webnovel

Sky Saint Qin Inheritance.

Editor: LiberReverieGroup

Sa isang pagsabog, ang pinuno ng isa sa walong dakilang puwersa sa Canopy Great Country ay biglang lumipad mula sa himpapawid.

Ang mga eksperto ng Flooding Lake City Lord ay napatulala lamang, habang sina Jiang Sanfeng at Die Ye ay halos lumuwa na sa sobrang gulat.

Ito'y parang hindi pa nila naisip na hindi kayang protektahan ni Zhao Feng ang kanyang sarili laban sa dalawang True Lord Ranks. Kung sabagay, ay may narinig silang usap- usapan na nasa lugar ng Cloud si Zhao Feng, ngunit ito'y nakakagulat pa rin.

"Siya nga'y nararapat na tawaging isang mahusay na prodigy. Ang Qin Sword Palace Master ay hindi man nakalaban sa kaniya. Kahit na ang dalawang nagtulungan ay hindi man siya napigilan."

Napuno ng kasiyahan ang puso ni Jiang Sanfeng matapos siyang magulat.

"Napaka-kasuwal lamang ni Chapter Leader. Paano niya nagawang sipain ang parte ng babaeng iyon?"

Bahagyang namula ang pisngi ni Die Ye.

Gayon pa man, masasabi niyang hindi sinasadyang sumipa si Zhao Feng doon. Dahil sa paningin ni Zhao Feng ay parang buto-buto lamang ang Qin Sword Palace Master.

Sa parehong sandaling iyo.

Hua!

Ang mga eksperto sa loob ng Flooding Lake City ay nagulat at naging magulo.

"Napakabilis niya!"

"Paano naging malaki ang pagitan ng True Lord Rank sa kaniya?"

Ang mga kilos ni Zhao Feng ay napakabilis, halos hindi malinaw na nakita ito ng karamihan. Gayon pa man, nakita nilang umalis ang Qin Sword Palace Master sa isang sipaan lamang, at sila ay natulala.

Si!

Sa 'di kalayuan ay huminga ng malamig ang Flooding Lake City Lord.

Naguguluhang tumingin siya kay Zhao Feng na may kasamang pag-iingat, pagkagulat, at suwerteng 'di niya maipaliwanag.

Noong unang beses pa lamang niyang nakita si Zhao Feng, nalaman ng Flooding Lake City Lord ang tungkol sa talentadong bloodline at God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

Dahil sa pagkahanga niya ay pinuwersa niya si Zhao Feng na maging manugang.

At napatunayan niya ngayon na tama ang ginawa niya.

Ang kaniyang manugang sa hinaharap ay naging dragon at isang mahusay na prodigy. Ang lakas ni Zhao Feng ay mas malakas pa kaysa sa kaniya.

"Zhao Feng, ibabalik ko sa iyo ng sampung beses ang kahihiyan ko ngayon."

Pagkamuhi ang lumabas sa mga mata ng Qin Sword Palace Master nang hawakan niya ang kaniyang dibdib at saka umubo pa ng mas maraming dugo.

_Hmm?_

Bahagyang nagulat si Zhao Feng. Akala niya ay hindi makakatayo ang babaeng itong sa loob ng kalahating araw dahil sa sipa niya.

Gayon pa man, hindi niya itinuting na malambot ang parteng sinipa niya, na nagpalawang bisa sa kaniyang kapangyarihan. Bakit kahit pa, ang Qin Sword Palace Master ay napinsala ng sobra-sobra at nahirapan ding tumayo.

Idagdag pa na ang Qin niya ay nasira, ang kaniyang battle-power ngayon ay bumaba sa 30-40%.

Sou!

Ang Qin Sword Palace Master ay naging guhit ng ilaw na lumayo paalis.

"Hmph! Ibabalik ng sampung beses? Hindi ka magkakaroon ng tiyansa."

