"Ako na naman?" Nakaupo si Zhao Feng sa kaniyang upuan at hinawakan ang kaniyang baba. Sina Zhao Chi at Zhao Linlong lamang ang nasa harapan niya.
Bagama't kaya niyang talunin si Zhao Chi, kailangan niyang gumugol ng enerhiya. Kung hahamunin niya si Zhao Linlong, malalaman ng lahat ang kaniyang tunay na lakas at cultivation. Ang kaniyang cultivation ay tumaas ng masiyadong mabilis sa mga nakaraang buwan at ito ay lubos na makakapukaw ng atensyon.
Nais din ni Zhao Feng na magbantay laban kay Zhao Tianjian. Bukod pa rito, walang masiyadong tiwala si Zhao Feng sa kaniyang sarili na kaya niyang talunin si Zhao Linlong.
"Pass muna ako." Gusto munang magpass ni Zhao Feng pagtapos niyang maanalisa ang mga magiging benipisyo.
Ang layunin niya ay makaabot sa top three at makakuha ng peak ranked martial art. Ngayon na ang layunin niya ay naisakatuparan niya na, wala ng dahilan pa para makipaglaban hanggang kamatayan para sa mas mataas na rank.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com