webnovel

Nabigong pagsubok

Editor: LiberReverieGroup

Sa totoo lang, alam ni Ye Wan Wan na sa pamamagitan ng pagtuturo ni Si Ye Han at ang kanyang natatanging memorya, sapat na ang isang buwan.

Pero ang pagiging abala niya ay tanging paraan lang kumalma siya at makapagpahinga

Ininsip niya ang kanyang nanay, kanyang tatay, kanyang kuya, maski ang kanyang tahanan… Halos mabaliw na siya kakaisip sa mga ito...

Alam niya na hindi pa buo ang pagtitiwala ni Si Ye Han sa kanya at alam niya din na wala siyang pwedeng gawin para pukawin ito.

Ang tagal na panahon ko ding mapakalma si Si Ye Han; hindi ito ang tamang oras para umakto.

Gayunpaman, may masama siyang rekord. Noon, para makatakas siya, lagi siyang magsisinungaling tungkol sa pagbisita niya sa magulang niya.

Sa puntong ito, kapag sinabi ni Ye Wan Wan kay Si Ye Han na gusto niyang bisitahin ang magulang niya, parang sinasabi niya na din na sinusubukan niiya ulit na tumakas.

Pero simula nang makita niya ang kuya niya sa eskwelahan, mahirap ng pigilan ang mga nararamdaman niya.

Nakahiga lang si Ye Wan Wan, nawala na ang antok niya habang tinitigan ang lalaking katabi niya, binibilang ang mga pilikmata habang nakapikit ito.

Paano ko naman mapapapayag si Si Ye Han na pauuwiin ako...

Matapos ang eksaktong dalawang oras, madaling gumising si Si Ye Han.

Inisip ni Ye Wan Wan kung nakatulog ba si Si Ye Han buong gabi, pero sa pagliwanag ng mukha nito na para bang kinuha niya ang sinag mula sa araw at buwan, alam niyang maganda ang pagtulog nito.

Hindi tulad ni Ye Wan Wan, na matamlay na para bang may demonyong humigop sa kaluluwa nito.

Habang agahan, hindi na nakapagpigil si Ye Wan Wan.

Kung subukan ko kaya?

Naging mabait naman ako...

Kumuha ng lakas si Ye Wan Wan bago maingat na nagtanong, "Uh, Si Ye Han… Sabado ngayon… pwede ba akong umuwi para bisitahin ang magulang ko…"

Si Xu Yi, na nakatayo sa may gilid, ay narinig ang tanong at napasingap tio agad.

Kagabi lang, sinabi ko kay Mo Xuan na naging mabait si Ye Wan Wan kama-kailan lang. Hindi naman 'to siguro tatakas ulit, 'di ba?

Tulad ng inaasahan, nang marinig ni Si Ye Han na gustong bumalik ni Ye Wan Wan sa kanyang tahanan, biglang nanlamig ang itsura nito

Inilapag niya ang mga kubyertos at tinignan si Ye Wan Wan ng may pagmamalupit at malalamig na mga mata. Malamig din ang tono nito at sumagot, "Wala nang kinalaman ang mga Ye sa 'yo."

Nang marinig 'yon, bumagsak ang puso ni Ye Wan Wan.

Alam kong pinutol ko na ang koneksyon ko sa pamilya ko.

Nagdilim ang mga mata ni Ye Wan Wan habang bumulong, "Hindi dapat ako nakipag-away sa kanila dahil kay Gu Yue Ze noon. Wala akong ibang ginawa kundi saktan sila. Gusto ko talaga silang makita ngayon…"

Mas nanlamig ang paligid ni Si Ye Han habang siya'y nagsalita, pagbibigay diin sa bawat salita, "Ayoko ng ulitin pa ang sarili ko."

Kahit na inasahan 'to ni Ye Wan Wan, hindi niya mapigilang malungkot sa loob niya.

Hindi siya pinayagan ni Si Ye Han hindi lang dahil sa takot siyang tatakas ulit ito.

Baka dahil sa pang-unawa niya, pero sa parehong nakaraan niyang buhay at ngayon, sadyang gusto pa din ni Si Ye Han na ibukod siya sa kanyang nakaraan.

Baka minumulto pa din ako ng pagkokontrol niya?

Hindi siya pwedeng lumapit sa kahit kanino, kahit na sa pamilya niya.

Kay Si Ye Han, siya ay kay Si Ye Han lamang.

Simula ng nasa tabi lang siya ni Si Ye Han, umikot lang ang buong mundo niya dito.

Dahil sa alam niyang galit na si Si Ye Han, ang kaya lang gawin ni Ye Wan Wan ngayon ay sumuko.

Kasunod nito, ay ang malamig na atmospera. Wala ng nagsalita pa sa hapag-kainan, at hindi na din nagbalak pang mag-ingay si Xu Yi.

Agad na umalis si Si Ye Han kasama si Xu Yi matapos kumain dahilan sa may nangyari sa kumpanya.

Nang wala sa paligid si Si Ye Han, naging malaya si Ye Wan Wan. Pero dahil sa masama ang loob nito, hindi man lang siya nasiyahan matapos na makita ang Great White nakikipaglaro sa mga sisiw sa bakuran.

Next chapter