webnovel

Chapter 239

Editor: LiberReverieGroup

"Ang pamilyang Chu ay pinagpala na makagawa ng gayong namumukod na tagapagmana sa pamilya. Mabuti ang kanilang kalooban, may kaalaman, at may paggalang. Sila ay dalisay at mababait na mga tao kung saan ay nakakasundo at may pinag-aralan. Dahil dito, si Chu Qiao ay nabigyan ng titulo na Royal Imperial Concubine. Mamamahala siya sa mga gawain ng bansa, upang masiguro ang kasaganaan nito."

Isang malakas at matigas na tinig ang dumagundong sa maliwanag na naiilawang kapaligiran. Isang korona, gawa sa purong ginto, ay inilagay sa harap ng altar ng mga ninuno. Ang mga bagay tulad ng imperial jade na selyo at mga pinsel ay inilagay sa tabi ng korona; iyon ang mga bagay na ikamamatay ng lahat upang mapag-ari nila, dahil ipinahihiwatig nito ang yaman at kapangyarihan ng may-ari. Sa muling paghakbang pasulong, hahawakan niya ang mga bagay na iyon sa kanyang mga kamay—walang sinuman sa mundo ang madali pang makakasakit sa kanya.

Tumayo siya sa ibabaw ng Phoenix Stand, tinitingnan ang maraming mga anino na lumuluhod sa ilalim niya. Nakita niya ang paninibugho, sama ng loob, sindak, takot, pag-aalinlangan, at bakas ng pag-asa sa mga anino na iyon, ngunit walang nakapagparamdam ng kasiglahan sa kalooban niya. Ang mga baitang na jade sa ilalim ng kanyang mga paa ay malamig, at gayon din ang sikat ng araw.

Ang iskolar mula sa Departmento ng Seremonya ay lumuhod sa harap niya, na may selyo ng sulat sa kanyang mga kamay. Ang lalaki, na may edad na 70-taong-gulang, ay ibinaba ang kanyang ulo habang ang kanyang mga tuhod ay nanginginig.

Ang hangin ay lumagpas sa mga agila na umiikot sa kalangitan. Tumingala siya sa marilag na pulang mga tarangkahan ng syudad ng Tang Capital. Ang mga tarangkahan, na nakaranas ng hindi mabilang na mga bagyo sa nakalipas na daang taon, ay tila tumititig pabalik sa kanya, sa pag-asam ng makasaysayang sandali na ito. Basta't tanggapin niya ang bagay na iyon, siya ay ganap na magiging makapangyarihan sa loob ng isang-kapat ng mundong ito.

Sa sandaling iyon, tila nakita niya muli ang pares ng mga matang iyon, sa tatak nitong malamig na tingin sa panlabas, ngunit may simbuyo ng damdamin sa loob. Ang kanyang mukha ay makisig habang inihahayag: Pakatandaan na maghintay para sa akin! Tandaan! Hintayin mo ako!

Ang sirena upang ipahiwatig ang simula sa seremonya ng koronasyon ay biglang tumunog. Sa labas ng kabiserang Tang, isang nag-iisang pandigmang kabayo ang nakatayo sa pasukan ng tulay. Ang lantang dilaw na damo ng taglagas ay sumayaw sa hangin habang ang sikat ng araw ay pinatama ang gintong sinag nito sa tigang na lupain.

Siya ay nakabihis ng lila at ang kanyang buhok na maayos na nakasuklay. Siya ay makisig at may malalim na tingin sa kanyang mga mata. Isang bugso ng hangin ang umiihip sa kanya, na may ilang hangin na pumapasok sa kampanilyang isinabit niya sa may leeg niya, dahilan upang maglabas ito ng ilang malambot na salita.

"Tandaan mo, maghihintay ako para sa iyo."

Naghihintay ako para sayo... Naghihintay ako para sayo…

Ang kamaharlikahan ng lupain ay muling isinalarawan habang ang araw ay umakyat sa ibabaw ng mga patong ng ulap.

Boom! Isang tunog ang biglang umalingawngaw mula sa tarangkahan ng syudad sa timog, sanhi upang kahit ang templo ng mga ninuno ay mayanig.

