Sa pagkarinig ng tatlong mga salita 'Shedding Spiritual Pill', ang mga kalahok na disciples ay nakaramdam ng pagragasa ng kanilang dugo at ilan sa mga nakatatandang henerasyon ay hindi mapigilang matulala.
Bilang isang pill maker, ang impormasyon tungkol sa pill na ito ay hindi kalaunan lumitaw sa isipan ni Zhao Feng.
Ang Shedding Spiritual pill ay isang Tier 3 Spiritual Pill at ang mga epekto nito ay nakakatulong sa mga sumusubok sa pagtungtong ng True Spirit Realm ng 20%
Ang epekto nito ay sapat na para mabaliw ang nasa 7th Sky at mga half-step True Spirit Realm para rito.
Mayroong isang kasabihan sa mundong ito: "Kapag naging isang True Spirit, hindi ka na mortal."
Simple lang, sa oras na makatungtong sa True Spirit Realm, maituturing na silang mga nilalang na hindi maaaring maikumpara sa mga mortal. Ang kanilang buhay ay labis nang lumagpas sa mga mortal at ang kanilang lakas at haba ng buhay ay parehas na lubhang tataas.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com