Flooding Lake City.
"Pag-uulat sa City Lord, natiyak na namin na nakapasok na si Zhao Feng sa Tiegan Mountain."
Isang anyong nababalot ng kadiliman ang nagsalita.
Tumango ang City Lord. Hindi ito labas sa kaniyang mga inaasahan. Siguro ay nagpunta si Zhao Feng sa Tiegan Mountain upang makita ang blacksmith mountain.
"Ano ang nandoon?"
Tila ba walang intensyong umalis ang anyong ito.
"Ang dahilan kung bakit nagpunta si Zhao Feng sa Tiegan Mountain ay mukhang dahil gusto niya magdulot ng gulo."
Sambit ng anyo na bahagyang nagdadalawang-isip.
Magdulot ng gulo?
Nagpalitan ng tingin ang Flooding Lake City Lord at si Liu Qinxin.
Ang unang reaksyon nila ay: May lakas ng loob si Zhao Feng.
Anong klaseng tao si Tiegan Master? Bukod sa katotohanang nasa True Spirit Realm siya, siya rin ang ranked first sa lugar ng Flooding Lake kung forging ang pag-uusapan.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com