webnovel

Scarlet Copper Dragon

Editor: LiberReverieGroup

Seryosong bagay ang pagpili ng secondary class, dahil kapag nakapamili ka na, hindi mo na ito pwede baguhin

Sa sobrang daming alam ni Marvin, mayroon na agad siyang naisip na anim na magagandang secondary class.

Bawat isa dito ay tugmang-tugma sa Night Walker.

Kung hindi lang masisira kalauanan ang universe magic pool, wizard sana ang pinakamabuting piliin. Kaso nga lang, hindi na ito tinangka pa ni Marvin. Dahil sa loob ng anim na buwan, maapektuhan man ng bahagya ang mga hindi wizard, ipit na ipit naman ang mga wizard sa sakunang ito.

Kung gusto niyang gawing secondary class ang wizard, kailangan niyang maghintay hanggang sa masira ang universe magic pool. Saka siya pipili ng panibagong uri ng spellcaster na nilalang.

Kaya naman, wala sa isip niya sa ngayong ang pagpili sa wizad.

Ang ibang class naman, pareho lang ng hirap na dadanasin sa pagkuha ng nigh walker class ang mga ito.

'Uunahin ko munang tapusin ang mga bagay na kailangan kong tapusin. Saka ko na iisipin ang secondary class kapag na-upgrade ko na ang main class ko.' Ika ni Marvin sa kanyang sarili.

Masyado pa kasing marami ang kanyang iniisip sa ngayon. Mabuti na lang at may kaunting panahon pa bago tuluyang masira ang universe magic pool.

Wala nang necromancer pang nakasalubong si Marvin.

Sinuswerte na siya ngayon, naging maayos naman ang kanyang paglalakbay at nakarating na nga siya sa Skull Valley.

Pareho lang ang lugar na ito sa Ghost Valley. Kung wala ang pass, kailangan pa uling utuin ni Marvin ang low level na ghost gamit ang spellbook ni Heiss, para makapasok.

Pero may pass na siya ngayon! Mas naging madali ito dahil basta lang siyang umalis ng despair hills.

Makulimlim pa rin ang kalangitan na parang bang kalulubog lang ng araw.

Sa tingin ni Marvin, tumagal siya sa despair hills ng humigit kumulang sa isang araw. Pumasok siya ng bukang-liwayway, nakalabas siya ng takip-silim.

Sobrang swerte niya lalo pa at walang nawala sa kanya.

Magiging mas madali ang susunod niyang dadaanan. Pero nagdeisyon si Marvin na magpahinga muna.

Dahil papasok na siya sa teritoryo ng isang expert.

Kakaunting tao lang ang nakaka-alam ng tungkol sa kanya dahil gumagamit siya ng Dense Fog, Illusionary Voices, at iba pang spell para gawing nakakatakot ang kapaligiran. Dahil kung hindi niya ito gagawin, gagambalain lang siya ng mga tao.

Pero naghahanda na si Marvin na bisitahin siya.

Kahit na wala namang gagawing masama sa kanya ang taong ito, kailangan pa rin niya ng sapat na enerhiya para harapin ang mga pagdadaanan niya pagkatapos.

'Mabuti pa siguro umidlip muna ko. Masyado ng mababa ang constitution ng katawang 'to. Kulang na rin sa stamina.'

Humiga si Marvin sa isang butas sa loob ng isang patay na puno. Nakatulog na rin siya pagkatapos kumain ng kaunti at uminom ng tubig.

Kinaumagahan, pinagpatuloy ni Marvin ang paglalakbay pa-hilaga.

Sa labas ng despair hills matatagpuan ang isang lawa, at sa gitna ng lawa ay may mahamog na gubat.

Nakatayo si Marvin sa isang maliit na burol at nagmamasid sa lugar. Tanghali pa lang pero nababalot na ng hamog ang gubat.

Nasa daong hilaga ng lawang ito ang moonlight forest. Bahagi ito ng elf kingdom, tahanan ng ilang wood elf. Merchant ang karamihan sa mga ito. KAlahating araw lang ang aabutin ng paglalakabay mula sa moonlight forest patungong three ring towers dahil sa hot air balloon.

'Sakto lang ako sa oras.'

Bumaba ng burol si Marvin at pumasok sa mahamog na gubat; sa katunayan, paumasok lang siya basta-basta.

Sobrang tahimik ng kagubatang ito, walang kahit anong ingay o tunog ang maririnig. Tila nagtatago ang mga hayop sa sobrang takot.

Habang tumatagal mas kumakapal ang hamog. Mula sa may paanan ni Marvin hanggang sa umabot na ito sa kanyang baywang.

'Malapit na siguro.'

Malumanay na hinawakan ni Marvin ang isang puno. Napangiti siya dahil kakaiba ito.

Parang hindi ito puno.

Kahit na epektibo ang sight confusion, ang pakiramdam ang kahinaan nito.

BIgla itong naglabas ng itim na tela at tinakpan ang kanyang mga mata.

Dalawang oras siyang nagpatuloy ng ganito!

Hanggang sa umalingawngaw sa kanyang tenga ang isang malalim na boses, "Mukhang nakalusot ka sa munting pagsubok ko."

"Nakakapagtaka, tanggalin mo ang piring mo. Gusto kitang makita."

Commong language lang ito.

Tinanggal ni Marvin ang kanyang piring.

Nag-iba ang kanyang kapaligiran.

Ang mahamog at masukal na gubat ay naging isang mabatong bulubundukin. Mayroon ring isang kweba sa di kalayuan.

