaw.

Mula sa kaniyang tono, mukhang ang youth na nasa harapan niya ay may malaking karanasan at labis na pamilyar sa Elder Assassination at kasinglebel pa nito.

"Ikaw… Division Leader Yougu!"

Ang katawan ni Elder Assassination ay nanginig nang lumitaw ang labis na tuwa sa kaniiyang mga mata.

avataravatar
Next chapter