webnovel

Organ transplant

Editor: LiberReverieGroup

Tumingin ang old madam kay Sun Bai Cao na nakasunod kay Si Ye Han at may panginginig na tinanong, "Dr. Sun, kamusta ang kalusugan ni Ah-Jiu? Bumuti ba ng kaunti?"

Dinala sila ni Sun Bai Cao sa lobby para maupo at matagal na napaisip bago magsalita. "Tutal na nasabi ko na baka mag-umpisa ng manghina ang mga organ ng 9th master, pinapunta ko siya dito ngayon para masiyasat kong maigi ito. Yung resulta…"

"Ano ang mga resulta?" inip na tanong ng old madam.

Seryoso naman nakatingin si Ye Wan Wan kay Sun Bai Cao.

Sabi ni Sun Bai Cao, "May kaunting pagbuti nga sa kalusugan ng 9th young master…"

Bago pa magsaya ang old madam, nagbago ang tono ni Sun Bai Cao. Seryoso niyang sinabi, "Gayunpaman, ang ganitong lebe ng pagbuti ay maliit na patak lang ng tubig sa timba ni 9th young master. Para bang walang katapusang apoy ang kalusugan niya; at hindi ito basta mapapatay ng kaunting ambon lang."

"Nakita ko at madami sa mga organ niya ang nag-umpisa nang manghina, lalo ang kanyang atay at bato; nasa mas kahila-hilakbot silang kondisyon…"

Nang marinig 'yon ng old madam, nanginig ang katawan niya at napasandal sa pulang kahoy na upuan sa likod niya.

Bumigat din ang loob at puso ni Ye Wan Wan.

Hindi pa rin… gumana?

Napahinga ng malalim si Xu Yi at nangdilim ang kanyang itsura.

"Nanghihina na ang organs niya… ano ang kailangan nating gawin?" pinilit ng old madam ang sarili na huminahon.

Tumugon si Sun Bai Cao, "Magagawa na lang nating gawin ang organ transplant. Tsaka mas maigi nang sa lalong madaling panahon - sa loob ng tatlong buwan, bago pa tuluyang masira ang organ niya."

"Bubuti ba siya matapos ang transplant?" agad na tanong ng old madam.

Umiling naman si Sun Bai Cao, "Magagamot lang ng organ transplant ang mga sintomas, hindi ang pinanggalingan nito. Parang bang isang hindi malusog na lupa ang katawang ng 9th young master - kapag nalanta ang bulaklak at napalitan ng isa pang bulaklak, saglit lang ito mabubuhay. Sa gayon, ang organ transplant lang tanging solusyon ngayon dito."

Kahit na may solusyon sila… para bang pinapawi ang uhaw ng isang tao ng lason ang solusyon na ito.

Hindi inasahan ni Ye Wan Wan na magiging ganito din ang mga bagay tulad sa nakaraan niyang buhay.

Hindi pa siya nakaramdam ng ganito kawalan ng pag-asa simula ng mabuhay siyang muli.

Binigay niya na ang lahat, pero hindi niya pa din kayang baguhin ang kapalaran nito o katapusan.

"Kailangan niya ba talagang dumaan sa organ transplant? Wala na bang iba pang solusyon?" tanong ni Ye Wan Wan, ayaw pang sumuko.

Sabi ni Sun Bai Cao, "Base sa progreso ng kondisyon ng 9th yung master… ito na lang talaga ang kaso."

Napakuyom ng mga kamao si Ye Wan Wan at sabi, "Dr. Sun, sinabi mo na bumuti yung kondisyon ni Ah-Jiu ngayon lang. Paano kapag napagpatuloy ko ng ganito ang kalusugan niya at bumalik sa mainam na estado ulit sa loob ng tatlong buwan?"

Nag-alinlangan si Sun Bai Cao nang nakita ang matatag na itsura ni Ye Wan Wan. "Ito…"

Matapos na mag-isip mabuti si Sun Bai Cao, sabi niya, "Sa palagay na 'to, kapag bumalik sa pagiging mainam na estado ang katawan niya sa maikling panahon lang, na unti-unting gagaling ang mga organ niya, edi syempre hindi niya na kailangan pang gawin yung transplant. Pero maliit lang ang posibilidad nito…"

Ye Wan Wan: "Pero may posibilidad pa rin, 'di ba?"

"May posibilidad, pero Miss Ye, dapat malaman mo na masyadong komplikado ang kondisyon ng 9th young master. Madaming isyu din na hindi ko pa makita. Para bang bomba ang nanghihina niyang mga organs. Kapag hindi mo siya natulungan gumaling, lalala ang kondisyon at organs niya sa loob ng tatlong buwan o baka bigla na lang lumala isang araw, na nagpapanganib sa buhay sa anumang sandali…"

Next chapter