webnovel

Hamon ng Xin Family

Editor: LiberReverieGroup

Bawat hakbang ng Martial Path ay mahirap. Kapag ang isang tao ay naabot ang ika-apat na ranggo, siya'y naging isa ng tunay na Martial Artist. Ito'y parang isang isda na naging isang phoenix. Ang isang tunay na Martial Artist ay makatatanggap ng magandang pagtrato kahit saan sa Cloud County.

Sa kontinenteng ito, gaano karaming mga Martial Learners ang hindi makapasok sa ranggong ito?

Ilanga raw bago ang paligsahan, sinubukan ni Zhao Feng na abuting ang ika-apat na ranggo. Sa oras na iyon, naramdaman niyang hindi pa sapat na matibay ang kanyang pundasyon, maapektuhan nito ang mga susunod na realms kung magmamadali siya, kaya't hindi niya pinuwersa ang kanyang sarili na pumasok.

Gayunpaman, ang bawat laban na nilaban niya laban dun sa mga top outer disciples, ay tumulong patigasin ang kanyang pundasyon. Gayunpaman, ang isang punto na ito ay hindi sapata para sa kanya upang maabot ang ika-apat na ranggo.

"Kailangan kong pasalamatan ang ama ni Zhao Yijian," kinutyang sinabi ni Zhao Feng.

Si Zhao Tianjiang ay may mga masamang intension patungo sa kanya. Naramdaman ang pressure ng ika-anim na ranggo, tinulungan nitong udyukin ang potensyal ni Zhao Feng, na nagpahintulot sa kanya upang maka-pasok sa ika-apat na ranggo.

Maging ang peak level Angry Dragon Fist ay gumalaw patungo sa perpeksyon. Kung alam ito ni Zhao Tianjian, susuka siguro siya ng dugo.

"Yung si Zhao Tianjian nayon ay gusto akong patayin." Binalaan ni Zhao Feng ang kanyang sarili.

Dahil dito, gustong itago ni Zhao Feng ang katotohanang nakapasok na siya sa ika-apat na ranggo. Isinagad niya ang Hiding Air Technique upang tulungan siyang magmukhang mayroon parin siyang cultivation ng isang peak third ranker. Si Zhao Feng ay mukang siya'y isang half-step Martial Artist, hindi isang totoong Martial Artist.

Matapos marating ang ika-apat na ranggo, ang unang bagay na ginawa ni Zhao Feng ay patigasin ang kanyang pundasyon. Sa mga nakalipan na buwan, ang kanyang cultivation speed ay naging napaka bilis. Matapos patigasin ang kanyang pundasyon, nagsimula na siyang pagsamahin ang mga kabatiran na kanyang nakuha. Ngayonm ginamit niya ang kanyang kaliwang mata at ni-replay ang kanyang Angry Dragon Fist ng paulit-ulit.

'Kung ang aking Angry Dragon Fists ay maabot ang max level, at pagktapos ay makaharap ang mataas na antas ng isang high ranked martial skill, ay kaya ko pa rin itong talunin.' Inisip ni Zhao Feng.

Gayunpaman, bagama't si Zhao Feng ay nakakua ng ilang mga kabatiran, hindi parin ito sapat para sa kanya upang isagad ang Angry Dragon Fist papuntang perpeksyon. Mayroon siyang tiwala na ang Angry Dragon Fists ay kailangan lamang ng ilang araw bago maabot ang antas na yon.

Bago mag bukang-liwayway, si Zhao Feng ay naging malabo at umuwi pabalik ng bahay. Habang nasa daan, ginamit niya ang kanyang kaliwang mata at ang lahat ay kasing liwanag ng araw. Ang kanyang mata ay kayang makita ang lahat sa loob ng sampung kilometro. Kung ito'y habang may araw, kahit papano'y dodoble ito.

Ang kaliwang mata ay nagbigay sa kanya ng dagdag na reaction speed, vision, at mind energy.

Maging si Zhao Feng ay hindi maintindihan itong mind energy. Simpleng sinabi, ang mind energy ay pinapayagan ang utak ng isang tao upang hindi mapagod, maging matapos itong gamitim ng isang buong araw.

*******************

Kinaumagahan ng sumunod na araw, so Zhao Feng ay nag-memeditate parin sa kanyang higaan at hindi natulog.

Dahil nadagdagan ang ability ng kanyang kaliwang mata, pakiramdam ni Zhao Feng na siya'y puno ng kapangyarihan kahit na hindi siya natulog. Kinakahulugan nito na si Zhao Feng ay may mas madaming oras upang mag cultivate.

"Ito ba ang bahay ni Zhao Feng?" Isang malutong na katok ang tumunog sa sa bahay.

"Sino yan?" Si Zhao ay nagpunta upang bukas ang pinto.

