webnovel

Hindi Ako Pupunta Kahit Saan

Editor: LiberReverieGroup

Nang matapos si Nightingale, nanahimik muli ang silid, at tanging maririnig ay ang paminsan-minsang tunog ng apoy ng kandila.

Seryoso ang itsura ni Roland, sapagkat naintindihan na niya kung ano talaga ang mga witches.

Kadalasan sa mga awakening ng mga witches ay nangyayari tuwing panahon ng Months of Demons, at sa araw lang na iyon nagbubukas ang Gates of Hell. In general, ang panahon na naabot ng isang witch ang adulthood ay isang dividing line. Kung ang isang babae ay hindi pa naa-awakened bago ang kanyang ika-labingwalong kaarawan, malamang ay hindi na siya magiging isang witch. Gayunpaman, ang taong na-awakened bago ang kanyang ika-labinwalong kaarawan ay magdurusa sa Demonic Torture sa araw ng kanyang pag-awakened bawat taon simula noon.

Tila hindi maintindihan ng mga ordinaryong tao ang sakit. Nagsalita si Nightingale tungkol sa bagay na ito, na may panginginig sa kanyang boses. Ayon sa kanyang sariling karanasan, ito ay katulad ng isang bagay na sinusubukang lumabas mula sayo. Ang bawat blood vessel at tendon ay sumasakit dahil sa pamamaga sa loob.

Kung mabubuhay ka, dahan-dahang gagaling ang katawan pagkalipas ng apat o limang araw na pahinga, o ikakamatay mo ang miserableng tortyur na ito.

Nasaksihan ni Nightingale ang pagkamatay ng maraming kaibigan. Nawalan ng enerhiya ang kanilang katawan upang suportahan ang kapangyarihan at naging isang malaking nakaumbok na meatball. Lumalabas sa mga butas ng katawan ang dugo na may kahalong lamang-loob, at ang hangin ay nagiging isang itim na mist. Lalabas ito ng lalabas at magpapatuloy ito hanggang sa walang matira kundi mga seksyon ng laman.

Ito ang dahilan kung bakit itinuturing na pagkakatawang-tao ng mga demonyo.

Ang mga ordinaryong tao ay takot-takot kapag nakikita ito, at sino ang may pakialam kung ano ang dahilan ng pagkamatay? Sinapawan pa ng simbahan, sinasabi na ito ang mangyayari sa mga demonyo. Sa paglipas ng panahon, ang mga witches ay naging mga spokespeople ng kasamaan.

Hindi mahalaga kung paano ito nakita ng mga ibang tao, ang tortyur na ito ay tunay, at para sa kadahilanang ito kaya maikli ang buhay ng mga witches. Habang tumatagal, nagiging mas mahirap ito, at dahil dito kaya maraming witch ang pinili na tapusin ang kanilang mga buhay.

Ang demonic torture kapag naabot ng witch ang adulthood sa edad na labingwalo ang pinakamahirap na lagpasan. Sa katunanyan, bago ang punto na ito, ang mahika na nasa loob nila ay hindi pa buo, at pagkatapos lamang maabot ang adulthood tumatatag ang kanilang kapangyarihan. Matapos tumatag ng kanilang mahika, dumadami din ito, at maari pang makalikha ng bagong mga sangay ng abilidad.

Sa kasamaan palad, ang proseso ng pagtatag ay labis na masakit. Ang tortyur ng magical power ay napakalakas na hindi ito kaya ng ordinaryong tao, at maraming mga witch ang mamamatay sa araw na iyon.

Matapos marinig ito, natahimik si Roland ng matagal bago siya bumulong, "Ayon sa mga sinaunang libro, dapat mahanap ng mga witch ang Holy Mountain kung saan nila matatanggap ang walang hanggang kapayapaan at maliligtas sila mula sa demonic torture. Totoo ba ito?"

"Walang nakakaalam. Sa alamat lang lumitaw ang Holy Mountain. Ngunit, kung dadalhin natin sila sa kampo ng Witches Cooperation Association, magkakaroon sila ng mas malaking tsansa na mabuhay. Doon, hindi nila kailangan itago ang kanilang sarili at maaring mamuhay ng malaya. Ang pisikal na paghihirap ay di hamak na mas mababa kaysa sa nakaraan."

Naguguluhan si Roland dahil si Anna at Nana ay importante ang ginagampanan sa kanyang plano, ngunit hindi niya kayang tanggapin na sasailalim sila sa isang matinding sugal alang-ala lang sa kanyang plano. "Nasa baba si Anna. Papapuntahin ko siya dito at kung gugustuhin niya sumama, maari mo siyang isama. Para naman kay Nana, bukas pa kami magkikita," sabi niya ng mahina ang boses.

"Salamat sa pag-iintindi, tila hindi ako nagkamali sayo," Sabi ni Nightingale habang tumayo para ibigay ang kanyang pagbati.

Sa oras na ito, hindi pa natutulog si Anna, at may kinokopya siya sa isang lamesa nang tawagin siya ni Roland. Nagulat siya ng makita si Roland. Nang inutusan siya na sumunod papunta sa kanyang silid, sinundan niya si Roland ng walang alinlangan.

