Hu~~
Isang pares ng pakpak na gawa sa hangin at kidlat ang sumilay sa likod ni Zhao Feng. Pumapagaspas ito nang bahagy na siyang tumawag ng mga umaatungal na hangin.
Ang kapiranggot na aura ay tumagos sa silid at agad na ginulo and Wind and Lightning Yuan Qi sa labas.
Sa pagkakataong iyon, ang mga pakpak ay mas buo kaysa dati.
"Ang Wings of Wind and Lightning ko ay nasa maagang yugto pa lamang at maaaring ko lang gamitin para makalipad. Ang totoong bersyon nito ay may maalamat na skills, gaya ng paglipad sa loob ng 10,000 milya sa isang saglit, paglipad sa panlabas na mundo, at ang makatagos sa kalawakan…"
May pag-asang nabubuo sa mukha ni Zhao Feng. Ang Wind Lightning Stone Tablet sa kanyang isip ay bumuo ng isang mental energy world na naglalaman ng maraming impormasyon.
Subalit, naunawaan lamang ni Zhao Feng ang 1% ng buong Wind Lightning Stone Tablet.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com