webnovel

Umalis Sa Lugar Na Ito. (Pagtatapos ng Artificial Limb Arc)

Editor: LiberReverieGroup

Lumubog na ang araw ng umalis si Xinghe sa ospital.

Nasa tabi niya si Xia Zhi, inaalala ang lahat ng nangyari ng araw na iyon.

Hindi lamang nakumpleto ng ate niya ang artifical human limb, pero ibinunyag din niya si Ruobing, nasampal ito ng kaliwa't kanan, at nakuha ang tiwala at paghanga ng buong Xi Family…

Ang Xi Family na noon ay nanghamak sa kanya ay sa wakas inaprubahan at tinanggap siya.

Na sobra nga kaya gusto nilang pakasalan ulit ni Xinghe si Xi Mubai!

Sino ang mag-aakala na maraming pupwedeng mangyari sa isang araw?

Nagkakaproblema pa ding iniintindi ni Xia Zhi ang mga nangyari.

"Ate, hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari ngayon. Masyado kang mahusay!" Komento ni Xia Zhi habang nagmamaneho sila pauwi, "Nagawa mo pang mapaluhod ang buong Xi Family sa kakayahan mo."

Habang mas tumatagal niyang iniisip ito, mas nagiging masaya siya.

"Ngayong alam na nila ang kakayahan mo, tingnan natin kung sino ang mangangahas na hamakin ka ngayon! Ate, dapat ay hindi ka agad na papayag na makipagbalikan doon sa Xi Mubai na iyon. Kailangang ipakita nila ang sinseridad bago mo ikunsidera at piliin iyon."

"Hindi ako magpapakasal ulit," mahinang sagot ni Xinghe.

Bahagyang nagulat si Xia Zhi bago tumango ng may pagsang-ayon. "Mabuti na hindi ka na magpakasal ulit. Maghanap ka ng mas mabuti, mas mabuti kaysa doon kay XI Mubai!"

"Hindi na din ako mag-aasawa."

"Ano?" Napatingin sa pagkagulat si Xia Zhi sa kanya. "Ate, paanong hindi ka magpapakasal? Ate, kailangan mo ng pagmamahal sa buhay mo. Hindi ko matatanggap na makita kang nag-iisa balang araw."

"Zhi, sumama ka sa akin sa ibang bansa." Biglang sinabi ni Xinghe.

"Sa ibang bansa, bakit?" Nasorpresa din si Xia Zhi.

"Para makalayo mula dito."

Si Xia Zhi na ang pumuno ng mga patlang.

Maraming pinagdaanang pagdurusa ang ate niya sa Hwa Xia. Nakaligtas siya sa mga pagtatangka sa buhay niya, marami pang sama ng loob, at dito namatay ang tatay niya. Ang tanging dahilan kung bakit siya nanatili ay para ipaglaban si Lin Lin. Ngayon na nagawa na niya ito, hindi na kataka-taka na gusto niyang magsimulang muli sa isang bagong kapaligiran.

Ang lugar na ito ay maaaring nagpapaalala sa kanya ng malungkot niyang nakaraan.

"Ate, seryoso ka ba dito?" Tanong ni Xia Zhi para makasigurado.

Tumango si Xinghe, "Oo, pagkatapos kong makuha si Lin Lin, lilipad ako papunta sa ibang bansa. Buo na ang isip ko."

"Okay, makakaasa kang susunod kami sa iyo!" Tinanggap ni Xia Zhi ang alok ng walang atubili o kahit ano pang tanong.

Naantig ang damdamin ni Xinghe. "Salamat."

Nakasimangot na sumagot si Xia Zhi. "Ate, pamilya tayo, bakit nagpapasalamat ka pa sa akin? Pinaparamdam mo naman na estranghero ako ng bigla."

Sa wakas ay ngumiti si Xinghe. "Tama ka, pamilya tayo. Ang totoo niyan, masuwerte ako na maging kapamilya kayong dalawa ni uncle."

Alas, hindi na niya masasamahan ang mga ito ng matagal.

Kung posible sana, gugustuhin pa niyang gugulin ang buhay niya na kasama ang pamilya niya, pero… iba ang itinakda ng tadhana.

Nang nakagawa na ng desisyon, nagsimula ng maghanda si Xinghe sa oras na kakarating sila sa bahay.

Ang kumpanya ay maiiwan kay Xiao Mo para pamahalaan.

Hindi na makikialam pa si Xinghe kahit na anong direksiyon nito gustong dalhin ang kumpanya.

Marami na siyang pera kaya naman madali na lamang ang umalis ng bansa. Kaunting pag-eempake na lamang at handa na siyang umalis.

Hindi na makapaghintay pa si Chengwu na makaalis ng bansa kasama siya noong tinanong nila ito.

Hiniling ni Xinghe na itago itong sikreto at sumang-ayon naman sina Chengwu at Xia Zhi.

Ngayon, kailangan na lamang niyang hintayin na maikabit kay Old Madam Xi ang artipisyal na braso at malaya na niyang makukuha si Lin Lin. Pagkatapos noon, oras na para umalis.

Ang operasyon ay nakatakda sa loob ng tatlong araw.

Hindi na makapaghintay si Xinghe na umalis.

Maliban sa kanyang malalapit na kapamilya, wala ng iba pang nakakaalam ng kanyang plano.

Next chapter