webnovel

Ang Ambassador (Unang bahagi)

Editor: LiberReverieGroup

"Ganon parin kapangit ang lugar na ito tulad ng dati," sabi ni Petrov, ang ambasador galing sa Stronghold, habang siya ay lumabas sa cabin at agad naamoy ang baho ng nabubulok na kahoy. Napapalibutan siya ng maumid at dull na atmosphere na naging dahilan kung bakit siya naging hindi komportable mula ulo hanggang paa, lumahanghap siya ng hangit at tumingin sa langit kung saan nandoon ang mga ulap. Isang senyas ng nagbabadyand malakas na ulan.

"Isang taon na ang nakalipas mula ng huli mong bisita," sabi ng assistant habang nilagyan niya ng wool na balabal ang kanyang boss. "Malaban sa bato, walang anuman ang nandito."

"Isa't kalahating taon na ang nakakalipas," sagot ni Petrov. "Iba't-ibang tao ang pinapadala ng Lord Duke sa bawat panahon, at ang huling beses na nandito ako ay summer. Maliban sa mga bato, mayron pang ibang bagay dito katulad ng fine furs at…"

"Ano?" Tanong ng assistant.

Tinango ni Petrov ang kanyang ulo at hindi na nagsalita pa. Nang tumawid siya sa board at tumapak sa wooden dock na nababalot ng lumot, tumunog ito ng malakas na nagpaniwala sa kanya na bibigay ang dock na ito sa loob ng ilang taon. Oo, maliban sa stone at fur, hindi maaring i-underestimate ang lupa ng Border Town. Ngunit hindi ito maiintindihan ng hindi gaanong ka-open-minded na common assistant na ang tungkulin lang ay sa mga papeles at mga numbers lang.

Nananatiling hindi pa nagagalaw ang lupa sa pagitan ng Border Town at Longsong Stronghold at lumiliit ito sa isang makitid na channel, na hinaharangan sa bawat gilid ng Impassable Mountain Range at ng Redwater River. Kung ang Border Town ay magiging isang outpost at kinuha ang tungkulin na maging isang defensive line, madaling makukuha ng Stronghold ang untouched land, at maari nila itong sakahan. At dahil sa natural barrier nito sa bawat gilid, madali ang magiging pamamahala dito. Ang pagkain na naani mula dito ay mapapakain sa lumolobong populasyon ng Stronghold, at ang Border Town ay magiging parte ng Stronghold sa halip na manatiling independent.

Ang tanging disadvantage nito ay magiging mahal ang operasyon at tatagal ito ng tatlo hanggang limang taon.

What a shame, pagdating sa pamumuhunan, ang karamihan sa mga noble ay hindi nagkakaiba sa mga maliit na negosyante.

"Bakit walang ore sa storage yard?" Habang tumuturo sa bakanteng imbakan, sabi ng assitant, "Hindi ba dapat inii-stack na nila ang ore bago pa kami dumating?"

Nagbuntong-hininga si Petrov. "Dapat tayong bumisita sa Kamahalan at magbigay respeto."

"Saglit… Mr. Ambassador, bakit hindi natin hintayin ang kanilang welcome party?" Mungkahi ng assistant.

Hindi sigurado si Petrov kung mayroon ngang welcome party, kaya sa halip ay sinabi niya nalang na, "Tara na, nasa harapan lang ang mga stables."

Inilalarawan nito ang kahirapan ng pagiging independent ng dalawang lupain. Nang ipadala ng hari ang Prinsepe Roland sa ngalan ng Royal Decree on the Selection of Crown Prince, ano ang magiging ugali ng batang lalaki? Panigurado kukunin niya ang lahat ng kanyang nasasakupan, at dahil dito, hindi magiging posible ang pagkalakal ng mga ores at gemstones para sa pagkain at tinapay. Ikinatakot niya na puro gold royals lang ang iniisip ng prinsepe.

Parehas lang ang gagawin niya sa ilalim ng ganitong circumstances dahil walang sinuman ang magtitiis kapag ang lahat ng kanilang naani mula sa lupain ay ipapagpalit lang sa napakababang presyo. Tila maraming tao na ang nakalimot na hindi lamang isang station run ang Longsong Stronghold galing sa Redwater River. Bukod dito marami pang ibang lugar, Willow Town, Fallen Dragon Ridge, at Redwater City, kung saan maari niyang dalhin ang mga refugees. Mas malayo lang sila ng kaunti sa Longsong Stronghold.

