webnovel

The Right to Control

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

###### **Translator:** Translation Nation **Editor:** Translation Nation

Nagdulot ng bulong-bulungan sa loob ng duel arena ang mga aroganteng pananalita ng Drow.

Alam naman ng lahat na nilalabanan ni Raven at ang grupo niya ng mga Drow ang lalaking Underdark Human na si Agu at ang mga taga-suporta nito para Ruby Stronghold.

Sa katunayan, kahit na ang mga Drow ay mas malalakas, kung kaharap nila ay isang malaking grupo ng mga tao na higit na mas marami sa kanila, sadyang imposibleng makuha ng grupo ni Raven ang kustodiya ng Ruby Stronhold.

Dahil s paglusob ng mga Dark Specter, nabuo ang Underdark United Council, at kalaunan ay naglabas ito ng matinding kautusan: Ang mga Underdark Race ay hindi maaring mag-away kahit ano pa ang rason, kung hindi, mararansan ng mga ito ang matinding kaparusahan ng konseho.

Ito ang rason kung bakit hindi pa rin kumikilos ang magkabilang panig.

Kung nangyari ito bago ang paglusob ng Eternal Spring, hindi na siguro kakailanganin ang dwelo na ito, At siguradong pinatumba n ani Agu ang pwersa ni Raven agad-agad.

Kaya naman, sa ganitong sitwasyon, naniniwala ang lahat na gusto lang makalamang ni Raven sa laban para sa kung sino ang mamumuno sa stronghold.

Ganito rin ang iniisip ni Agu.

Malamang ay iminungkahi niya lang ang duel arena na ito para ipamalas ang lakas at ng kanyang mga tauhan para mas maraming makuha para sa mga Dark Elf.

Kaya naman kampante si Agu.

Pero nagalit ang lahat ng taga-sunod ni Agu dahil sa pagka-arogante kanina ng isang Drow.

Kung hindi lang sila pinigilan ni Agu, malamang ay sumugod na ang mga ito!

"Seryoso ka ba?"

Tinitigan ni Agu si Raven. "Ginagamit mo ang panggagalit niya sa mga tauhan ko para lang gumawa ng alitan sa Ruby Stronghold? Tapos gagamitin mo ang parusa ng Underdark United Council para pagbantaan ako?"

Tila hindi makapagdesisyon si Raven.

Tiningnan nito si Jessica na nagpapatuloy sa panggagalit sa iba. Sa puntong ito, alam niyang mainitin ang ulo ng kaibigang babae ng kanyang Master.

Hindi naman niya talaga ginagalit ang mga ito. Nagsasabi lang ito nang totoo.

Pero walang paraan para maunawaan ito ng iba pa.

Walang nagawa si Raven kundi mahinahon na sabihin, "Ang salita niya ay saliTa ko."

"Humingi ako ng dwelo, at pumayag ka. Sino man ang manalo ay magiging Lord ng Ryb Stronghold."

"Si Miss Daisy ang lalaban para sa min."

Malinaw na tinamid mag-isip ng sarili niyang kwento si Jessica. Kaya naman matapos siyang magpanggap na Drow, ginamit niya ang palayaw ng isa sa kanyang mga tauhan sa Hope City.

Umabante ito ng dalawang hakbang at tiningnan ang mga tao ni Agu.

"Mabuti naman!" Nanatili rin mahinahon si Agu at ikinumpas ang kanyang kamay. "Sastein, ikaw na."

Matapos ang sinabi niyang ito, isang taong halos dalawang metro ang taas ang lumapit.

Tiningnan ng lahat ang agwat sa laki ng dalawang lalaban at nag-alala naman ang mga ito para sa Drow.

Habang natuwa naman ang iba.

"Arogante ka diba?"

"Tingnan natin kung ano magagawa niya sa unang laban ng dwelo para sa pamumuno sa Ruby Stronghold!"

"Sa tingin ko isang kamay lang ang gagamitin ni Sastein para patayin siya, sa tingin mo, ilang minuto tatagal ang Drow na iyan?

Habang maingay na nag-uusap ang lahat, nagsimula na ang dwelo.

Walang mga patakaran sa Underdark.

Ang mananalo ang magiging hari.

Mayroong Giant bloodline si Sastein , kaya naman mayroon itong pambihirang lakas. Kahit na hinsi isya isang Legend, maraming Legend powerhouse ang hindi makalusot sa depensa nito!

Sumigaw ito at bigla na lang dinampot ang isang malaking martilyong na kasing laki ng isang tao, at iwinawasiwas ito patungo sa Drow!

Maririnig ang gulat ng mga manonood.

"Bang!"

Dumagundong sa sahig ang malaking martilyo. Isang malaking butas ang naiwan sa matigas na sahig ng Duel Arena!