WAlang katao-tao sa paligid.

'Nilampasan ako?'

Napansin niyang sa maling direksyon siya nakaharap kaya agad na tumalikod.

May isang malaking halimaw ang nakahiga sa isang malaking bato!

Tamad na tamad na tiningnan nito si Marvin. Natatakpan ng pakpak nito ang kanyang katawan. At masigasig na iwinasiwas ang buntot nito ng dalawang beses.

Ibig sabihin nito, maganda ang kalagayan nito.

Ito ang red copper dragon!

Ngumiti si Marvin, pamilyar siya sa nilalang na 'to.

Ang [Professor], isang makasaysayang red copper na nagmula pa sa unang panahon. Mayroong siyang legend level na strength at mabuting kalooban.

Sa lahat ng dragon, ang red copper dragon ang may pinakamagandang reputasyon. Mga bakal at mineral ang kinakain nila, at bihirang manakit ng ibang nilalang.

Mahilig sila sa mga interesanteng bagay, lalong-lalo na ang mga bugtong. Karamihan sa mga napapadpad dito'y pinauunlakan ng red copper dragon dahil may mga dala itong kwento mula sa malayong lupain.

Pinauunlakan rin ng red copper dragon ang mga ranger. Lalo na si Marvin na gumamit ng simpleng taktika para malampasan ang pagusbok na ito.

Isang maliit na burol talaga ang nasa gitna ng lawa.

Naging gubat lang ang anyo nito dahil sa spell ng dragon.

Pero May butas din ang pagsubok na ito. Ilang beses nang nalampasan ito dati ni Marvin.

Mukhang walang pinsalang natamo, mula sa isa pang makasaysayang red dragon na naninirahan sa katabing bulkan ang kasalukuyang Professor. Buhay na buhay itong tingnan.

"Kamusta, ranger?" Nagtataka nitong tiningnan si Marvin. "Paano mo natapos ang pagsubok?"

Biglang tumawa si Marvin, "Tatanggapin mo ba ang hamon ko kapag sinabi ko sayo ang kasagutan?"

"Hinahamon mo ba ko?" Hindi ito galit bagkusa ay mas naging interesado. "Pasensya na pero alam kong hindi mo ko kaya."

"Kaunting lakas lang ang kailangan ko para durugin ka."

Napakatapat ng red copper dragon. Pinapahiwatig nito kay Marvin na masyado siyang malakas para sa kanya.

"Alam ko namang wala akong laban sayo."

Tumawa muli si Marvin at sinabing, "Ang ibig kong sabihin, hinahamon ko ang sarili ko."

"Nabalitaan kong marami kang nalalaman. Sabi nila'y magaling at matalino ka raw. Kaya naman hinanap kita."

"Gusto kong hamunin ang iyong [Mirror World]."

"kataka-taka," bulong ng red copper dragon. Tumango ito at sinabing, " Delikado ang [Mirror World], sigurado ka bang gusto mong hamunin ito?"

"Oo naman." Sagot ni Marvin. "Pumunta ako dito para hasaain ang mga kakayanan ko."

"Sasabihin ko sayo kung paano ko nalampasan ang pagsubok mo. Dahil walang anong mang puno sa mundo ang sing tigas ng bato!"

Tumawa ang red copper dragon. "Ganoon pala. Hindi naman pala ganoon kakumplikado. Sa susunod ay dadagdagan ko na ng [Confuse Perception]."

"Edi baka hindi na kita mahanap sa susunod," sagot ni Marvin.

"Kapag natuwa ako sa ipapamalas mo sa mirror world, papayagan kitang makapasok."

Iwinasiwas ng red copper dragon ang kanyang buntot para makakuha ng mineral saka nilunok ito.

"Gustong-gusto ko ang mga mandirigmang nangangahas hamunin ang kanilang mga sarili."

"Masyado nang maraming wizard sa mundong ito. Mga duwag sila at hindi kailanman gagawa ng isang bagay na walang kasiguruhan. Wala pang wizard ang pumapasok sa aking mirror world."

"Maghintay ka lang saglit. Gagawa ako ng kawangis mo. Dadagdagan ko rin ng pabuya ang bawat level para sayo."

"Dito ka lang. Magsisimula tayo sa loob ng sampung minuto!"

Unti-unting umangat ang hamog hanggang sa lamunin si Marvin.

Huminga siya ng malalim, pinikit ang mga mata at tahimik na nagbilang.

Ang mirror world ng makasaysayang red copper dragon ay isang lugar kung saan tuloy-tuloy na hinahamon ng isang matapang na tao ang kanyang sarili.

Kapag hindi mo itinuon ang atensyon mo dito, maaari kang mamatay.

Pero nakakapanghikayat pa rin ito!

Mahahasa ng lubusan ang skill mo kapag natalo mo ang iyong sarili sa mirror world. Nais ni Marving mapataas ang mastery level ng kanyang dagger.

At sa tuwing matatalo niya ang kanyang kalaban, makakatanggap siya ng [Professor]'s reward.

Mahilig mangolekta ng mga kayamanan ang mga red copper dragon, kaya siguradong maganda ang magiging premyo nito.

_________________________

Author's note: Tungkol sa mga secondary class, inirerekomenda kong ipagpatuloy niyo lang ang panghuhula. Pwede niyo itong pag-usapan. Mayroong nang kaunting foreshadowing sa mga nakalipas na chapter. May isang secondary class na ang kumpirmado.

Next chapter