Ngumisi ng malamig si Zhao Feng habang naging asula ang kaniyang mata at siya ay naghanda para gumamit ng Wind Lightning Eye Flame o kaya ay Azure Piercing Slash para patayin siya.

"Tigil!"

Sigaw ng Flooding Lake City Lord. Naramdaman niya ang kapangyarihan ng eye bloodling ni Zhao Feng na gumawang___ magpanginig sa kaniyang puso.

Nakapunta na siya sa Sacred True Gathering at nakit aniya king papaano gumamit ng mga eye techniques si Zhao Feng.

Alam ng Flooding Lake City Lord na kapag tagumpay na nagamit ni Zhao Feng ang kaniyang atake, ang Qin Sword Palace Master ay paniguradong mamatay.

"City Lord Liu."

Matamlay na ngumiti si Zhao Feng at ang kahustuhan niyang pumatay ay biglang naglaho, kaya hinayaan niyang mabuhay ang Qin Sword Palace Master.

Ang Qin Sword Palace Master, na kasalukuyang umaalis, ay biglang nakaramdam ng aura of death na dumaan sa kaniya. Tila hindi niya napagtantong halos marating na ng buhay niya ang katapusan nito.

"Zhao Feng, naramdaman ko ang iyong lakas. Marahil ay katamuhan sa mga tao sa great country ay walang laban sa iyo."

Buntong hininga ng Flooding Lake City Lord.

Habang kaharap niya ang kaniyang manugang sa hinaharap, ay wala siyang magawa.

Sa ipinakitang lakas ni Zhai Feng, alam ng City Lord na walang kuwenta kung mag-aalyansa sila ng Qin Sword Palace Master.

Gayon pa man, ang Flooding Lake City Lord ay naguguluhan.

Si Zhao Feng ay madalas na hindi naawa sa ibang tao, katulad ngayon ng Qin Sword Palace Master. Ang ganoong aksiyon ay maaaring maging matagumapay sa isang pag-iisip lamang.

Gayon pa man, si Zhao Feng ay naging malambot sa Flooding Lake City Lord, hinyaan lamang siyang umatake na hindi siya lumalaban pabalik.

Nagsimulang pagoawisan ng malamig ang Flooding Lake City Lord. Kung ibang tao siguro ito, ay paniguradong pinatay na sila ni Zhao Feng.

"Sabihin mo sa akin kung bakit ka naparito."

Nagsimulang mag-isip ang Flooding Lake City Lord ng siya ay nagsalita.

Sa kasalukuyang ugali ni Zhao Feng, tila hindi naging kaaway ang tingin nito sa City Lord sa simula palang. Hinayaan pa nga niyang mabuhay ang Qin Sword Palace Master dakil sa pakiusap ng City Lord.

"Sinabi ko na sa iyo na naparito ako para tuparin ko ang ipinangako ko – tinatanggap ko na si Qinxin bilang aking asawa.

Hindi naiwasang ngumiti ng mapait ni Zhao Feng.

Nang marinig niya ito, ang lahat ay biglang nag-usap-usap.

Ang lahat – ang Flooding Lake City Lord, sila Liu Yuan, Jiang Sanfeng, Die Ye – ay hindi makapaniwala.

"Bumalik ka talaga rito para pakasalan si Qinxin?"

Ang ekspresiyon ng Flooding Lake City Lord ay naging napaka-makulay.

Nakonsensiyang tumango si Zhao Feng, "… ngunit hindi ko alam na hindi pa siya nakakabalik."

Walang nangyari sa plano.

Noon, ay pinuwersa ng Flooding Lake City Lord si Zhao Fwng sa kasalang ito at sa huli ay tumakas siya paalis ng bansa.

Ngayon, si Zhao Feng ay nagbalik, at ang kaniyang mapapangasawa ay wala naman ngayon.

Pinagmasdang mabuti ng Flooding Lake City Lord si Zhao Feng bago ito bumuntong hininga, "Ang matamlay at namumulaklak na bulaklak …. Sumama ka sa akin."

