Sa isang magdamag, ang krimen ng Angel Orphanage ay nabunyag sa buong mundo. Kakikitaan ng sobrang galit ang mga tao nang makita nilang ikinulong ang bata sa kahon at inihagis sa van.
Mabilis na kumilos ang isang malaking grupo ng mga pulis at media. Agad din na sumali ang mga charity group na harangin ang van, gusto nilang iligtas ang bata. Siyempre, nakatanggap ng balita ang He Lan family sa umpisa pa lamang. Nagulat sila, wala silang kaalam-alam kung paano nabunyag ang kanilang sikreto. Agad na may tinawagan si He Lan Qi para maayos ito.
Nang malaman ng van driver na nabunyag na sila, natakot ito. Sinubukan niyang umikot at tumakas pero nalaman na agad ng mga pulis ang galaw niya; kahit saan niya subukang tumakas, mahahabol siya ng mga pulis. Isama pa ang mga harang sa daan, ang van driver ay tila isang nahuling langaw.
Kahit ang impluwensiya ni He Lan Chang ay hindi na mapipigilan pa ito. Walang nangahas para tumulong sa kanya. Alam ng lahat ang tungkol sa problema ng Angel Orphanage matapos na kumalat ang video. Hindi na nangahas pa na protektahan ng hayagan ng pulisya ang He Lan family, dahil, ang buong bansa ay nakatutok na sinusubaybayan ang kwentong ito!
Maliban na lamang kung gusto na nilang mamatay, walang nangahas na isangkot ang kanilang mga sarili. Kaya naman, wala nang magawa pa kundi manood na lamang ang He Lan family habang ang kotse ay pinatigil, ang mga pasahero doon ay hulihin, at ang bata sa likod ng kotse ay nadiskubre. Ang katotohanan na ang bata ay ikinulong sa isang kahon para dalhin ay masyadong kaduda-duda, kaya kahit ano pa ang palusot na gawin ng He Lan family, wala itong saysay.
Tulad na lamang ng Xi family sa Hwa Xia, mas matayog ang tindig ng isa, mas maraming tao ang nanaising bumagsak ka. Kaya naman, nang may bagay na nangyari na ganito na nagbabanta sa posisyon ng He Lan family, maraming nakatagong kalaban ang biglang nagsulputan!
Sa isang gabi lamang, ang balita tungkol sa He Lan family ay nagsulputan na tila mga kabute matapos ang ulan ng isang tagsibol. Maraming media outlet ang nagbabalita sa kanila, at ang internet ay maingay sa pagdidiskusyon tungkol sa misteryosong pamilya na ito.
Ang misteryosong tabing na nagprotekta sa He Lan family ng maraming dekada ay biglang kinuha, at sila ay nabunyag sa buong mundo. Marami ang nakaalam na ng tungkol sa He Lan family dahil dito.
Direkta silang natutok sa mga mata ng publiko, at mula noon, ang bawat isa sa kanilang mga galaw ay nasa ilalim na ng pagsusuri ng publiko. Hindi na nila mapapanatili ang kanilang pagiging low profile, at kailangan na nila ng doble ingat para hindi maipakita ang kanilang mga kahinaan kung hindi ay katapusan na nilang lahat.
Kaguluhan ang sumapit sa He Lan family na tila isang ipu-ipo, at ito ang eksaktong kagustuhan ni Xinghe.
Habang pinapanood ito, nasisiyahan ng husto si Ee Chen. "Miss Xia, ang ideya mo ay napakaganda, tingnan natin kung paano aayusin ni He Lan Chang ang kaguluhang ito!"
"Mabuti sana kung itatapon silang lahat ng mga pulis sa bilangguan; hindi sila nararapat na mamuhay kasama ng mga disenteng tao sa publiko!" Angil ni Ali sa pagitan ng nagtatangis na ngipin.
"Xinghe, humanap tayo ng paraan para wasakin sila!" Si Sam at ang iba pang mga lalaki ay sukdulan ang galit. Ito ay dahil nalaman nila na ang batang babae mula kagabi ay hindi patay. Sa madaling salita, pinaplano ng He Lan family na sunugin ng buhay ang batang babae na iyon!
Ang batang babae ay paralisado pero buhay pa siya. Pinaplano nila na i-cremate ito ng buhay, kaya paano naman hindi magagalit ang sinuman na may puso?
Nang makita nila ang balita noong umagang iyon, ang grupo ni Xinghe ay sukdulan na ang galit. Noong una, inisip nila na ang bata sa kahon ay patay na, pero ang totoo, buhay pa pala ito.