webnovel

Gustung-gusto na Masampal Mo

Editor: LiberReverieGroup

Nagmamalaking ngumiti si Xia Zhi. "Ito ang lubos na ikinararangal ng buhay ko. Ate, salamat sa pagiging parte ng buhay ko."

Tumingin si Xinghe sa nakangiting mukha nito pero wala siyang sinabi. Sinalubong ni Xia Zhi ang kanyang titig at napabuntung-hininga. "Sa panahong ito noong nakaraang taon, ay nahihirapan pa tayo sa buhay. Hindi ko talaga naisip na maraming bagay ang magbabago sa loob ng isang taon. Ate, ang lahat ng ito ay salamat sa iyo. Nagawa mong mapabilib ang lahat at inilagay mo sa lugar ang mga taong nangahas na tayo ay apihin at hamakin. Nasampal mo na ang lahat ng gumawa ng kamalian sa atin…"

Humingi ng tawad si Xinghe. "Kung mas maaga ko lamang nabawi ang mga alaala ko, hindi sana kayo naghirap ng husto ni tiyo."

"Ayos lamang iyon, ang lahat naman ay sapat na sa bandang huli. Masaya na ako na maayos na ang mga bagay sa ngayon. Ate, ikaw naman, masaya ka ba?"

Tumango si Xinghe. Ang tanging bagay na hinihiling niya sa mundo ay ang maging masaya ang mga taong mahalaga sa kanya, wala na siyang hinihiling pa bukod doon.

"Ate, mauna na muna ako," sabi ni Xia Zhi nang matanawan si Mubai na palapit. Tumayo na siya at umalis, binigyan sila ng pagkakataong magkasarilinan. Naglakad si Mubai ng may ngiti at siya ang naupo sa lugar na binakante ni Xia Zhi.

"Tama ang kapatid mo; nasampal mo nga ang lahat nang nangahas na kalabanin ka," sinabi niya ng may pilyong ngiti habang nauupo siya.

Mahinang sinabi ni Xinghe, "Ang totoo, hindi naman iyon ang intensiyon ko sa simula."

"Alam ko, walang gustong lumigid para magsimula ng gulo ng walang dahilan, pero hindi maikakaila na napahanga mo ang lahat." Ang pares ng mapagmahal na mga mata ni Mubai ay nakatuon sa kanya. Ang kasiyahan niya ay abot-langit dahil sa wakas ay tanggap na ito ng kanyang pamilya.

"Nasampal mo din ako," dagdag niya ng may ngisi.

Itinaas ni Xinghe ang kanyang kilay. Kinuha ni Mubai ang kanyang kamay at pilyong sinabi, "Pero ayos lamang sa akin iyon, kahit na sampalin mo ako hanggang sa mamatay, balewala lang sa akin."

"Gusto mong masampal ng husto?" Sadyang tinanong ni Xinghe.

Tumango si Mubai. "Kung ikaw lang ba ang sasampal dahil gusto ko ang lahat ng ginagawa mo."

"Ang totoo, sa tingin ko ay hindi pa kita nasasampal."

Naghiganti siya laban sa lahat ng nanakit sa kanya at sa pamilya niya maliban dito. Ito ay dahil alam niyang ang parte nito ay hindi sinasadya, at, dahil sa mga bagay na nangyari sa kanilang relasyon, ay may responsibilidad din siya doon.

Pilyong ngumisi si Mubai. "Bakit hindi mo ito gawin ngayon?"

Matapos nito ay hinablot nito ang kanyang kamay at sinampal ang sarili nitong mukha. Binawi agad ni Xinghe ang kanyang kamay. "Itigil mo na ang kalokohan mo."

"Seryoso ako." Tumingin si Mubai sa mga mata nito. "Itigil mo na kung kinasusuklaman mo ako."

"Hindi kita kinasusuklaman."

"Ang ibig sabihin ba nito ay gusto mo ako?"

"..."

Nagkaroon ng sariling opinyon si Mubai. "Sige, ngayon alam ko na gusto mo na ako."

Kung kailan naman sasagot na si Xinghe, idinagdag nito na, "Pero mahal kita!"

Nalunok ni Xinghe ang mga salitang sasabihin niya. Matiim na tumingin si Mubai sa kanyang mga mata at mabagal na inulit, "Xia Xinghe, mahal kita, ikaw lamang ang mamahalin ko."

"..." Pwede bang iba naman ang pag-usapan natin?

Alam niyang hindi siya kumportable sa ganoong klase ng sitwasyon.

Salamat na lamang at bihasa na si Xinghe sa pagbabago ng paksa, "Oo nga pala, may nautusan ka na ba na suriin ang relasyon sa pagitan nina Saohuang at Lin Yun?"

Marahang tumawa si Mubai, alam niyang umiiwas na ito. Hindi na niya pinilit pa ito ngunit tumango na lamang at sinabi, "Natural. Hindi lamang iyon, kailangan din naming tingnan ang pamilya ng mga Lin. Ang kanilang ugali tungo sa Xi family ay kahina-hinala."

"Sinusubukan nilang ibagsak ang Xi family?" Direktang tanong ni Xinghe.

Itinigil ni Mubai ang kanyang kasiyahan at seryosong tumango. "Iyon ang tingin ko."

Naningkit ang mga mata ni Xinghe.

Next chapter