Nang marinig ang tungkol sa Head disciple at Floating Crest Trial, lahat ng mga inner disciple ay hindi na makapaghintay.
Si Vice Head Li ay ngumit at tumango sa pagsang-ayon.
Sa lahat ng mga inner disciple, si Zhao Feng ay nasa 1st Sky of the Ascended Realm lang, ang pinakamababa sa lahat ng mababa. Ngunit dahil sa kaniyang kaliwang mata at asul na dugo, malakas ang kaniyang loob.
Simula nang naabot niya na ang Ascended Realm, ni hindi pa nasuri ni Zhao Feng kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon ang kaniyang katawan.
Matapos magsalita ni Vice Head Li tungkol sa dalawang bagay, nagsabi siya ng maliliit na bagay tulad ng pagbabala sa ilang mga disipulo dahil sa hindi pagtapos ng kanilang mga Gawain. Alam ni Zhao Feng na ang mga inner disciple ay kadalasang walang ginagawa at nakakatanggap ng resources mula sa Clan. Ngunit ayon sa patakaran, ang isang inner disciple ay kailangang tapusin ang kaniyang gawain kada dalawang buwan.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com