Ang isang malaking ulap ng alikabok ang nagsimulang mabuo sa abot-tanaw sa may timog. Mas maraming mga sirena ang nagsimulang umalingawngaw habang maraming mga kabayo ang nagsimulang tumakbo tungo sa templo ng mga ninuno. Ang mga sundalo sa kabayo ay sumigaw, "Ang hari ng Jingan ay narito kasama ang kanyang mga sundalo! Si Heneral Xu Su ay pumabor sa kaaway! Ang hari ng Jingan ay narito kasama ang kanyang mga sundalo! Si Heneral Xu Su ay pumabor sa kaaway!"

Sa sandaling iyon, ang syudad ay nagkagulo. Ang mukha ng lahat ay nagsimulang malugmok. Tumayo si Sun Di sa ibaba ng plataporma habang nagsimulang mamutla ang kanyang mukha. Ang 70-taong-gulang na lalaki ay napaupo sa lupa habang ang selyo sa kanyang mga kamay ay nahulog sa baitang na puting jade, ibinibigay ang gintong kislap nito.

Marahang bumaba sa hagdan si Chu Qiao at tumayo sa harap ni Sun Di. Tumingin ito sa kanya na may malamig at natatakot na hitsura sa kanyang mga mata.

"Heneral Sun," Inilabas ni Chu Qiao ang isang letterhead na maraming mga pangalan ng mga opisyales na nakasulat dito. "Ito ang listahan ng mga opisyales na lihim na nakipagtulungan sa hari ng Jingan upang magrebelde. Mangyaring asikasuhin mo agad ito."

Nang sinabi ni Chu Qiao iyon, ang mga mukha ng ilang mga opisyales na naroroon sa pinangyarihan ay nagsimulang mamutla. Tinanggap ni Sun Di ang listahan at nagsususpetyang tinignan siya. Ngayon lang niya naintindihan ang babaeng nakatayo sa harap niya.

"Pangungunahan ko ang mga sundalo upang salubungin ang hari ng Jingan. Iiwan ko ang kaligtasan ng syudad na ito at ng emperador sa iyong mga kamay."

"Mayroon tayong kulang 150,000 sundalo sa syudad. Ang mga bilang ng kaaway…"

Ginambala siya ni Chu Qiao at sinabi, "Mayroon pa tayong Heneral Xu."

"Si Heneral Xu ay hindi..."

"Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito."

Si Sun Di ay lubos na nagulat. Tiningnan niya si Chu Qiao, na hinubad ang marangyang kasuotan ng hari, inilalantad ang pilak na patong ng baluti sa ilalim. Inalis niya ang mga aksesorya sa kanyang ulo, tinakpan ang kanyang ulo ng berdeng tela, at sumakay sa kabayong dinala sa kanya ni He Xiao. Pagkatapos, umalis siya tungo sa labas ng syudad kasama ang hukbo ng Xiuli.

Ang 150,000 sundalong nakatalaga sa labas at loob ng syudad ay naghihintay na sa kanya. Ang dalaga ay wala nang malamig at walang bahalang ekspresyon sa kanyang mukha. Nagbigay siya ng isang nagpapaangat ng moral, tulad ng isang phoenix na isilang muli mula sa abo. Hinawakan niya ang kanyang espada sa hangin habang pumunta siya sa paanan ng tarangkahan ng syudad, bago siya sumigaw, "Buksan ang tarangkahan!" Sa sandaling iyon, siya ay tulad ng magandang pagsikat ng araw na pumukaw ng mga luha sa mata ng mga tao.

Nanood si Sun Di habang ang tarangkahan ng syudad ay binuksan nang dahan-dahan. Ang libu-libong mga sundalo ay tumatakbo tungo sa labanan limang kilometro sa labas sa nakakatakot na bilis, nag-iiwan ng isang malaking landas ng alikabok.

Ang mga bayani ay ipinanganak sa gitna ng magulong panahon. Siya ang espada na gusto ng lahat.

