"Ano, posible ito?"
Ang mga henyo ng Black Cliff Palace at ng Moon Demon Palace sa malapit ay kakaiba ang tingin kay Zhao Feng.
Walang ginawang kahit ano si Zhao Feng at nakaupo lamang sa likuran habang naglalabanan ang iba para sa mga kayamanan.
Ang panig ng Pure Moon Spiritual Sect ay mayroon lamang gaya ni Ye Yenyu at dinurog niya ang mga taong naroroon nang mag-isa.
Matapos maani ni Ye Yanyu ang mga gantimpala ay humiling siya para sa isang mahalagang life returning grass. Kahit ang mga mula sa Moon Demon Palace at sa Black Cliff Palace ay hindi magawang tingnan ang ganito kawalanghiyang gawain.
Subalit, malakas ang loob ni Zhao Feng, tila ba naititiyak niya na ibibigay ito ni Ye Yanyu sa kaniya.
"Managinip ka."
Hindi binigyang-pansin ni Ye Yanyu si Zhao Feng.
Wala siyang pakialam kung kumuha si Zhao Feng ng mga kagamitan mula sa giant scorpion dahil ang mga laman-loob nito ay madumi at madugo.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com