Sa labas ay nakatao ang isang tumatandang lalaki na nakasuot ng magarbong damit kasama ang ilang tagapag lingokd sa likod niya. Kahit sila'y mga taga lingkod, mayroon parin silang lakas ng ikalawang ranggo.

Pakiramdam ni Zhao Feng na ang lalaki ay mukhang pamilyar.

"Punong tagapamahala!" Si Zhao Tianyang ay nagulat habang siya'y pumunta upang salubungin siya. Napagtanto ni Zhao Feng na ang taong ito ay ang punong tagapamahala ng mga outer disciples.

Ang punong tagapamahala ay may hawak ng malaking kapangyarihan sa kanyang mga kamay at siya'y bihirang makita. Kung cultivation ang pag-uusapan, maabot na niya ang ika-anim na ranggo ng Martial Path at mas malakas kumpara kay Zhao Tianjian.

Mabilis na ininbita ni Zhao Tianyang ang punong tagapamahala sa loob.

"Zhao Tianyang! Ito'y ang iyong swerte para magkaroon ng isang mabuting anak!" ang punong tagapamahal ay ngumiti,

"Binibati ng batang 'to ang punong tagapamahala." Si Zhao Feng ay naglakad palabas ng kanyang kuwarto at bahagyang yumuko. Sa parehong oras, isinagad niya ang Hiding Air Technique sa sukdulan nito upang ang hindi makita ng punong tagapamahala na nakapasok na siya sa ika-apat na ranggo.

"Di masama, di na masama! Nakita ko na ang impormasyon mo. Wala pang labing-apat na taong gulang at nakabuo ka na ng Inner Strength, at naging isang half-step Martial Artist. Si Zhao Linlong ay katulad mo rin dati," puri ng pangunahing tagapamahala

After talking a bit, Zhao Feng asked, "Why has the manager come over?"

Matapos makipag-usap ng saglit, nagtanong si Zhao Feng, "Bakit po nagpunta ang tagapamahala dito?"

"Ah! Muntikan ko nang makalimutan ang dapat kong gawin." Bahagyang umubo aang tagapamahala, pagktapos ay tumuloy sa isang seryosong ekspreyon. "Dahil sa itong pagganap, ang sect ay nagpasyang lubos na tulungan kang mag-cultiviate. Simula ngayon, pwede ka nang lumipat sa lugar ng mga inner disciple at magkaroon ng isang buwanang allowance na limang daang pilak. At saka, ang bawat martial art sa unang palapag ng Martial Arts Library ay magigign bukas sayo…"

Si Zhao Tianyang at Zhao Shi ay sobrang eksayted habang sila'y nagbibigat ng kanilang pasasalamat. Maging si Zhao Feng ay bahagyang nagulat. Hindi niya inakalang ang sect ay ganito kabilis na pupunta sa kanya.

Isang buwanang allowance na limang daang pilak ay mas marami ng dalawampung beses kaysa sa kanyang orihinal na halaga. Nung siya'y nasa unang ranggo, siya;y mayroong isang buwanang allowance na sampung pilak. Nakatanggap siya ng dalawampung pilak sa ikalawang ranggo.

Ngayon, hindi lamang tumaas ng napakalaki ang kanyang alliowance, nakakuha rin siya ng ibang mga benepisyo. Ito'y ang kapangyarihan ng promosyon.

Siguro'y ito'y dahil ang pagganap ni Zhao Feng ay masyadong katangi-tangi kaya't siya'y nilipat sa mga inner disciples bago pa man ang main tournament.

"Maraming salamat sa sect at sa manager," mapakumbabang sinabi ni Zhao Feng,

Upang ipanganak sa isang napakalaking sect na tulad nito, bagama't matatawag ang ilang mga bagay na hindi patas, nakakuha parin ng pinaka-magandang pagtrato sa loob ng sect. Ito'y dahil sa kumpetisyon at limitadong resources.

:Ok, magpapadalo ako ng ilang tao upang tulungan kayong lumipat." Ang punong tagapamahala ay inutusan ang mga tagapag lingok sa likod niya.

Si Zhao Feng ay lumipat sa kanyang bagong bahay sa parehong araw.

Lahat ng taong nakatira sa lugar na ito ay mayroong proteksyon ng sect, hindi na malaha kung sila'y mga disciples ot mga kamag-anak. Ang pagdating sa lugar na ito'y nangunguhulugang hindi lamang si Zhao Feng ay protektado, pati narin ang kanyang mga magulang.

"Ang hardin na ito'y napakalaki, madali itong naangkop saakin na magsanay dito… Ang lugar na ito ay may isang silid-pambasa, banyo, silid-imbakan, at isang kural ng kabayo…" Eksayted si Zhao Feng nang siya;y pumasok.

