Magsisimula lamang ang buhay nila pagkatapos ng kamatayan ni Xinghe.
Walang ibang dahilan para isakripisyon nila ang sarili nilang kaligayahan para lamang hayaang mabuhay si Xinghe kaya kailangang mamatay ni Xia Xinghe; wala ng iba pang pagpipilian!
Kahit na ang may kaunting sira sa ulo na si Yun Ruobing ay ganito ang naisip, paano pa kaya ang tunay na sira ang ulo…
Gayunpaman, nanatili sa bahay si Xinghe sa mga sumunod na araw, at hindi nagbigay sa kanila ng pagkakataon na makagawa ng masamang balak sa kanya.
Syempre, ang ibig sabihin nito ay hindi din siya nagpunta sa lab.
Hindi masasabi na ayaw ni Ruobing na wala ito. Nagbigay ito ng oras sa kanya para mapako ang pansin sa pagtapos ng gawa sa artificial limb.
Inialis ni Ruobing si Xinghe sa kanyang isip habang sa lab na siya nakatira kasama ang kanyang grupo ng mga inhinyero para madaliin ang paggawa.
Sa panahon ng prosesong iyon, may malinaw ng larawan si Ruobing kung gaano kahusay ang abilidad ni Xinghe.
Ang mga pamamaraan ni Xinghe ay masasabing makikita sa hinaharap. Ang disenyo niya ay 50 taon ang layo sa kasalukuyang teknolohiya.
Sa kasalukuyang lipunan, ang dekada ng diperensiya sa teknolohiya lamang ay malaki na ang agwat lalo na kung hindi bababa sa lima.
Ipinapakita lamang nito kung gaano kahanga-hanga ang husay ni Xinghe.
Tanging panahon na lamang ang makakapagsabi bago niya mapaluhod sa kanyang harapan ang buong mundo.
Kayamanan, kapangyarihan, at impluwensiya ang naghihintay sa kanya sa hinaharap.
Napuno ng selos at inggit si Ruobing nang makita niya ang kanyang kahinaan. Natalo ng selos ang kanyang katinuan at napuno siya ng galit.
Sumumpa siya na personal niyang tatapusin si Xia Xinghe kung sakaling hindi ito magawa ni Chu Tianxin para sa kanya!
Kailangan niyang durugin si Xia Xinghe bago pa ito makaipon ng lakas.
Ang patent para sa artificial limb design ay mapapasakanya matapos mapatay ang tunay na may likha.
Ang patent na ito ang susi ni Ruobing para sa isang magandang kinabukasan. Nagawa ng pumatay ng mga tao para sa mas maliliit na bagay. Tulad na lamang ng 'kaibigan' niya, si Chu Tianxin ay handang pumatay para sa pagkakataon sa isang lalaki. Ngumiti si Ruobing sa kasimplehan at kakitiran ng utak nito.
Gayunpaman, ang pares ng magkaibigan na ito ay may pagkakatulad tanggapin man ito ni Ruobing o hindi.
Alam ni Ruobing na ang kailangan niyang pagtuuan ng pansin ngayon ay ang paggawa ng artipisyal na braso. Ito ang pinakaimportanteng kailangang gawin.
…
Dahil sa pagmamadali ni Ruobing, ang progreso ng artipisyal na braso ay mabilis na nagagawa.
Salamat din ito sa mga pinakabagong kagamitan na nagagamit nila sa lab at ang malaking numero ng mga empleyado na ibinigay kay Ruobing.
Sa realidad, nagpakadalubhasa sila sa mga teknolohiya bago pa man nakawin ni Ruobing ang disenyo. Iilan lamang mga importantend detalye ang hindi nila naintindihan.
Sa tulong ni Xinghe, ang ilang nananatiling kakulangan sa kanilang disenyo ay napunan. Kailangan na lamang nilang sundin ang mga direksyon sa disenyo at ang produkto ay magiging handa na sa loob ng isang linggo!
Dahil sa ang tagumpay ay malapit na niyang mapasakamay, halos hindi na mapigilan pa ni Ruobing ang kanyang kasiyahan.
Maliban kay Mubai, ang buong Xi Family ay punung-puno ng kagalakan habang hinihintay ang magandang balita mula kay Ruobing.
Abot hanggang tainga ang ngiti ni Lolo Xi araw-araw.
Sa tagumpay ng artipisyal na braso, maaari nang kalimutan ng kanyang dating asawa ang kanilang away at babalik na sila sa buhay nila na masayang nagsasama bilang mag-asawa.
Ang ospital ay handa na din. Sa oras na matapos ang produkto, tutulong silang mailagay ito kay Old Madame Xi.
Ang panalo ni Ruobing, sa kahulugan ng salita, ay isang siguradong tagumpay.
Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay dumating si Xinghe sa lab na kasama si Xia Zhi.
Natural lamang na pumunta si Ruobing para salubungin siya, para ipamukha kay Xinghe ang kanyang tagumpay.
Ang pag-aalala niya tungkol kay Xinghe na matapos ang disenyo bago sa kanya ay matagal ng nawala.
Ang panalo ay kanya na. Ilang pagsasaayos na lamang ang nalalabi bago matapos ang produkto at maipadala na ito sa ospital para kay Old Madam Xi.
Dahil kahit gaano pa kahusay si Xinghe, hindi posibleng matapos niya ang artipisyal na braso sa maiksing panahon lamang.