Kaya naman, naitalaga na niya si Ali at ang iba pa na magtago sa City A, at papunta na sila doon para makaharap sila. Matapos nilang magtipon, hihintayin nila ang Lin family na umatake. Gayunpaman, nagkamali ng kalkulasyon si Xinghe sa iisang tao, na si Tong Yan.
Hindi niya inaasahan na ang babae ay masyadong makulit at pupuntiryahin siya alang-alang sa Lin family. Isang maharlikang eredera pero tanga para gawin ang masamang gawain ng iba. Iyon ay… hindi inaasahan ni Xinghe…
Gayunpaman, malalaman ni Xinghe ang lahat ng ito sa hinaharap.
…
Nang maramdaman ni Xinghe na may mali, ang kotse ay matagal nang wala sa dapat na ruta.
"Ang kalsadang ito ay hindi patungo sa airport," sabi niya sa security guard na nasa kotse.
Sumagot ito sa seryosong tono, "Isa itong shortcut. Miss Xia, huwag kang mag-alala, ligtas ka naming dadalhin sa airport."
Nagduda na si Xinghe pero hindi niya ito isinatinig. Dahil ang mga ito ay tauhan ni Madam Presidente; wala itong dahilan para saktan siya. Gayunpaman, ang kotse ay palayo ng palayo patungo sa kabundukan…
Ang bahay ng presidente ay nasa ilang na lugar na, malayo sa siyudad pero kahit na sa itinagal-tagal, wala pa ding bakas ng tao sa paligid nila. Lalong tumindi ang pagdududa ni Xinghe, na may nangyayari nang hindi maganda.
Nang sinubukan niya na patagong magpadala ng isang SOS na mensahe, ay nakita siya ng isang bihasang security.
"Miss Xia, pinapayuhan kita na itabi ang iyong telepono. Huwag kang mag-alala, hindi ka namin sasaktan," sinabihan siya ng security ng may matalim na sulyap.
Hindi na nagulat pa si Xinghe at kalmadong nagtanong, "Ano ang pinaplano ninyong gawin?"
Ang security ay napahanga sa kalmadong reaksiyon ito. Talagang kakaiba ang babaeng ito.
"Mayroong gustong makausap ka, dadalhin ka lamang namin sa kanya."
"Sino siya?"
"Hindi magtatagal ay malalaman mo din."
Ang magagawa na lamang ni Xinghe ay manghula. Ito ay maaaring ang Lin family o si Tong Yan, dahil sila lamang ang may kapangyarihan para mautusan ang security. Gayunpaman, naging sorpresa para sa kanya na ang security sa bahay ng presidente ay nabibili…
Masyado siyang naging pabaya. Gayunpaman, hindi siya maaaring maupo na lamang doon at walang gawin na kahit ano!
Dalawang beses na mabilis na pinindot ni Xinghe ang kanyang telepono at ang triangulation software sa loob ay ipinadala ang signal ng kanyang telepono.
Inakala ng security na susuwayin nito ang kanyang paalala at tatawag pero nang makita nito na hinahawakan lamang niya ito, wala siyang ginawa.
Hindi nagtagal at dumating na ang kotse sa kanilang destinasyon. Maliban sa isa pang nakaparadang kotse, wala nang iba pang nandoon kundi kalikasan.
Tumigil ang security at sinabihan si Xinghe, "Miss Xia, maaari ka nang bumaba ngayon. Ang kotse na nandoon ay dadalhin ka sa airport."
Malamig na tiningnan ni Xinghe ang security. "Sa tingin mo ba ay makakarating ako sa airport ng buo?"
Nagulat ang security. "Sigurado."
"Pagbabayaran mo ng mahal ang katangahan mo." Sa sandaling sinabi ito ni Xinghe, ang pintuan ay hinila pabukas. Dalawang lalaking nakaitim ang kumaladkad kay Xinghe palabas ng kotse at itinakip ng mga ito ang kanilang mga palad sa bibig nito.
Nagulantang ang security; iba ito sa sinabi ng mga ito sa kanya!
Nagmamadali siyang lumabas para tulungan si Xinghe pero isa sa mga lalaki ang pumigil sa kanya at inihagis ang isang telepono. "Gusto kang kausapin ng boss; kung may mga tanong ka, direkta mo itong itanong sa kanya!"
Kinuha ng security ang telepono at ang nang-uuyam na tinig ni Tong Yan ang maririnig mula sa kabilang linya. "Kung pinahahalagahan mo pa ang buhay mo, ay susundin mo ng maayos ang mga utos ko. Tandaan mo, matapos na bumaba ni Xinghe mula sa iyong kotse, nawala na siya sa iyong paningin at wala kang alam kung saan ito nagpunta. Gayunpaman, nakita mo siyang pumasok sa isang kotse na hindi mo makilala."