webnovel

Nakita ang Pangalan Mo

Editor: LiberReverieGroup

"Tatratuhin ka ng militar ng maayos."

"Sa hinaharap, maaari ka pang maging kasapi ng pinakamataas na kumite ng bansa," buong tiwalang sambit ng isa. Mula sa kanilang pananaw, may kakayahan si Xinghe na mabilang dito. Kaya naman, kapag nanatili siya, ang hinaharap niya ay magiging maganda. Naiintindihan ni Xinghe ang kabutihan ng mga ito pero hindi talaga siya nabibilang dito…

Sa sandaling iyon na napupuspos siya ng sigasig ng mga tao, pumasok si Munan sa silid na may kasamang ilang tao.

"Pakiusap sumunod ka sa akin, may nangyari," seryosong sabi niya kay Xinghe. Nakita niya ang kaseryosohan sa mga mata nito at naging malakas ang tibog ng kanyang puso dahil sa masamang pangitain.

"Okay."

Umalis siya ng hindi nagtatanong. Sa sandaling umalis sila, nagsimula nang mag-muni-muni ang mga tao sa silid.

"Ano kaya ang nangyari, mukhang hindi ito maganda?"

"May masama kayang nangyari?"

"Sino kaya ang nakakaalam…" mahinang sambit ni Shu Mei ngunit kakikitaan ang tono niya ng kasiyahan. Nagdarasal siya na sana ay may masama talagang nangyari kay Xinghe!

"Ano iyon?" Tanong ni Xinghe kay Munan nang makaalis na sila sa tech building.

Nagsalita si Munan sa pagitan ng mga nagtatangis na ngipin, "Masama ang nangyari! Big Sister Xia, kailangan mong ihanda ang iyong sarili dahil sa malaking problema ngayong oras na ito."

"Ano'ng nangyari?"

Tumigil si Munan at tinitigan siya habang nagsasalita, "Kahapon nakahuli ang mga pulis ng isa pang kaso ng mga ninakaw na armas militar pero sa secret file ng isang pinuno, nakita nila… ang pangalan mo."

Nanlaki ang mga mata ni Xinghe sa pagkabigla. "Ang pangalan ko?"

"Oo! Ang sikretong file na iyon ay may listahan ng mga internal staff at kasama ka doon. Siyempre, alam ko na wala kang kinalaman doon pero ang pangalan mo ay talagang naroroon."

"Nasaan na ang pinuno ngayon?" Tanong ni Xinghe matapos niyang kumalma.

"Patay na, napatay siya ng tama ng baril sa ulo habang may operasyon."

"Ibig sabihin nito ay walang saksi."

Naliwanagan si Munan. "Tama iyon, sa tingin mo ba ay isa itong set up?"

"Malamang at gawa ito ni Feng Saohuang." Naningkit ang mga mata ni Xinghe. "Ang internal security ng grupo ay napakaayos ng pagkakagawa kaya ang tanging tao na makakapagpatunay ng listahan na iyon ay ang pinunong patay na. Sa madaling salita, ang suspetsa laban sa akin ay hindi agad maaalis ng basta-basta."

"F*ck!" Galit na mura ni Munan, "Ano ba ang gustong palabasin ng Feng Saohuang na ito? Bakit ba ikaw ang pinupuntirya niya? Ako ang kalaban niya, bakit hindi niya inilagay ang pangalan ko?"

"Hindi iyan gagana," sinubukan ni Xinghe na manghula, "Ang pinuno ay walang alam sa katauhan din ni Saohuang. Kung inilagay niya ang pangalan mo, maaaring magduda ang pinuno pero ang pangalan ng isang sibilyang tulad ko ay hindi magtataas ng kahit kaninong kilay."

"Ano ang punto ng pag-frame sa iyo?"

"May kaugnayan ako sa Xi family."

Natigilan si Munan. Tama nga siya. Si Xinghe ay halatang may kinalaman sa Xi family at siya ay nasa militar dahil sa impluwensiya ng Xi family. Kung may mangyayari sa kanya, ang Xi family ay madadamay din dahil dito.

Ngayon ay isang kritikal na panahon, kung may nangyari sa Xi family, ay mawawala sa kanya ang pagkakataon na maging pinuno ng Flying Dragon Unit. Ang pakana ni Saohuang ay tumama sa dalawang ibon gamit ang iisang bato.

Maiaalis niya si Xinghe at maidadamay ang Xi family…

Ginawa niya ang lahat ng ito ng pailalim. Punung-puno ang puso ni Munan ng galit dahil sa kasuklam-suklam na ginawa ni Feng Saohuang. Handa na siyang sumugod sa kampo nito para patayin ito!

Next chapter