Tapos ano ang gagawin ng Longsong Stronghold? Harangan ang ilong at pigilan ang prusisyon ng prinsepe? Hindi, isa iyong pagtataksil. Kahit na alam ng karamihan na hindi gusto si Prinsepe Roland ng kanyang ama, hindi parin maaring balewalain ang loyal name at blood.

Wala ng mas mabuting kabayo sa stable maliban sa mga luma na. Sila ay mahina at napakapayat na may scruffy fur na nag-iwan sa kanilang nanginginig habang dahan-dahang naglalakad. Walang nagawa ang ambassador kundi magbayad ng dalawang gold royals bilang isang pledge para sa dalawang shabby na kabayo, na dahan-dahan silang dinala sa mga flagstones sa kahabaan ng ilog.

"Tignan niyo yuh! Sir, isa ba iyong cargo boat mula Willow Town?"

Sigaw ng assistant, kung saan napilitan siyang lumingon kung saan nakaturo ang assistant. Dahan-dahan, dumating ang isang sailing boat na may isang mast at isang banner na may isang berdeng dahon at scimitar na nakabitin dito. Ang mataas na waterline nito ay nangangahulugang puno ng cargo ang bangka.

Habang tinatango ang kanyang ulo at pinanatili ang poker face, itinago ni Petrov ang kanyang tunay na pag-aalala na na-trigger ng kanyang nakita. Hindi niya inasahan na kikilos agad ang Prinsepe Roland. "Kung sinimulan na ng Prinsepe Roland ang pag-tradesa mga bayan sa kahabaan ng Redwater River, nagbago ang ang advantage na meron siya. Layon niyang hikayatin ang kanyang ama na pumayag sa pagkuha sa ore ng tatlumpung porsyento mas mababa kaysa sa market price. At maliban dito, may mga gemstones na maaring i-craft bilang maraming valuable luxuries. Ngunit ang isyu na ito ay nakasailalim sa isang monopolyo, at hindi lamang siya ang makakapagpasya. Kahit na ang kabubuuan ng Honeysuckle Family ay hindi maaring gumawa ng desisyon kung hindi sumasang-ayon ang anim na noble families."

Ngunit tila mukhang wala silang malay sa kung ano ang mga nabago sa paglipas ng panahon, at halos wala silang ginawa… o baka dahil napakababa ng produksyon ng mina upang makuha ang kanilang atensyon. Nanatiling indifferent ang limang pamilya at ang kanyang ama, na mukhang siguradong-sigurado sa kanyang sarili ay tinanggihan ang kanyang payo. Ngunit lahat sila ay nagkakamali ng matindi dahil ang mababang produksyon ng mina, sanhi ng trade-off ng materyales at pagkain, ay madaling maging madami kaapg ang palitan ay naging normal at ang ore ay bibilhin sa tamang presyo. Sa pamamagitan nito, kapag mas maraming naibenta ang Border Town, mas maraming pera ang kanilang malilikom, na magreresulta sa pagdami ng ore sa susunod na taon.

Ngunit sa pamamagitan nito, naisip ni Petrov na ang monopolya sa mineral na kanyang inaasahan ay hindi na mangyayari sa malamang. Mula sa walang laman na imbakan sa dock, mukhang walang plano ang prinsepe na ipagpalit ang kanyang mga bato para sa inferior wheat, dahil nagsimula na siyang kumuhan ng ibang buyers.

Tatlumpong porsyento ang kanyang huling magiging bargaining chip kung gusto pa niyang mapanatili ang negosyo sa Border Town. Ang Willow Town ay mag-ooffer ng halos kalahati ng market price dahil sa layo ng dalawang bayan at dagdag pa ang gastos sa transportasyon at mayroon pa silang ibang magpagkukunan ng mga minerals. Lalong mas mababa ang presyong io-offer ng Fallen Dragon Ridge at Redwater City. Dahil dito, maaring ipagpatuloy ni Prinsepe Roland ang kanyang negosyo sa Stronghold, lalo na para sa mga gemstones.