Nang umihip ang hangin sa kanyang mga tainga, naalala niya ang mga huling salita ni Li Ce "Pagkatapos kong mamatay, ang korte ay magkakagulo. Ang magkakapatid na Zhan ay mga papel na tigre lang. Ang mga tunay na mga lobo ay ang mga nasa pamilya ng hari. Isang radikal na tao si Sun Di. Kung siya ay gagawa ng isang bagay na kahina-hinala, kumilos ayon sa plano at dalhin ang bagay na ibinigay ko sayo sa Hanshui. Pagkatapos ito makita ni Xu Su, susundin niya ang mga utos mo. Makikinig din sayo ang Wolf Army ni Tie You. Kung makukuha mo ang pagkakataon upang puksain ang mga espiya na ipinlanta ng mga panginoong may-lupa sa korte, ito ay tulad ng pagpatay sa dalawang ibong gamit ang isang bato. Para naman sa Zhuge na iyon, huwag niyang isipin na matalino siya sa lahat ng oras. Sa sandaling ikaw ay kasangkot, magiging isa siyang mangmang. Hindi mo siya kailangang paalalahanan. Hayaan mong pangunahan niya ang kanyang mga sundalo upang iligtas ka. Ang mga masasawi sa Tang ay mapapaliit, at maaari ko siyang galitin. Qiaoqiao, ikaw ay dumanas ng mahirap na buhay. Kung ikaw ay muling hahatakin pabalik dahil sa aking kamatayan, hindi ako mapapayapa kahit na mamatay ako. "

"Huwag mo akong biguin."

...

Nagsimulang maluha ang mata ni Chu Qiao. Pinatigas niya ang kanyang mga labi at pinalo muli ang kabayo. Ang dalawang hukbo ay nagsimula magpunumbuno sa labanan. Namuno si Xu Su sa unahang linya bilang ang magiting mandirigma na hawak ang isang higanteng espada sa kanyang kamay. Isang bandila ay nakabitin sa likod niya, sinasabi ang mga salita: Patayin ang mga rebelde, puksain ang mga opisyales namay maruming buhdi.

"Patayin!" Ang Wolf Army ay naglabas ng nakakabinging sigaw. Sa ilalim ng ginintuang kulay na lupain, ang unang buong salungatan simula noong koronasyon ng Emperador Yongjun ay sumiklab.

Sa ikawalong araw ng ika-sampung buwan ng kalendaryo ng Yongjun, ang pekeng seremonya ng koronasyon ay nagdulot sa mga hari ng Jingan, Duanqing, Huayang at Dagot upang magrebelde. Nagpadala sila ng 180,000 sundalo patungo sa Hanshui pass, kung saan ang kanilang mga kaalyado ay sumali sa kanila. Ang ilan sa kanila ay kasama si Fang Huaihai na ang bise-heneral sa kampo ng Jenji sa Shennan, Tian Rujia, ang admiral ng Kanlurang Hukbo ng Dianxi, si Liu Mubai, ang deputy commander ng Xizhao, si Zhu Jiong, isang heneral ng syudad ng Huai, at si Xu Su, ang general ng Hanshui. Magkasama, ang kanilang pwersa ay may kabuuang 400,000 habang sila ay nagwawala patungo sa kabisera. Nang malaman ng pinuno sa kabisera ang balita, binuksan niya ang tarangkahan sa timog at sinalubong ang kaaway.

Nang si Fang Huaihai, Tian Rujia, Liu Mubai, Zhu Jiong at Xu Su ay nakita ang simbolong dala niya, nagmadali sila patungo sa kanyang panig. Sama-sama, kasama si Chu Qiao, pinatay nila ang 30,000 mga kaaway at hinuli ng buhay ang natitira. Ang hari ng Jingan, si Zhou Yun, ay namatay sa ilalim ng espada ni Heneral Xu, sa taong 57.

Pagkalipas ng dalawang araw, isinabit ni Chu Qiao selyo ng hari sa may tarangkahan ng palasyo at lumuhod sa ilalim ng templo ng ninuno, nagmakaawa sa namayapang emperador na bawiin ang kanyang utos sa batayan na siya ay isang babae at hindi maaaring humawak ng lubos na kapangyarihan. Kinabukasan, ang emperador ng Yongjun ay inaprubahan ang utos at tinanggalan si Chu Qiao ng titulong Imperial Royal Concubine. Ginawa siya nitong isang dakilang panginoong may-lupa ng Tang, binigyan siya ng alyas na Xiuli, at pinagkalooban siya ng maraming mahahalagang regalo.

