Pagkatapos niyang makaabot sa ikapitong antas, kampante na si Zhao Feng na kaya niya nang ayusin ang kahit anong problema sa ibang disipulo. Ang Star Finger ay isang peak class skill sa mortal na mundo at sa wakas ay nahubog niya na ito sa ikapitong antas, na nangangahulugang kahit ang mga nasa ikasiyam na antas ay hindi siya kayang pantayan.
Tanging ang Partial Wind Stance lamang ang single-target offensive skill sa Four Wind Stances, at kahit mag-isa ito ay half-Holy martial art na agad ito. Kapag sinamahan pa ng Star Finger, ang kapangyarihan nito ay napakalakas na halos maabot na nito ang Middle Class Mortal rank.
Dapat malamang ng isang tao na ang Silver Wall Technique ni Zhao Feng ay isang Low Class Mortal rank at ayon sa nalalaman niya, kaunting disipulo lamang ang kayang sanayin ang isang Low Class Mortal skills sa mataas na antas.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com