Mula ng matanggap niya ang pinaka mataas na pagtrato mula sa sect, nangangahulugan ito na nakatangap rin sila ng ilang mga tagapag lingkod.

Matapos maglipat, si Zhao Feng ay nagsimla muling patigasin ang kanyang pundasyon. Kadalasan, magsasanay siya sa loob ng bahay. Subalit magpupunta siya patungo sa isang nakatagong lugar kapag magsasanay siya sa isang sikretong galaw.

Pagkatapos ng dalaawang araw, ang kanyang pundasyon ay nabuo.

"Mayroon pang sampung mga araw bago ang main tournament. Kahit papano'y kailangan kong sanayin ang Angry Dragon Fists patungo sa perkpeksyon upang magkaraoon ako ng isang tiyansa upang makipaglaban para sa top three positions.

Nung gabing 'yon, ang kanyang Angry Dragon Fists ay naabot ang max level. Ngayon, ang bawat kamao mula sa max level Angry Dragon Fists ay nagdudulot ng dagundong.

Crack!

Madalaing nahati ni Zhao Feng ang puno sa harap niya. Ang kaswal na suntok na ito ay may kapangyarihan tulad ng sa Green Headed Tiger King. Hindi maitago ni Zhao Feng ang kanyang eksaytment. Wala sa mga inner o outer disciple ang makakapagsabi na siila'y nakapagsanay sa isang middle ranked martial hanggang perkpeksyon.

Ito'y dahil kung ganito katalintado ang isang tao, madali nilang masasanay ang isang high rank martial art hanggang sa mataas o pinaka mataas na antas.

*****************

Ng sumunod na umaga…

Si Zhao Feng ay umupo ng naka cross-leg habang sinasanay ang kanyang Inner Strength. Mayroon na siya ngayong mas maraming oras upang mag-cultivate, kaya ang kanyang Air Crossing Breathing Technique ay tuloy-tuloy na tumataas.

"Zhao Feng! Zhao Feng!" Isang sigaw ang nanggaling sa labas.

Hm? Nakita ni Zhao Feng ang ilang mga pamilyar na disciples ay tumakbo sa labas ng kanayang pinto. Isa sa kanila ay si Zhao Kun.

"Anong nangyari?" Si Zhao Feng ay medyo nasurpresa.

"Ilang mga disciples ng Xin family ang dumating upang hamunin tayo. Ang kuya ko at si Zhao Guang ay parehong lubhang natalo," Sabi ni Zhao Kun.

'Mga disciple ng Xin family? Hamon? Ano ang kinalaman ko dito?', inisip ni Zhao Feng.

"Ilan sa kanila ay gustong hamunin ka, ang top outer disciple," itinuloy ni Zhao Kun.

"Nasan sila?" Dahil gusto ng iba na hamunin siya, si Zhao Feng ay hindi iiwasan ito, Lalo na dahil kakapasok kaka-breakthrough pa lamang niya, gusto niyang gumalaw ng kaunti.

Hindi nagtagal…

Sinundan ni Zhao Feng ang mga ibang outer disciples at dumating sa front gate ng sect. Ang mga ingay ay nanggaling sa harap.

"Hehe, ang mga bagong disciples ng Zhao sect ay napaka hina."

"Si Brother Fei ay mabilis na tumataas, maging ang tatlong mga quasi Martial Artists ay hindi kayang sanggain ang isa sa mga galaw mo."

"Narinig kong ang inyong Zhao sect ay mayroong baong henyo na tinatawag na Zhao Feng, hayaan niyong lumabas siya at lumaban."

"Nasa dalawampung Xin disciples ang nakatayo sa front gate. Mayroong dalawang tao ang nasa harap. Ang muka ng isa'y may pilas habang ang isa'y nasuot ng siang grass-hat. Ang cultivation ng dalawang taong 'to ay parehong naabot na ang ika-apat na ranggo. Lalo na ang binatang may grass-hat, ang kanyang cultivation ay naabot na ang tugatog ng ika-apat na ranggo.

"Yi! Siya yun!" Nakilala ni Zhao Feng ang binatang may bilat sa mukha, siya'y si Xin Fei. Mukhang nakapasok siya sa ika-apat na ranggo matapos makipaglaban sa tigre.

Ngayon, ang mga Xin disciples ang may lamang. Ang lahat ng mga Xin disciples na nandito ay nagpunyagi, samantalang ang lima o anim na kabataan ng Zhao family ay nakahiga sa lupa. Si Zhao Yue at Zhao Gan ay may mga sugat.

"Zhao Feng, andito ka na!" Sabi ni Zhao Yue, pagkatapos ay dumaing dahil sa sakit mula sa kanyang mga sugat. Matapos ang lahat, si Zhao Feng na ngayon ang top outer disciple.

Next chapter