Nagsuot si Chu Qiao ng puting manto habang nakatayo siya sa harap ng tarangkahan ng palasyo. Habang papalubog ang araw, pinatama nito ang sinag sa kanya, binibigyan siya ng isang mapayapa at kalmadong awra na higit na naiiba mula sa kanyang awra kanina sa labanan.

Kakaalis lang ng karwahe ni Sun Di sa palasyo. Nang makita niya si Chu Qiao, tumigil ang kanyang karwahe. Marahan itong pumunta tungo sa kanya, hindi alam kung paano magsasalita. Matapos ang mahabang sandali, nakita na pinananatili niya ang kanyang masayang kilos, tumungo siya at sinabi, "Heneral Chu."

"Ang hukbo ng Xiuli ay nanirahan na sa Tang. Hindi na sila ang aking sariling hukbo. Sa paghahabilin ko sa kanila sayo, hindi na ako ang komander ng hukbong Xiuli. Huwag mo na ako tawaging 'heneral'," saad ni Chu Qiao sa malumanay na tinig.

Si Sun Di, na nasaksihan ang kanyang lakas, ay hindi na naglakas-loob na maliitin pa siya. Tumango siya at sumagot, "Tama ka, Heneral."

Ngumiti si Chu Qiao tapos ay nagpatuloy, "Maaari mong pakawalan ang mga taong tumututol sa aking koronasyon ng araw na iyon. Bata pa ang emperador. Magandang pukawin na ang mga puso ng mga tao ngayon. Hindi ko ibibigay ang utos na ito para sa kanya. Matapos kong umalis, huwag mong kalimutan iyong mga tapat na opisyales sa bilangguan."

Sumagot si Sun Di, "Tatandaan ko ang mahusay na mga salita ng Heneral."

"Heneral Sun, ang mga salitang iyon ay sinabi sayo ng Hari ng Xiuli sa Tang. Ngayon, ako, si Chu Qiao, ay may ilang mga salitang sabihin din sayo."

Napatigil si Sun Di tapos ay napatingin sa magandang mukha ng babae. Tumango siya at sumagot, "Mangyaring magsalita."

"Alam mo na ang babae ay hindi maaaring maluklok sa trono. Anuman, kahit na ako ang Imperial Concubine o ang namumuno sa Tang, hindi ito magkakaroon ng anumang epekto sa pampulitikang eksena ng Yan Bei at Xia. Sa sandaling ang panahon ay hinog na, hindi maiiwasan ang digmaan. Walang pribadong sa ilalim ng mesa na transaksyon ang makakaimpluwensya sa kinalabasan na ito. Sa kasalukuyan, ang mga pwersang sumasalungat ng Tang ay natanggal na, ngunit hindi ka maaaring maging kampante. Walang sinuman ang makakahula kung anong kalalabasan ng larong ito. Maaari lamang namin gawin ang ating makakaya upang umayon ang pabor sa atin, upang protektahan ang lipi ni Li Ce at ang Imperyo ng Tang."

Tumingin si Sun Di kay Chu Qiao habang siya ay napasimangot. Sinabi niya sa isang mabigat na tono, "Heneral Chu, bakit mo pinapahawak ang mga mahalagang bagay sa akin, kahit na nagbalak ako laban sayo?"

Ngumiti si Chu Qiao at walang bahalang sumagot. "Mayroong tatlong rason. Una, si Tie You ang may hawak sa hukbo ng Wolf at Jingji, habang si General Xu Su ay namamahala sa mga hukbo sa labas ng kabisera. Ang lahat ay mga tapat na opisyal. Ikaw ay isang opisyal na iskolar. Kahit na mayroon kang kapangyarihan pampulitika, hindi ka pinapahintulutang magpakilos ng mga hukbo. Hindi ka rin kasama sa maharlikang pamilya. Kahit na gusto mong magrebelde, wala kang nararapat na kapangyarihan upang magawa mo."