Nang makita niya na may ibang tao sa loob ng kanyang silid, nagulat ang babae. Kinuha ni Roland ang kanyang kamay at pinakilala sila ng maikli, at pagkatapos ay umupo silang tatlo sa isang roundtable. Inulit ni Nightingale ang kanyang sinabi. "Sa kampo, maraming tao na katulad mo, at sila ay magiging mga kapatid mo."

"Tila ito ang kaso Miss Anna. Kahit na may pinarmahan akong employment contract sayo, sa isang life-threatening na kaganapan, kailangan ko igalang ang iyong opinyon. Kung sumasang-ayon ka…"

"Hindi ako sasama."

Nagulat si Roland. "Anong sinabi mo?"

"Sabi ko hindi ako sasama." Agad na singit ni Anna. "Gusto ko manatili dito."

"Anna, hindi ako nagsisinungaling sayo." Sumimangot si Nightingale. "Nararamdaman ko ang lumalaking magic power sa iyong katawan ay nalalapit na sa kapanahunan. Ang iyong araw ng adulthood ay dadating ng dalawang buwan sa Months of Demons. Kung mas maaga kang pupunta sa kampo, mas magiging ligtas ka."

Hindi niya binigyan pansin si Nightingale, kundi lumingon at tinignan si Roland.

"Kamahalan, naaalala mo ba nung tinanong mo ako kung gusto kong bumalik sa Kolehiyo ni Karl kasama si Nana at mag-aral kasama ang ibang mga bata?"

Tumango si Roland.

Hindi ako sumagot nung oras na iyon. Ngunit yung sinabo mo pagkatapos… Wala akong pakialam kung mabubuhay ako ng parang isang normal na tao." Makinis at natural ang boses ni Anna. "Gusto ko lang manatili kasama ang Prinsepe, wala ng iba."

Inakala ni Roland na naintindihan niya ang pag-iisip ni Anna, ngunit ngayon niya lang napagtanto na hindi niya pala ito naiinditindihan.

Wala siyang nakikitang emosyon sa kanyang mga mata. Hindi iyon dependency o pag-ibig. Walang dapat makita… tanging malalim, at walang hanggang tranquility.

Naaalala niya ang unang beses na nagkita sila. Kalmado din ang kanyang mata katulad ngayon.

Ang tanging pagkakaiba ay sa oras na ito ang mukha niya ay puno ng buhay, na para bang isang namumulaklak na bulaklak. Gayunpaman, hindi niya kinakatakutan ang kamatayan, at hindi din niya hinihintay ito.

"Hindi ko ikakamatay ang demonic torture," sabi ni Anna, "at malalagpasan ko yon."

Pinikit ni Nightingale ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. "Sige, naiintindihan ko."

"Iiwan mo na ba kami ngayon?" tanong ni Roland.

"Hindi, mananatili ako dito," sabi niya, habang hinila ang kanyang hood at tumayo. "Anuman mangyari, hindi lilipat ang kampo hanggang sa katapusan ng Months of Demons."

"Bakit?" Laking gulat ni Roland. Plano niya ba na panuorin sila buong taglamig?

"Sa tingin ko hindi naiintindihan ng mga bata na hindi pa nakakakita ng adulthood ang panganib nito. Sumabit na ako sa gilid ng kamatay at nasaksihan ko ang pagkamatay ng aking mga kasama. Kapag dumating ang araw na iyon, tutulungan ko siya. Kung…" Nagkibit-balikat si Nightingale. "Kung hindi niya malalagpasan iyon, mayron akong karanasan sa paglilibing."

Pumunta siya sa pintuan, nilabas ang kutsilyo sa balot nito, at muling lumuhod sa harapan ni Roland. "O siya, makakaalis na ako," sabi niya, at sa kalaunan ay naglaho ang kanyang katawan sa kadiliman. Hindi man nagiwan ng kahit anong bakas ang mist.

"Ito ba ang abilidad ni Nightingale?" Pinag-isipan ni Roland. "Ang kangyang tahimik na boses ay ginagawa siyang isang natural na assassin. At sa paraan ng pagbato niya sa kutsilyo, halatang sumailalim siya sa pagsasanay. Maliban sa pagiging isang grupo ng magkakatulad na tao, tinulungan din ba siya ng Witch Cooperation Association sa kanyang pageensayo? O taglay na niya ang mga abilidad na ito bago pa pa siya sumama sa kanila?"

Masyadong konti ang impormasyon na makukuha tungkol sa grupo, at walang makitang kapaki-pakinabang si Roland sa kanyang memorya. Gayunpaman, may pakiramdam si Roland na magtatagpo muli sila ng grupo, hangga't nagpapatuloy siyang naghahanap ng mga witches.

"Gabi na. Bumalik ka na sa pagtulogm" sabi ni Roland habang tinatapik ang ulo ng babae.

Sa kanyang sorpresa, tinaboy ni Anna ang kanyang kamay, at umalis ng walang sinasabi.

Habang isinara niya ang pinto, namatay ang mga ilaw sa likod niya at naiwan siyang nababalot ng dilim. Dahan-dahan siyang sumandal sa pintuan, at nawala ang kalma habang ang kanyang mga mata ay napuno ng luha.

Inangat niya ang kanyang ulo at nilagay ang kanyang mga kamay sa harap ng kanyang mukha, at bumulong ng walang makakarinig.

"Fool."

Next chapter