webnovel

Naubusan ka na ng pagkakataon!

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 68: You're out of chances!

Agad na ikinandado si Ye Wan Wan nang makarating siya ng Jin garden.

"Tik", tunog ng kandado na nagpakaba sa dibdib niya at napahigpit ang kapit niya sa kanyang bag na puno ng mga gamot na binili niya sa ospital.

Dalawang linggo na rin ang lumipas at narito na siya muli.

Kahit na kontrol niya ang lahat ng nangyayari, ang makitang muli sa pamilyar at magarang kwarto ay siya pa ring patuloy na nagpapakilabot sa kanyang kaluluwa na halos matunaw na siya sa kaba.

Nakulong na siya sa pamilyar na lugar na ito sa mahabang pitong taon na puno ng matinding takot sa kadiliman at nakakakilabot na katahimikan. Sa kalauna'y nasanay na siya sa kadiliman at katahimikan na siya namang nagsimula sa takot niya sa liwanag at mga tao.

Ang pinakanakakatakot na bagay na pwedeng mangyari sa kanya ay hindi ang makulong kung hindi ang kalayaan na makukuha niya balang araw. Hindi na niya magagawang makawala pa sa sarili niyang puso na nagsilbi nang sarilin niyang kulungan.

Kahit na nabuhay siyang muli bago pa nagsimula ang trahedyang nangyari, hindi niya pa rin makayang makawala sa mga alaala at anino ng malagim niyang kahapon.

Sa labas, ang tunog ng pamilyar na mga yabag ay unti-unting lumalapit. Isa itong nakakakabang sitwasyon sa gitan ng malagim na katahimikan.

Bumukas ang pinto.

Habang nakamasid sa terible at nakakatakot na hugis na naaaninagan mula sa pinto, unti-unting nanlaki ang mga mata ni Ye Wan Wan.

Sa mga sandaling iyon, ang mga alaala ng nakaraan niyang buhay ay unti-unting nagbalik...

Tila naging isang nakamamatay na lason ang bumalot sa takot na ekspresyon ng babae. Naglaho na parang kasing bilis ng hinangin na abo ang pagpasok ni Si Ye Han.

Sa sumunod na ilang segundo, inihagis si Ye Wan Wan sa kama gamit isang napakalakas na pwersa na syang nagpatilapon sa kanyang hawak na bag.

Nang sisimulan na niyang magsalita, nakaramdam siya ng pananakit sa kanyang lalamunan dahil sa matinding pananakal. Lalo na siyang nahihirapan sa paghinga.

Nang nagawa niyang muling makahinga ng maluwag, hindi niya sinasadyang nakagat ang dila at mabilis na umapaw ang dugo sa kanyang bibig...

"Wan Wan, sinabi ko na ito noon pa...huling beses ko nang inulit 'yun sa'yo..Ngayon, wala ka nang pagkakataon pa…"

Nang sumunod na pangyayari, unti-unting lumayo ang malalakas na yabag ng mga lalaki at tumunog muli ang kandado sa pintuan.

Nang makaalpas na siya sa presensya ng baliw na binata, mabilis at malalang umubo si Ye Wan Wan. Ang takot sa kanyang mga mata ay naglaho na, isang naiwang malamig at nandidilim na mga paningin ang naiwan sa kanyang ekspresyon.

Isang malaki at hindi maintindihang gulo ang nangyari.

Ang malaking espasyo ay napuno ng panlalamig at panggagalaiti na tagos hanggang buto.

Parang isang rebulto na naupo sa harapan ng kanyang mesa ang binata na bakas sa kanyang noo ang galit at muhing nararamdaman.

Sa gitna ng nakamamatay na katahimikan, isang tila apuradong katok ang narinig sa labas ng kanyang pintuan.

"Lumayas ka——!"

Isang galit na boses ang siyang nagpatigil sa kumakatok sa labas ng kanyang pintuan.

Sa 'di katagalan, muling na namang nakarinig siya ng katok sa pinto na tila nagpupumilit na pagbuksan niya ito.

Nang walang narinig na anumang sagot, madali at nagpumilit ng kumakatok ang pinto at saka diretsong pumasok.

Mas nakakarakot pa sa inaasahan niya ang nasaksihan niya ngayon sa loob ng bahay. Mula sa mga nanlilisik na paningin at malahalimaw na mga mata na kanyang nakikita, namutla na matinding takot si Xu Yi.

Gayunpaman, isa ito sa matindi niyang ipinagaalala na kinailangan na niyang ipaalam sa kanyang master!

Pinilit ni Xu Yi na pakalmahin ang sarili at ginamit ang kanyang buong enerhiya para masabi ang kanyang nais sabihin, "9th master, nakita ko po mismo. Pumunta nga po si Miss Ye sa ospital at hindi sa eskwelahan."

Habang kinokondisyon ang sarili, tumatagaktak sa pawis ang katawan ni Xu Yi habang patuloy sa pagpapaliwanag, "Pero lumabas naman po sa surveillance camera na hindi pumunta si Miss Ye sa emergency room nang makarating sa ospital. Kundi dumiretso siya patungo sa outpatient department para bisitahin ang isang matandang intsik na espsyalista…"

Sa takot na baka hindi iyon naintindihan ni Si Ye Han, muling nagsalita si Xu Yi para matumpok ang kanyang nais sabihin, "Mula sa simula hanggang sa huli, hindi binisita ni Miss Ye si Gu Yue Ze!"

Next chapter