webnovel

Ang Patak ng Pawis na Iyon

Editor: LiberReverieGroup

Ang pagkabuhay nito ay nagpaparamdam sa kanya ng sobrang karumihan. Wala itong karapatan na mabuhay bilang anak ni Xia Wa…

"Huwag mong kalimutan ang kondisyon ko, kailangan kong mamatay siya," malamig na anunsiyo ni He Lan Yuan.

Bahagyang ngumiti ang lalaki. "Natural lamang, hindi namin nakakalimutan ang ating kontrata."

"Kung gayon, gawin mo ito ng mabilis, hindi ko na matagalan na malamang nabubuhay pa siya." Ang pananalita ni He Lan Yuan ay lalong lumamig. Hindi na talaga siya makakapaghintay na mamatay si Xinghe dahil ang pagkabuhay nito ay isang direktang pamamahiya sa kanya!

Sa wakas ay tapos na ang kumperensiya. Nang bumalik na sila sa backstage, ang lahat ay pumunta para purihin at batiin si Xinghe. Ang pagganap niya ng araw na iyon ay talagang napakahusay. Walang ibang magawa si Tong Liang kundi ang sumunod. "Miss Xia, binabati kita, mahusay ang ginawa mong trabaho kanina."

"Simula pa lamang ito," tinitigan at sinagot siya ni Xinghe. Ang sagot nito ay nakakalito. Bago pa maintindihan ni Tong Liang ang ibig nitong sabihin, umalis na si Xinghe. Habang pinapanood ang papalayo nitong likuran, sa ibang kadahilanan, nakaramdam ng kaba si Tong Liang.

Gayunpaman, hindi magtatagal ay matutupad na niya ang kanyang pangarap, at kapag nangyari iyon, kakailanganing yumuko sa kanya ni Xia Xinghe kahit na gaano pa ito makapangyarihan!

Hindi mapigilan ni Tong Liang na ngumiti ng may kayabangan, habang iniisip kung gaano na siya kalapit na matupad ang kanyang pangarap. Gayunpaman, ang ngiti nito ay biglang naging simangot nang maalala na mapapagaling na ang virus. Iba ito mula sa plano; hindi dapat ito agad na magagamot.

Hindi nagtagal ay umalis na si Tong Liang sa eksena, nagmamadali na makaisip ng solusyon.

Matapos na umalis ng grupo ni Xinghe sa kumperensya, nagmamadali silang sumugod sa ospital. Nakalikha na ng lunas si Lu Qi, pero kailangan niyang malaman kung nabigyan na ng bakuna si Mubai o hindi pa.

Habang daan, patuloy lamang sa pagpapaulan ng papuri si Sam at ang iba pa, pero walang anumang tumango lamang si Xinghe; nais lamang niyang marating ang ospital. Nang dumating na sila, halos lundagin ni Xinghe palabas ng kotse para hanapin si Mubai. Bago pa niya nasapit ang silid nito, nakita niya si Lu Qi.

Tila nabasa ni Lu QI ang isip niya at sinabi ng may malawak na ngiti, "Halos magaling na siya, pumasok ka na, nasa loob siya."

"Maraming salamat," seryosong pasasalamat sa kanya ni Xinghe.

Pagud na pagod na si Lu Qi, pero ang ngiti nito ay maliwanag pa din tulad ng dati. "Dapat nga kitang pasalamatan, dahil kung wala ka, hindi namin magagawang malikha ang lunas."

"Pero kung wala ka, ang lunas ay hindi agad magagawa," sabi ni Xinghe bago ito nagmamadaling pumasok sa sickbay.

Sa sandaling itinulak nito pabukas ang pinto, agad na sinalakay ang kanyang paningin at pang-amoy!

Ang hangin ay napupuno ng amoy ng mga disinfectant; nasaktan ang kanyang ilong. Nakatayo sa tabi ng kama si Mubai at nakatingin ng malayo sa kanya habang nag-aalis ito ng roba. Maingat nitong itinupi ang hospital gown, habang nalalantad ang ginintuan at kayumanggi nitong likuran.

Isang patak ng pawis ang namalisbis habang sinusundan nito ang back muscles nito; ang view ay kakaiba at nakakaakit na tila nag-uumapaw ang testosterone sa ere. Ang paningin ni Xinghe ay natuon sa isang patak ng pawis na iyon.

Tumigil siya sa pagkilos at napako sa kinatatayuan. Lumingon si Mubai nang marinig nito ang pagbukas ng pintuan. Ang makita siya ay nagpasiklab ng maiitim niyang mga mata ng may mariing pagsinta. Sinalubong ni Xinghe ang tingin nito, at ang utak niya ay tila nasobrahan sa napakaraming stimuli…

Nang makabawi siya, nasa anino na siya ng matangkad at gwapong lalaki. Kahit na hindi maliit si Xinghe, mas matangkad pa din si Mubai kaysa sa kanya; halos mas matangkad ng labing-isang pulgada kaysa sa kanya.

Ibinaba ng lalaki ang kanyang ulo at humilig; ang amoy ng kanyang pawis ay kumalat sa kanyang paligid, at sa kabiglaanan ni Xinghe, nakita niyang nagugustuhan niya ang amoy!

Next chapter