Habang ang papalubog na araw ay sumisinag sa mukha ni Chu Qiao, nagpatuloy siya, "Pangalawa, ang kabisera ng Tang ay kakadaan lang sa hindi mabilang na mga laban. Ang mga sibilyan ay nangangailangan ng oras upang magpahinga at muling magtayo. Sa pagbagsak ng mga hari ng Luo at Jingan, ang reputasyon ng pamilya ng hari ay umakyat ng maraming beses. Hindi ka pinapipitagan ng mga sibilyan, kaya hindi sila makikinig sa iyo."

"Ikatlo," ngumiti si Chu Qiao habang isang tusong ekspresyon ang dumaan mukha niya, "Nagtitiwala ako sayo."

Ang puso ni Sun Di ay lumaktaw panandalian. Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Chu Qiao sa narinig niya.

"Nagtitiwala ako sa iyo. Pinagkakatiwalaan ka rin ni Li Ce. Kahit na matindi ang iyong mga aksyon, ikaw ang pinaka-tapat na opisyal sa Tang. Bago namatay si Li Ce, sinabi niya na ikaw ang taong pinakaangkop para sa trabahong ito. Sumasang-ayon ako nang buong puso sa kanya."

Naglabas siya ng dalawang liham at iniabot ito kay Sun Di. "Ang mga liham na ito ay isinulat mismo ng ika-pitong prinsipe ng Xia, si Zhao Che, at ang hari ng Qinghai, si Zhuge Yue. Payag silang bumuo ng alyansa sa Tang. Mapapalakas ang posisyon mo ng dalawang pwersa na ito mula sa labas. Hindi mo na kailangan mag-alala tungkol sa pangloob na resistensya. Gagawin ko ang lahat upang suportahan ka. Nagtitiwala ako na palalakihin mo ang emperador na may kakayahan."

Nagsimulang manginig ang mga daliri ni Sun Di nang tinanggap niya ang dalawang sulat na iyon, kasama ang mabibigat na mga responsibilidad na nakapaloob dito. Lumuhod siya sa harapan ni Chu Qiao at sinabi, "Heneral, magtiwala ka. Ako, si Sun Di, ay nanunumpa na magiging tapat sa Tang. Kung may masamang mangyayari sa Tang, mamamatay ako upang pagbayaran ang aking mga kasalanan."

"Heneral Sun, tumigil ka sa mga pormalidad mo." Tinulungan siya ni Chu Qiao makatayo at taimtim na tiningnan. "Dahil kaibigan ka ni Li Ce, kaibigan rin kita. Kung pinagkakatiwalaan ka niya, pinagkakatiwalaan rin kita."

Nang lumubog ang araw, nakatayo si Sun Di sa ibabaw ng marilag na pader ng syudad habang si Chu Qiao ay inihatid palabas ng syudad ni He Xiao, Pingan, at ng iba pa. Isang mahabang anino ang nabuo sa ginintuang tigang na lupain habang ang dalaga ay tumatakbo pasulong sa kanyang kabayo, tulad ng isang agila na napalaya sa pagkabilanggo nito. Ang kanyang puting manto ay umunat sa likod niya habang nangangabayo siya.

Iyon ay isang agila. Walang sinuman ang makapuputol ng mga pakpak niya. Bukod sa sarili niya, walang sinuman ang makakapilit sa kanyang manatili.

Sa iglap na ito, naintindihan ni Sun Di kung bakit ang kanyang kaibigan ay tapat sa kanya nitong mga taon na ito. Ito ay talagang nakakamulat ng mga mata na ang ganitong karakter ay nabubuhay sa mundong ito. Tumingala siya at huminga ng malalim, tila nakikita ang masayang ekspresyon ng kanyang kaibigan habang sinasabi niya dito na may tawa, "Hulaan mo kung mayroon pang kolorete sa mukha ng ikatlong anak na babae ni Heneral Hu?"

Ang hangin ng taglagas ay patuloy na umiihip. Ito ay isang malamig na buwan, ngunit isang panahon ng maraming ani.

Next chapter