Matapos ang ilang sandali, sa loob ng gusali sa City Lord Palace.

Sila Liu Jiutian, Zhao Feng, Die Ye, at Jiang Sanfeng ay umupo sa kuwarto.

"… Si Qinxin ay pumasok sa Sky Saint Qin Inheritance. Hindi ito gaanong kalaking inheritance kumpara sa Four Great Inheritances, ngunit ito'y napaka-misteryoso at kakaiba. Ang inheritance na ito ay lumalabas lamang sa loob ng dalawa hanggang tatlong beses sa nakaraang sampung libong taon at kaunti lamang ang nakakaalam dito."

Sabi ni Liu Jiutian.

Noon sa Sacred True Dragon Gathering, si Zhao Feng at ang iba pang mahuhusay na mga prodigies ay naglaban-laban para makapasok sa mga inheritances.

Maliban sa kanila, sina Yu Yianhao at Xin Wuheng ay pumasok sa Heaven's Legacy Inheritance.

Si Cang Yuyue ay pumasok sa Seven Sword Inheritance.

Sina Goddess Bing Weo at Tantai Lanyue ay pumasok sa Mystic Ice Inheritance.

Si Zhao Feng ay hindi nagbigay ng atensiyon sa iba.

Halimbawa, sila Prince Jin, Tian Yunzhi, Wang Xiaoguai, at Liu Qinxin ay pumili ng kani-kanilang inheritances.

"Ang bilang ng tao mula sa Canopy Great Country na nagawang makapasok sa inheritance ngayon ay nakalampas na sa iba, ngunit si Liu Qinxin ang tanging hindi nakabalik mula sa Canopy Great Country."

Panlulumo ang lumabas sa mukha ng Flooding Lake City Lord ng maging malungkot ang kaniyang mga mata.

Habang pinakikinggan ito, ang puso ni Zhao Feng ay nahihirapan at nawala ang pagiging kalmado.

Hindi lamang ito konsensiya. Parang may kung ano pa sa kaniyang puso.

Ang kalmadong puso ni Zhao Feng ay nawasak.

Humigpit ang kaniyang puso kung saan, ay kapag wala siyang ginawa, wasak sa kaniyang puso ay lalaki.

"Ito ba'y… isang heart knot?"

Hindi naisip ni Zhao Feng na ang aksidente ni Liu Qinxin ay maapektuhan siya ng sobra.

Hindi sa hindi niya ito iniisip, siguro kapag namatay si Liu Qinxin, ang kasal ay hindi na matutuloy.

Gayon pa man, nang mag-isip si Zhao Feng ng ganito, ang pakiramdam sa kaniyang puso ay lumalakas at ang wasak sa kaniyang puso ay lalaki lamang.

Habang tumatagal, lumabas ang mga senyales ng paghihirap sa mukha ni Zhao Feng at nagsimula siyang pagpawisan ng malamig.

"Feng'er!"

Emosiyonal na nagbago ang ekspresiyon ng Flooding Lake City Lord ng siya ay sumigaw. Tila hindi niya napansin na tinawag niya si Zhao Feng sa pangalang tinatawag niya noong nakatira pa ito sa City Lord Palace.

_Hmmm?_

Ang kaniyang kaliwang asul na mata ay naging malamig, na agad na pinakalma siya. Gayon pa man, alam niyang hindi nito maaayos ang wasak sa kaniyang puso.

"Zhao Feng!"

Seryosong nagsalita ang Flooding Lake City Lord, "Umaasa akong hindi maapektuhan ng aksidente ni Qinxin ang estado ng iyong puso. Ikaw ang pinakamagaling na prodigy sa Azure Flower Continent at ang nangungunang henyo sa Canopy Great Country. Ang espirito ni Qinxin sa langit ay hindi magugustuhang makitang naapektuhan ka dahil sa kaniya…."

