webnovel

Ang Ikaapat Na Regalo

Editor: LiberReverieGroup

Ang ilang malalakas na bodyguard ay halos hindi siya mapigilan.

Hindi pa sila nakakakita ng isang nababaliw na babaeng tulad nito.

Ang kabaliwan sa mga mata nito ay parang ipu-ipo, walang katapusan at malalim. Kumikilos siya na tulad ng isang taong tuluyan ng nawala sa tamang kaisipan.

Nang tumingin sina Mubai at Xinghe sa kanya, hindi maipinta ang pagkagulat at hindi mapaniwalaang itsura sa kanilang mga mukha.

"So, baliw talaga siya," pagtatapos ni Xinghe.

Hindi makapagsalita si Mubai. Hindi niya napagtanto na si Tianxin ay isang taong mapanganib.

Gayunpaman, doon nagtatapos ang pag-aalala niya kay Tianxin. Mas nag-aalala siya tungkol sa isang tao.

"Ano ang pakiramdam mo? Nasaktan ka ba?" Mabilis na tanong niya kay Xinghe habang sinusuri niya ang katawan nito kung may pinsala.

"Ayos lang ako," kalmadong sagot ni Xinghe at matapos ang ilang segundo ay nagtanong, "Nasaktan ka ba?"

Ito ang unang pagkakataon na nagpakita ng pag-aalala si Xinghe sa kanya.

Kumurba ang mga labi ni Mubai para sa isang pilyong ngiti. "Salamat, ayos lang ako."

"Mabuti kung ganoon." Itinulak ni Xinghe ang sarili at kinaladkad ang sugatang hita habang paika-ika siyang pumunta kay Tianxin.

Lumapit agad si Mubai para alalayan siya. Lahat ng ito ay natural na lamang para sa kanya.

Sa wakas ay tumigil na sila sa harapan ni Tianxin.

Biglang natigilan si Tianxin na parang bangkay sa kabaong.

Itinaas nito ang leeg at ang kanyang mabalasik na tingin ay napako sa kanilang dalawa bago ito tumigil sa mukha ni Xinghe.

Nabasa ni Xinghe ang kagustuhang pumatay sa mga mata nito. Gusto talaga siyang patayin ni Chu Tianxin.

Naku, hindi na niya ito magagawa pa dahil natalo na siya.

"Chu Tianxin, magaling ang ginawa mo," binuksan ni Xinghe ang kanyang bibig para magsalita, "Hindi mo ako binigo."

Tulad ng sinabi niya kanina, walang pruweba si Xinghe para idiin siya, pero ngayon ay mayroon na. Hindi ito mangyayari kung hindi madaling galitin si Tianxin, like mother like daughter ika nga.

Ang tangkang pagpatay gamit ang isang baril na may bala ay siguradong magdadala sa kanya sa kulungan.

Doon napagtanto ni Tianxin na nahulog siya sa isang patibong, at galit itong sumigaw, "Xia Xinghe, ang kabiguan kong mapatay ka ang pinagsisisihan ko ng malaki sa buong buhay ko! Hangga't nabubuhay ako, isang araw ay babalik ako para patayin ka!"

"Mabuti dahil sisiguraduhin ko na mapanatili kang nabubuhay," sabi ni Xinghe ng may ngiting walang bahid ng awa, "Dahil iyon ang ikaapat na regalong ibibigay ko sa iyo, ang regalo ng pagkabuhay! Sisiguraduhin ko na magiging impyerno ang buhay mo sa mundo hanggang sa huling hininga mo!"

Nanlaki ang mga mata ni Tianxin at makikita ang takot doon.

Hindi dahil kay Xinghe kundi para sa kanyang kinabukasan.

Ang pagkakakulong ay naghihintay sa kanya at ang buhay niya bilang prinsesa ng Chu Family ay tapos na…

"Oo nga pala, ipinaalala mo sa akin ang isang dating kaibigan na si Chui Ming, alam mo ba kung ano ang sinabi niya?" Mahinang tanong ni Xinghe, ang tono niya ay kasing lamig ng libingan, "Sinabi niya sa akin na sana ay pinatay ko na lamang siya noong may pagkakataon pa. Sino makakapagsabi, baka marinig ko iyon mula sa iyo makalipas ang ilang buwan."

"Xia Xinghe, you b*tch, bumalik ka dito at hayaan mong patayin kita!" Nagsimula ng magpupumiglas si Tianxin muli ngunit wala na siyang magawa laban sa pagpipigil ng mga bodyguard sa kanya.

"Mubai!" Biglang tingin ni Tianxin kay Mubai na akala mo ay nakakuha ito ng magsasalba sa kaniya at nagsimula siyang umiyak. "Patawarin mo na ako, pakiusap iligtas mo ako. Mubai, ginawa ko ang lahat ng ito dahil mahal kita. Mubai, mahal na mahal talaga kita, lahat ng mayroon ako ay dahil sa iyo, ikaw ang dahilan kung bakit ginawa ko ang lahat ng iyon…"

Kumunot ang noo ni Mubai sa pandidiri bago nag-utos, "Ibigay na siya sa mga pulis."

"Yes, sir!" Hinila na siya ng mga bodyguards palayo, kung saan, hindi tumigil si Tianxin sa pagmamakaawa at paghingi ng tulong, pero kahit ano ang sabihin niya, hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Mubai.

Ang totoo, nagulat pa din siya sa kabilang katauhan ng kanyang dating kasintahan.

Mabilis na nakuha ng mga pulis si Tianxin.

Matagal ng dumating ang mga pulis at naghihintay sila sa labas.

Hindi na sila nagtanong kung ano ang nangyari sa loob ng bahay. Ang tanging kailangan nila ay ang ebidensiya ng krimen ng mga Chu family bago nila dinala palayo ang pamilya ng mga kriminal…

Next chapter