Gold Bronze Casting Body.
Ito ang nakamamatay na atake ni Hou Yuan at kapag ginamit, ang kanyang kapangyarihan at depensa ay tataas ng ibang lebel. Naitulak na si Zhao Feng nito at halos masugatan.
Sa pagkakataong iyon, binuksan na ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata para suriin ang kahinaan ng atakeng ito.
Sa kanyang enhanced vision mode, mga kulo ng pulang ginto na ilaw ang dumadaloy sa katawan ni Hou Yuan.
"Perpektong pagsasama ng body strengthening technique at inner strength. Kalahati pang yapak at maaabot niya na rin ang Ascended Realm gamit ang kanyang katawan."
Sumilakbo ang puso ni Zhao Feng.
Hindi na nakapagtataka ang mga tsismis na ang top substitute inner disciples ay may kakayahang hamunin ang mga nasa Ascended Realm. Ang body strengthening technique ang pinakasimpleng paraan ng cultivation at patungkol ito sa pagdaig sa iba gamit ang lakas. Kung kaya, ang depekto nito ay napakaliit lamang.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com