Seven Sword Inheritance – Heavenly Despair Killing Sword!!
Shua!
Isang magandang guhit ng malamig na liwanag ang siyang lumabas mula sa sira-sirang ispada. Tila ba hinihiwa nito ang kawalan at binabago ang lumilipas na oras.
Crack!
Ang kulay dugong malademonyong buwan na ginawa ni Lin Tong ay nasira at ang kasisindak na eksena ng impyerno ay naglaho.
Sa isang biglang iyon, isang malamig na pagnanasang makapatay ang siyang dumaloy sa kanyang katawan.
Wa!
Nanginig ang buong katawan ni Lin Tong habang dumudura siya ng dugo at naging maputla.
"Seven Sword Inheritance…. Ikaw…."
May dugong lumitaw sa mga mata ni Lin Tong. Ang atake ni Cang Yuyue ay hindi lamang sinira ang kanyang technique kundi inatake rin nito ang kanyang eye bloodline.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com