Ang 4th Round ay tinutukan ng nakararami.
2 tao ang maaaring makakuha sa isa sa 10 puwesto para sa round na ito at magkaroon ng kuwalipikasyon upang makapasok sa Floating Crest Trial.
Ang 2 ay magmumula kay Zhao Feng, Liu Yue'er, Bei Moi at Ran Xiaoyuan.
Ang apat na ito rin ang nagre-representa ng mataas na level ng Clan.
Si Bei Moi ang tumatayo para kay Hai Yun Master, si Ran Xiaoyuan ay tumatayo para sa Clan Master, si Zhao Feng ay tumatayo para sa 1st Elder at si Liu Yue'er naman ay tumatayo para kay Granny Liuyue.
Kaya naman, hindi lang ito basta laban, ito rin ang simbolo ng bungguan sa pagitan ng matataas na level ng Clan.
"Brother Zhao, kailangan mong maipanalo si Master ngayon. Kung ang kalaban ay si Liu Yue'er, mayroon kang mas mataas na pagkakataong manalo."
Ngumiti si Yang Gan at tinapik ang balikat ni Zhao Feng.
Liu Yue'er?
Naisip ni Zhao Feng at bumuntong hininga - hindi siya.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com