webnovel

Ang Magic Curse

Editor: LiberReverieGroup

Inisip ni Roland ang epekto ng tableta at hindi agad inutusan ang unang hukbo na habulin sila. Sa halip, pinadala niya si Lightning at Maggie para mag spy sa kabilang panig.

Ang mga sugatan sa defense line ay binigyan agad ng lunas. Lima lamang ang nasugatan ng spear throwers, apat sa kanila ay kabilang sa Artillery Squad. Siya ay nagalak dahil nanatili ang Artillery Squad kahit na ang kalaban ay 150 metro lang ang layo sa kanila. Sa halip, sila ay dumapa at nagtago sa likod ng mga karwahe para maiwasan ang mga sibat at bumalik sa laban sa lalong madaling panahon.

Nanatili si Nana ng buong oras sa battlefield. Nang umatras ang mga kalaban, binalewala ni Nana ang ingay ng mga artillery at nagmadali para magamot ang mga sugatan kasama si Viscount Tigui. Ang hirap isipin na ang batang babae nakalipas ang kalahating taon ay hinihimatay pa kapag nakakita ng dugo.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter