webnovel

Isang Atake Para Makatalo ng Napakahusay na Prodigy

Editor: LiberReverieGroup

Nanlalaki ang mga mata ng mga henyong True Dragon at mayroon silang gulat na ekspresyon sa mga mukha nila.

Ganoon na lang ba natapos ang laban nila Zhao Feng at Tuoba Qi?

Hindi man lang ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang eye-bloodline o kahit man gumanti sa tagapagmana ng Tuoba family.

Nang hindi umaatake, napasuko agad ni Zhao Feng si Tuoba Qi.

"Sa paghula ng magiging atake ng eye-bloodline ko, balewala lang ang Heavenly Piercing Eye ko sa kaniya."

Huminga ng malalim si Tuoba Qi bago umalis.

Walang punto sa pakikipaglaban kung kaya rin ni Zhao Feng na iwasan ang atake ng Heavenly Piercing Eye.

"Kung ibibilang ang Sacred True Dragon Gathering, dalawa na sa tatlong nangungunang eye-bloodline ang natalo niya."

"Tanging ang Golden Sun family na lamang ang hindi pa natatalo ni Zhao Feng."

"Ang ibig sabihin ba nito, kapag natalo niya ang Three Eyed Saint…?"

Nagsimulang mag-usap-usap ang mga manonood.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter