webnovel

Pwede Mo bang Tulungan si Munan?

Editor: LiberReverieGroup

Sinabi ni Lin Lin kay Xinghe ang lahat, wala siyang itinagong impormasyon.

"Mommy, pakiramdam ko ay ang hina ko dahil hindi ko alam kung paano tutulungan ang lahat kahit na gusto ko," walang magawang sabi ni Lin Lin kay Xinghe. "Isa pa, wala si Daddy sa bahay ngayon. Masyado siguro itong mahirap para kay second Uncle para harapin mag-isa."

Kinunsola siya ni Xinghe. "Ang totoo, wala naman ang hindi nahihirapan pero siguradong makakaya nila itong lampasan, kaya huwag kang masyadong mag-alala."

"Pero ang sabi ni great grandfather, hindi dapat matalo si second uncle kung hindi ay makakaapekto ito sa kanyang kinabukasan."

"Hindi matatalo ang iyong second uncle, magtatagumpay siya," positibong sinabi ni Xinghe.

"Talaga?"

"Siyempre, kailangan mong magtiwala sa kanya. Kailangan mong magtiwala na ang Xi family ay hindi madaling matatalo."

Ngumiti si Lin Lin. "Mommy, siyempre ay tama ka…"

Gumaan na ang pakiramdam ni Lin Lin matapos makipag-usap kay Xinghe. Nagkuwentuhan pa sila ng mahaba-haba bago ibinaba ang tawag.

Ibinaba ni Xinghe ang kanyang telepono at nagsimulang mag-isip. Ang mga isipin niya ay nagambala ng tawag ni Mubai. Tulad ni Lin Lin, araw-araw ding tumatawag sa kanya si Mubai.

Nasa ibang bansa pa si Mubai. Ang armadong organisasyon ay mas mailap pa kaysa sa inaasahan niya. Sinusubukan pa din niyang matunton ang mga ito. Nakakaharap pa ng ilang paglaban si Mubai dahil wala siya sa Hwa Xia. Ang Xi family, kahit na maimpluwensiya, ay hindi kasing-impluwensiya sa ibang bansa hindi tulad sa loob ng Hwa Xia. Gayunpaman, matapos na gumastos ng maraming pera at manpower, nagawa pa din ni Mubai na makakalap ng ilang impormasyon tungkol sa misteryosong grupo na ito.

Siyempre, hindi na hinayaan pa ni Mubai na pasanin ni Xinghe ang mga isyung ito. Sa kahit na anong kaso, para kay Mubai, ang mga isyung malulutas gamit ang pera ay hindi isyu.

"Narinig ko kay Lin Lin na hindi maayos ang lahat kay Munan, tama ba iyon?" Tanong ni Xinghe kay Mubai.

"Tama iyon, ang mga bagay ay may kaunting lubak. Ang totoo, iyon sana ang gusto kong ipakiusap sa iyo ngayon. Umaasa ako na kung pupwede ay tulungan mo si Munan," diretsang sinabi ni Mubai sa kanya ito.

Gumanti ng tanong si Xinghe, "Sa ano'ng paraan?"

Ang tono niya ay nagpapakita na pumapayag siyang tumulong.

Ngumiti si Mubai at sinabi, "Natatalo tayo sa computer science front. Hanapin mo si Munan at siya na ang bahalang magsabi sa iyo ng mga detalye. Maaaring maging walang punto ito dahil mahirap para sa ating mga sibilyan ang ma-involve sa mga military affair. Siyempre, hindi ko ididiin ito sa iyo kung mangyari ito, ginawa mo naman ang lahat ng magagawa mo."

"Sige, susubukan ko ito."

"Salaman," magiliw na sinabi sa kanya ni Mubai, "Sa ordinaryong pagkakataon, hindi kita iistorbohin, pero kailangan talaga ni Munan ang tulong mo."

"Ayos lamang iyon, kailangan kong mag-ambag ng aking bahagi." Matapat na sabi ni Xinghe. Isa pa, hindi naman siya ang gagawa ng mga mabigat na gawain. Ang tanging magagawa niya ay tumulong sa may kinalaman sa computer stuff, ang tunay na delikadong parte ay isasagawa pa din ni Mubai at Munan.

Ang pananaw ni Xinghe ay nagbago. Naiintindihan na niya hindi niya kakayaning harapin ang mundo ng sarili niya. Along the way, napagtanto niya na ang tulong ni Mubai ay naging instrumental sa pagtulong na magapi niya ang ilang kaaway. Kailangan nila ang tulong ng isa't isa at hindi naman mayabang si Xinghe para isipin na magagawa niya ang lahat ng sarili niya.

"Kung ganoon, ingatan mo ang sarili mo."

"Alam ko."

"Sige, hindi na kita iistorbohin pa. Tawagan mo ako kung may kailangan kang kahit ano," may alinlangang sabi ni Mubai.

"Mag-iingat ka din," ang mga salitang ito ay dumulas palabas ng bibig ni Xinghe. Maski siya ay nagulat sa sarili. Sa kabilang linya naman ng telepono ay pilyong nakangiti si Mubai.

Isa si Xinghe sa mga taong mabilis kumilos. Matapos niyang ibaba ang telepono, itinigil niya ang pananaliksik at agad na hinanap si Munan.

Sa utos ni Mubai, mabilis na nakipagkita si Munan kay Xinghe at ipinaliwanag sa kanya ang lahat.

Next chapter