Ang mga mata ng Flooding Lake City Lord ay nagsimulang mamasa ng siya ay magsalita.

Nang marinig ni Zhao Feng ang espirito ni Qinxin sa langit, ay tila natamaan ng kidlat at napatulala.

"Uncle Liu, hindi natin puwedeng masabi kung patay na si Qinxin o hindi pa ng walang tayong ebidensiya."

Huminga ng malalim si Zhao Feng. Bigla niyang naalala kung paano rin hindi nakabalik si Zhao Yufei mula sa Azure Flower Continent, at siya ay hindi rin namatay. Alam niyang maliit lamang ang tiyansa niya.

"Feng'er, hindi mo na kailangang paluwagin ang aking damdamin."

Umiling ang Flooding Lake City Lord.

Isang taon na ang nakalilipas noong matapos ang Sacred True Dragon Gathering. Ang nakaraan ay nakaraan na.

Hindi na tumutol si Zhao Feng. Alam niya rin na ang tiyansang buhay pa rin si Qinxin ay napakaliit.

"Uncle Liu, anong magagawa ko?"

Ang mga emosiyon ni Zhao Feng ay hindi kumakalma.

Kumislap ang mga mata ng Flooding Lake City Lord nang pagmasdan niya ang mahusay na prodigy.

Ang lakas ni Zhao Feng ay napakalalim at hindi ito makita ng Flooding Lake City Lord.

Alam niya na ang potensiyal ni Zhao Feng at maaring gawin kung ano man ang sabihin niya.

Gayon pa man, ang iniisip niya ay kumislap sa utak ng Flooding Lake City Lord.

"Zhao Feng, kailangan nating makumpirma kung siya'y patay na o hindi pa saka natin ayusin ang heart knot mo."

Mabagal na sabi ng Flooding Lake City Lord.

Hindi naiwasang masurpresa ni Zhao Feng. Ang Flooding Lake City Lord ay hindi humingi ng kahit na ano at gusto niya lamang niya itong tulungan.

Siyempre, sina Zhao Feng at ang Flooding Lake City Lord ay gustong malaman kung namatay si Liu Qinxin o hindi pa.

"Maaari ko bang tanungin si Uncle Liu, anong magagawa ko para malaman kung siya'y buhay pa o patay na?"

Nagsimulang mag-isisp si Zhao Feng.

Ang mga Inheritances ay napakalayo mula sa Azure Flower Continent at hindi nila alam kung anong eksaktong lokasiyon ng Sky Saint Qin Inheritance.

"Mayroong dalawang paraan."

Tumigil ng saglit ang Flooding Lake City Lord bago ito magsalita, "Una ay kailangan mong mahanap kung saan matatagpuan ang Sky Saint Qin Inheritance o kaya nama'y maghintay muli sa susunod na Sacred True Dragon Gathering at maghanap tayo ng taong

puwedeng pumasok para malaman ito."

Umiling si Zhao Feng at ang iba. Ang paraang ito masiyadong nakaasa sa suwerte.

Ang Sky Saint Qin Inheritance ay lumalabas lamang sa loob ng dalawang beses hanggang tatlong beses sa nakaraang sampung libong taon. Sinong nakakaalam kung kailan ulit ito lilitaw?

Bukod pa rito, ang Sacred True Dragon Gathering ay ginaganap lamang sa loob ng sampung taon.

"Ang pangalawang paraan… ang Dao of Divination ay maaaring makita ang resulta ng hinaharap."

Nagliwanag ang mata ng Flooding Lake City Lord.

_Divination?_

Ang mga mata ni Zhao Feng ay nagliwanag din.

"Ang Six Warlock Divine Sage ng Canopy Great Country ay maaaring may ganitong kapangyarihan. Ang tanging problema lamang ay kailangan mong makita ang Sage ng maraming beses, ngunit wala akong suwerte para gawin ito."

Next chapter