Ang matinis na ungol na umalingawngaw ay siyang nagpatahimik sa parehong mga tao at iba pang mga halimaw kung saan ang huling nabanggit ay nakaluhod sa kalupaan na tila ba nakita nila ang kanilang hari. Mula sa kawan ng halimaw, sa kalayuan isang daan ang nabubuo.
"Ano naman ang bagay na iyan na siyang naglalagay ng takot sa mga halimaw na nasa peak tier..?" Ang mga cultivators sa taas ng pader ng lungsod ay nakapokus sa daang nabuo.
Dahil si Zhao Feng ang may pinakamalinaw na paningin, nakita niya na isang napakaitim na aso ang siyang halimaw na naglalakad patungo sa kanila. Ang laki ng itim na aso ay katulad ng isang lobo na halos 1.5 metro ang haba, at higit na maliit kumpara sa iba pang halimaw na gaya nito.
Isang aso?
Gustong tumawa ni Zhao Feng pero hindi niya magawa. Bawat hakbang na ginagawa ng aso ay nagbibigay ng nakakatakot na aura, at nang mapatingin si Zhao Feng sa mga mata ng aso, naramdaman niya na tila ba nagliliyab siya.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com