Habang hindi pa humuhupa ang alikabok, marami nang tao ang nagsasaya o di kaya ay naaawa sa pagkamatay ng Dow, pero hindi inasahan nang lahat na isang anino ang nakatayo sa itaas ng martilyo.

Para itong maliksing pusa, tumalon ito sa taas ng martilyo at mabilis na tumakbo sa makapal na hawakan nito saka tumalon papunta sa noo ni Sastein!

"Napakabilis!"

Kinilabutan si Agu, napagtingin naman ito bigla kay Raven.

Pero wala itong nakitang ano mang bahid ng pag-aalala sa mga mat ani Raven!

Si Sastein ang pangunahing expert ng Rubu Stronghold.

Bakit hindi nakakaramdam ng kaba si Raven? Ganoon ba kalaki ang tiwala niya sa Drown a iyon?

Bahagyang pinanghinaan ng loob si Agu, pero kempante pa rin ito kay Sastein.

Marami nang mga Dark Elf ang sumubok na gamitin ang kanilang bilis para lusutan at iwasan si Sastein.

Pero lahat sila ay nagkamali!

Makapangyarihan si Sastein, at mayroon itong lakas ng Giant bloodine, pero kaya nitong sabayan ang bilis ng iba!

Sa isang iglap, binitawan ni Sastein ang kanyang martilyo at sinubukang hulihin si Jessica!

Kumilos si Jessica habang nasa ere, at iniwasan ang mga kamay ni Sastein, bago ito gumawa ng isang nakakagulat na eksena:

Noon pabagsak na ito, hindi nito nilakihan ang distansya sa pagitan nil ani Sastein, bagkus ay mas lalo pa itong lumapit. Bago ito muling umabot sa lupa, hinawakan ng dalawang kamay nito ang sinturon ni Sastein.

"Anong nangyayari?!"

Nagulat ang lahat.

Hindi naman nito balak hubaran ito, hindi ba?

Walang pakialam ang mga underdark Race sa maliit na bagay gaya noon. Kung gagamitin niya ang kanyang Dexterity para hubaran ito, hindi makakaramdam ng hiya si Sastein at hindi ito makakaapekto sa pakikipaglaban nito. Sa halip mas lalo itong babagsik sa pakikipaglaban at hindi ito titigil hanggang sa mapatay siya nito.

Suminghal si Sastein, umikot ito para patalsikin ito.

Pero nagulat ito na hindi nito maigalaw ang kanyang katawa!

Sa pananaw ng ibang tao, tila walang nangyari, pero naramdaman ni Sastein na nasa mapanganib na sitwasyon siya!

Alam niya kung gaano siya kalakas!

Mayroon siyang 28 Strength ksama na ang innate ability ng kanyang Race, at maikukumpara sa mga halimaw ang kanyang endurance!

Pero hindi siya makagalaw habang hawak siya ng malii na mga kamay ng Drow.

Paano ito nangyari?

Pero bago pa man siya makapag-isip, ilang reaksyon na ang maririnig mula sa gilid:

"Pucha!"

"Talaga ba?!"

"Siguradong mayroon siyang ininom na potion o ginamit na Divine Spell!"

Nabigla naman ang mga mata ni Sastein, biglang bumaliktad ang kanyang mundo!

Sa iglap, isang hindi mapigilang pwersa ang bumuhat sa kanya sa ere bago siya inihagis sa sahig!

Isang napakaganda at hindi kapani-paniwalang pagbalibag sa kanya ang naganap!

"Blagag!"

Nayanig ang lupa mula sa napakalakas na pagtama nito sa sahig kasabay ng paglipad ng alikabok.

Kahit ang ilang mga tao sa paligid ay tinamaan!

Gulat na tiningnan ni Agu ang eksena.

Unti-unting humupa ang alikabok, at makikitang nakatayo ang Drow sa higanteng katawan ni Sastein habang tinititigan ang isang grupo ng mga Underdark Human.

"Susunod."

Natahimik ang lahat ...

Walang naglakas loob na sumagot.

"Mukhang hindi ko napanuod ang isang magandang palabas?"

Nakahiga si Marvin sa isang sofa sa harap ng mainit na apoy, natutuwang pinapakinggan ang mensahe ni Raven. "Kinuha mol ang nang ganoon-ganoon lang ang Ruby Stronghold?"

"Hmmm, ibig sabihin nadagdagan na naman ako ng bagong teritoryo?"

Iniiwasang tingnan ni Jessica si Marvin. "Ganoon ang Underdark, nirerespeto nila ang malakas."

"Pinaghirapan naming ni Raven para makuha ang stronghold habang naglalagalag ka, at ngayon na nandito ka, tatamad-tamad ka pa. Hindi ba masayado kang kampante?"

Umiling si Marvin at tumawa. Inilabas naman ni Marvin ang isang libro at inihagis ito kay Jessica nang walang paliwanag.

"Tingnan mong mabuti 'yan…. Mahalaga yan."

Next chapter