Ngunit ang problema ay kung papayag ang kanyang ama sa kontrata na kanyang pipirmahan. Paano kung ang iisipin nga ibang pamilya na ang kontrata ay isang senyas ng pagsuko at paglipat ng mga family interests?

After all, matagal na nilang tinatrato ang Border Town bilang isang sub-area ng Stronghold at isang supplier ng kung anumang kailangan nila.

Dahan-dahan silang naglakbay patungo sa gate ng kastilyo na nakatayo sa timog-silangang bahagi ng bayan, na nabago na ang lord nito mula noong kanyang huling bisita.

Nakita ng mga guwardiya ang ambassador's voucher at agad ipinaalam sa panginoon.

Agad na ipinatawag ni Prinsepe Roland si Petrov. Nang parehas silang nakarating sa hall, nakaupo na at naghihintay ang Prinsepe.

"Mr. Ambassador, maupo ka."

Pumalakpak si Roland at hinanda ng mga katulong ang isang masarap na pagkain. Kabilang dito ang isang buong inihaw na manok, boar trotter na nilaga na may kasamang mushrooms, buttered bread, at isang malaking porsyon ng vegetable soup. Nagmistulang kahit nasaan ang prinsepe, nasa Border Town man o hindi, anuman ang gustuhin ng prinsepe, makukuha niya ito.

Natural na hindi kayang magpigil ni Petrov. Kinailangan ng dalawang araw galing Stronghold papuntang Border Town kapag maganda ang higop ng hangin. Kung babyahe siya sa isang freighter na may maraming masts, lalo pang tatagal at aabutin ng tatlo hanggang limang araw. Walang kusina sa bangka kaya kadalasan ay kumakain sila ng sarili nilang dried meat o wheat cake. Nang makita ang mainit na pagkain, di niya mapigilan na maglaway.

Ngunit pinanatili ng paggalang na kinasanayan niya simula pa ng kabataan niya ang disenteng paguugali sa harap ng lamesa. Sa paghahambing, hindi gaanong pinapansin ng prinsepe ang kanyang paguugali, lalo na sa paggamit ng tinidor at kutsilyo. Napansin ni Petrov na gumagamit siya ng isang pares ng maliliit na sticks upang kumain, at ginagamit lang niya ang tinidor at kutsilyo upang hiwain ang karne. Nagmukhang mas mainam gamitin ang maliit na sticks… kumpara sa tinidor.

"Ano sa tingin mo?" Biglang tanong ni Roland bago matapos ang hapunan.

"Ng… alin?" sagot ng ambassador.

"Nito." Winagayway ng Prinsepe ang mga stick na nasa kanyang kamay at hindi na hinintay ang sagot ni Petrov at agad na nagpatuloy. "Ang isang kutsilyo at tinidor ay hindi abot ng karaniwang tao, lalo na at gawa ang mga ito sa silver. Ngunit, ang isang tao na kumakain gamit ang kanyang kamaya ay madaling makakuha ng dumi at magkasakit. Nakakasunod ka ba?"

Hindi alam ng ambassador ang kanyang sasabihin dahil hindi niya hustong naintindihan ang tanong. Siguro, hula niya, na ang dumi na kasama ng pagkain ay maaring magdulot sa atin ng sakit. Ngunit paano iyun magiging totoo? Matagal ng kumakain ang mga tao gamit ang kanilang mga kamay, ngunit wala pang namamatay dahil dito.

"Napakaraming pares ng mga oak sitcks sa Misty Forest, malinis ito at madaling makuha. Nangangahulugan ito na dapat itong gamitin ng karaniwang tao para kumain, sa halip na gamitin ang kanilang mga kamay." Humigop ng kaunti ang Prinsepe sa kanyang inumin at sinabi, "Siyempre sa ngayon, ang karne ay medyo malayo pa para sa kanilang buhay, ngunit magbabago ang mga bagay."

Naibsan ang pakiramdam ni Petrov, dahil hindi isang mahirap na paksa ito para sa kanya. Regular niyang ipinapahayag ang kanyang pag-apruba, ngunit sa kanyang puso hindi siya sumasang-ayon. Hayaan pakainin ang mga karaniwang mamamayan na kumain ng karne? Isang kahibangan. Kahit sa Graycastle malayo sila sa puntong iyon, ano pa sa Border Town ng desolate lands.

Next chapter