webnovel

Tagumpay sa ating kooperasyon!

Editor: LiberReverieGroup

Nang marinig nila kung gaano ka-ignorante ang binata, nagsimula silang mangutya ang magduda sa kanya.

Natawa si Chu Hong Guang, "Matapang ang loob mo iho! Sabihin mo sa akin ang iyong mga kondisyon!"

Tumingin sa kanyang paligid ang binata, "Kay Mr Chu ko lang ba sasabihin ang mga kondisyon ko o sa lahat ng nandito?"

Nang maintindihan ang pinapahiwatig ng binata; kumaway si Chu Hong Guang, bilang pagpapatapos ng meeting at pagpapalabas ng mga tao na nasa loob ng kwarto.

Huminto sa harap ng binata si Zhou Wen Bin at tinitigan niya ito ng mabuti bago siya umalis.

Punyeta, patapos na dapat ang desisyon nang biglang nasira ang lahat ng binatang iyon. Kailangan ko siyang obserbahan, baka may plano pa siyang tinatago!

Ilang saglit lang, si Chu Hong Guang at isang binata na lamang ang natira sa meeting room.

"Ipagpatuloy mo." nagsindi ng sigarilyo si Chu Hong Guang.

Sa kabilang leather chair umupo ang binata sabay direkta niyang sinabi, "Una, gusto kong magkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho sa Worldwide."

Sumagot ng prangka si Chu Hong Guang, "Madali lang iyon. Natural, tatanggapin ng Worldwide ang talentadong tao na tulad mo kapag nasolusyonan mo ang problema ni Han Xian Yu. Ano pa ba?"

Sandaling nanahimik ang binata bago magpatuloy, "Pangalawa, gusto ko ng ari-arian na nakapangalan sayo, chairman Chu."

Humithit sa sigarilyo Chu Hong Guang at tumaas ang kilay niya, "Ari-arian na nakapangalan sa akin? Anong ari-arian ang tinutukoy mo, kaibigan?"

Tinago ng binata ang kadiliman sa kanyang mga mata at maayos siyang sumagot, "Ang Golden Seas."

Napahinto si Chu Hong Guang sa kahilingan ng binata. "Alam mo talagang pumili ng gusto mo, bata."

Noon, binenta ng korte ang lumang bahay nang ma-bankrupt si Ye Shao Ting. Binili ni Chu Hong Guang ang ari-arian na ito bilang paghihiganti sa kanyang karibal.

Ngumiti ang binata, "Hindi mabibili ng pera ang distrito na iyon; kahit normal na tao ay magnanais na makuha ito."

Pinakita ni Chu Hong Guang ang pag intindi niya. "Sige, walang problema!"

Komportableng tumayo ang binata nang makita niya ang reaksyon ng chairman. "Kung gayon, hinihiling ko ang tagumpay ng ating kooperasyon!"

"Tama 'yan. Hihintayin ko ang magandang balita na mangagaling sayo!"

Pagkatapos nilang mag-usap, magalang na inutos ni Chairman Chu na ilakad palabas ang binata.

Pagkalabas ni Ye Wan Wan ng Worldwide building, pumanatag ang kanyang pakiramdam. Napabuntong hininga siya sabay niluwangan niya ang kanyang kwelyo.

Kahit may hindi inaasahang pangyayari, natuwa siya dahil tuloy pa rin ang kasunduan.

Sa wakas, ito ang unang beses na naging lalaki siya. Bago siya pumunta doon, lubha siyang kinabahan pero natural na lumabas ang kanyang karakter pagkarating sa lugar na iyon.

Sa una niyang, nadiskubre niya na may abilidad siyang mangopya ng ibat-ibang uri ng tao. Kaya gumaling ang kanyang kakayanan sa buhay niya ngayon dahil nagbabasa siya ng pang propesyonal na libro. Kapakipakinabang ang kakayanang niyang ito.

Pauwi na dapat si Ye Wan Wan nang biglang may paos na boses ng isang lalaki ang papalapit galing sa likod niya----

"Mr Ye Bai, saglit lang!"

Napahinto si Ye Wan Wan at lumingon sa taong iyon. "Mr Han?"

Karaniwan na kaakit-akit at napaka gwapo ni Han Xian Yu kapag nasa publiko siya; sa mata ng mga tao, siya ang kilalang confident Hian Xian Yu. Pero ngayon, ang gwapong mukha niya ay pagod at matamlay na, kasing dilim ng ulap na nakaharang sa araw ang eyebags niya.

Nabighani siya nang makita niya ang mga mata ng binata. Sa ilalim ng sikat ng araw, makikita ang kanyang napakaputing balat. Nakikita ang maselan niyang collarbones habang ang mga mata niya ay repleksyon ng mga bituin sa kalawakan, hindi niya maiwasang tingnan ang lalaki...

Kapansin pansin ang itsura ng binata kahit pa ilagay siya sa maraming magagandang itsura na galing sa showbiz. Kumpara sa kanyang itsura, hindi mababa ang kalidad ng mukha ng binata.

Kahit na sobrang ganda ng mukha niya, wala siyang bahid ng kapabayaan o kahinaan; mayroong makikitang walang habas na kaseryosohan sa kanyang mga mata at pinapakita ng walang habas na kayabangan sa kanyang mga mata na isa siyang tunay na kabigha-bighaning lalaki.

Humigpit ang kanyang kamao habang nakatayo siya sa harap ng binata. "Kahit ano man ang intensyon mo o ano man ang rason mo kung bakit mo ako tutulungan… salamat… salamat kasi naniniwala ka sa akin…"

Napangiti ang binata at biglang nawala ang kaba sa kanyang mga mata. "Walang anuman, ang kaibigan ko ay isa sa mga fans mo. Gustong gusto ka naming dalawa."

Walang salita ang makakabahagi sa nararamdaman ni Han Xian Yu nang marinig ang papuri ng kanyang fans, parang noong una niyang debut--- yung unang beses na pinansin siya ng kanyang fans sa daanan at ang matigas niyang puso ang unti-unting natunaw...

Next chapter