Ang hitsuara ni Quan Chen ay nagpabalisa kay Zhao Feng at sa iba.
Kalmado lamang si Lord Guanjun. "Huwag kayong mag-alala, siya ay disipulo lamang sa Third Sky of Ascended Realm, at wala siyang sapat na kapangyarihan upang sumali sa pagsusulit.
Sa batong entablado, sinusuri ni Deacon Qiu ang mga nanonood na disipulo na may pag ba- babala sa kanyang mga mata. Ang mga disipulong ito ay tila tinamaan ng kidlat, at agad silang umurong at nanahimik.
Maging si Quan Chen, mukhang natatakot din siya kay Deacon Qiu.
Sa Broken Moon Clan, si Deacon ay nasa middle tier na. Hindi lamang mataas na awtoridad ang mayroon sila, sila rin ay nasa Ascended Realm.
"Ang unang pagsusulit, Spiritual Sky Beam, na susuri sa inyong talento. Nakikita niyo ang crystal circle beam na iyon? Iyon ang gamit na susukat sa inyong talento," saad ni Lord Guanjun sa kanyang mga disipulo.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com