Umikot sa himpapawid ang kagilagilalas na asul na nagyeyelong ilaw sa mainit na liwanag.
Sa kalagitnaan ng unang hininga, mas nakakalamang ang Scorching Golden Crow ng Three Eyed Saint.
Isang nagyeyelong pwersa ang biglang lumabas at nagbigay ng kaunti pang lakas sa Ice Soul Shooting Line ni Zhao Feng.
Namuo ang linya ng nagyeyelong asul, habang bumagal naman ang Three Eyed Divine Light.
"Mas pabor sa sobrang lamig at pagka-agnas ang Ice Soul Shooting Line, pero hindi ito ganoon kaayos. Ang Ice Soul Freeze naman ay nakapokus sa pag-atake, kundi sa pagyeyelo."
Lumitaw sa isip ni Zhao Feng ang Ball of Ice Soul na naglalaman ng maraming sikreto tungkol sa misteryosong elemento ng yelo.
Hindi pa binigyan ng atensyon ni Zhao Feng ang importanteng aspeto ng pagyelo dati, pero matapos niyang makilala ang Three Eyed Saint at makaengkwentro ang Three Eyed Divine Light nito, ay tsaka niya lamang nagamit ang abilidad niya ng pagyeyelo.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com