webnovel

Sa Tadtaran

Editor: LiberReverieGroup

Ito ang pinupuntirya ni Xinghe.

Gusto niyang malasap nito ang pakiramdam ng nagkasala, para hindi na nito pakasalan pa si Tianxin!

"Sinabi ko na ang mga bagay na gusto mong marinig. Pagod na akong habulin pa ang mga bagay na nangyari noon sa nakaraan. Ang tanging inaasam ko na lamang ay sa hinaharap, hayaan na ninyo ako na makita man lang ang anak ko ng mapayapa."

Matapos noon, sumakay na si Xinghe sa kotse nito at mabilis na umalis sa compound ng Xi Family.

Tinitiganni Mubai ang rumaragasa nitong kotse hanggang sa mabalot na ito ng mga anino, ang puso niya ay nababalot ng samut-saring emosyon.

"Mubai, maniniwala ka ba sa kanya?" Biglang tanong ng kanyang ina.

"Mubai, pakiusap huwag kang magalit kay Auntie. Lahat ng ito ay kasalanan ko kaya sa akin ka na lamang magalit." Pag-ako ni Tianxin, ginagampanan ang kanyang papel bilang mabuting manugang.

Tiningnan sila ng dalawang maiitim na mata ni Mubai. Pakiramdam niya ay ngayon pa lamang niya nakakatagpo ang mga ito.

Puno ng pangamba ang puso ni Tianxin sa ilalim ng malamig nitong tingin.

"Mubai, pakiusap huwag ka namang ganito…" pilit inabot ni Tianxin si Mubai pero lumayo ito sa kanila. Tumigil ito matapos ng ilang hakbang at inanunsyo ng hindi lumilingon, "Magpapareserba ako ng isang mesa sa restawran, ayain ninyo ang dalawang pamilya na magsama sa agahan."

Pagkatapos noon ay umalis na siya ng wala ng karagdagang paliwanag.

Nagkatinginan sina Ginang Xi at Tianxin, naguluhan sa mga kilos nito.

"Auntie, ano ang ibig sabihin doon ni Mubai?" Nag-aalalang tanong ni Tianxin.

Inalo siya ni Ginang Xi, "Huwag kang mag-alala, sigurado akong isang simpleng agahan lamang ito. Kahit na, ang matinding ginawa natin ay magsinungaling kay Xinghe, sa tingin ko ay wala na siyang plano na palawigin pa ito."

Tama naman ito.

Kung nagalit si Mubai sa ginawa nila, sasabihin agad nito iyon sa kanila.

Ang katotohanan na wala siyang sinabi tungkol dito ay gusto na niya itong ilagay sa nakalipas kung saan ito nababagay.

Agad na napabuntung-hininga sa ginhawa si Tianxin. Matapos noon ay tumawa siya sa saya. Ang pagsasaayos ng nakaraan sa likuran ni Mubai ay nangangahulugang mahalaga pa din siya kay Mubai, tama?

Ang isiping ito ang nagpaganda ng mood ni Tianxin.

Ang eksena kanina ay nagbigay ng takot sa kanyang buhay; inaasahan na niya na mangyayari ay hindi maganda. Sa kanyang pagkabigla at saya, gusto nang kalimutan na ni Mubai ang lahat.

Hindi na mapigilan pa ni Tianxin ang kasiyahan at matagumpay na ngisi na nagbababalang lumitaw sa kanyang mukha.

Xia Xinghe, akala mo ba kapag inilantad mo na ang lahat, kakaawaan ka ni Mubai at babalik sa iyo ang hustisya?

Nananaginip ka!

Hindi ka niya minahal at hindi kailanman mamahalin. Siya ay akin at tanging akin lamang! At hindi mo siya makukuha sa akin!

Masayang lumakad papalayo si Tianxin, nabubuhay sa pagmamahal na inaakala niyang mayroon si Mubai para sa kanya pero nahihirapang ipakita.

Kapag mas iniisip niya ito, mas nagiging masaya siya…

Si Xinghe, sa kabilang banda, ay mabilis na nakauwi.

Si Xia Xhi, na siyang naghihintay sa kanya, ay mabilis na lumapit para magtanong ng pumasok na siya sa pintuan, "Ate, ano ang nangyari? Sino ang tinaga mo ngayon?"

Bahagyang naguluhan si Xinghe. "Tinaga?"

Tumango si Xia Zhi. "Oo. Hindi ba't pumunta ka doon ng may plano? Ang mga plano mo ay parati na may taong natataga, alam mo… tulad noong nasa tadtaran, kaya sino naman ang minamalas na biktima ngayon?"

Nagniningning ang mga mata ni Xia Zhi sa antisipasyon para sa magandang kwento.

Sumagot ng matapat si Xinghe, "Nakabitin pa din ang kutsilyo sa ere ng hindi tiyak."

"Huh?" Napasimangot si Xia Zhi, "Ate, hindi na naman isang palaisipan?"

Tumunog ang telepono ni Xinghe bago pa man siya nakapagpaliwanag.

Isa itong text message mula kay Mubai.

Pumunta ka sa Century Hotel bukas ng 9am. Ibabalik ko sa iyo ang hustisya na nararapat sa iyo.

Bahagyang kumurba ang kanyang mga labi sa isang ngiti at sinabi niya kay Xia Zhi, "Magaling, ang kutsilyo ay nahulog na. Ang biktima sa tadtaran ay si Chu Tianxin!"

Next chapter