Sa kalagitnaan ng mahamog na umaga, nakita ni Timothy Wimbledon ang mga bandilang nagwawagayway sa taas ng city wall.
Tinaas niya ang kanyang telescope para hanapin ang mga kamon o emblem sa mga bandila. Karamihan sa mga bandila ay berde, at bawat isa ay may tatak na isang barko na may korona. Walang alinlangan, lahat ng ito ay pagmamay-ari ng kanyang kapatid na babae, si Garcia Wimbledon.
Ang panglawang pinakaraming makikitang bandila ay puting bandila na may isang mataas na tower na may nakapalibot na ahas, at ito ay pagmamay-ari ng House Balya. "Ha." Pangungutya niya sa kanyang isip. "Earl Balya,
Support your favorite authors and translators in webnovel.com