Ito ang unang pagkakataon na pumasok si Ye Wan Wan sa kwarto ni Si Ye Han.
Pumasok siya sa loob at nakaramdam ng isang nakakatakot na pagkontra.
Ang kwarto ay may nakakalungkot na kulay at sa kanyang tanaw ay isang magandang klase ng audio system na nagpapatugtog ng malumanay na musika. Nakasara ang mga kurtina at ang buong kwarto ay madilim.
Napakaraming alak sa loob ng kwarto--isang hanay ng matatapang na alak ang nakaayos sa isang malaking kabinet.
Bukod kay Si Ye Han, may iba pang nasa loob ng kwarto.
Ito ay ang hypnotist ni Si Ye Han.
Sa pagkakayos na iyon, mukhang naghahanda na si Si Ye Han sa kanyang pagtulog.
Siya, napakaraming kabusisian bago matulog...
Dahil nakita niyang maayos na nakatulog si Si Ye Han kagabi, siguro ito nga ay dahil sa kawalan niya ng tulog sa nakaraang tatlong araw?
Siyang pagpasok ni Ye Wan Wan ay ang pag-alis ng hypnotist.
Sa ilalim ng mainit na ilaw ng liwanag sa kanyang ulunan, naglakad si Si Ye Han sa may bar, umupo at nagsalin ng isang baso ng red wine, "Ipagpatuloy mo."
Nakapaghanda na ng iskrip si Ye Wan Wan kanina kaya hindi na siya nag-alangan at diretsong sinabi ang kanyang pakay, "Gusto kong pag-usapan ang tungkol sa relasyon natin."
"Relasyon natin?" Tumaas ang kilay ng lalaki, nagpapahayag ng pagiging interesado sa paksa.
Umoo si Ye Wan Wan at seyosong sinabi, "Oo. Si Ye Han, ano ang tingin mo sa relasyon natin ngayon?"
Si Ye Han: "Akin ka."
Ye Wan Wan: "..."
Ipinakita ni Ye Wan Wan na hindi na niya kaya pang magpatuloy sa kanilang usapan na bago pa lamang nagsimula.
Tulad lang noon nang tinanong niya ito kung bakit siya dapat ang kanyang piliin at sinagot na: "Dahil wala nang iba kung hindi ikaw lang".
Hindi niya maintindihan ang mga sagot niya.
Pinilit ni Ye Wan Wan ang kanyang sarili na hindi pansinin ang sagot ng lalaki at nagpatuloy, "Si Ye Han, sa lahat ng pagkakataon, hindi ko maisip kung bakit ako ang nagustuhanm mo. Sa status mo, kaya mong makuha ang kahit sinong babaeng gugustuhin mo. Kahit na gustuhin mo ay mataba o kakaiba, napakaraming babae ang willing na magbago para sayo.
Kahit na ano pa man ang orihinal na rason, dahil hindi na natin mababago ang nangyari sa puntong ito, bakit hindi na lang natin baguhin ang ating relasyon?
Palagi kang nagagalit dahil lagi akong tumatakas, pero ito ay dahil lamang walang iba na kayang tiisin ang palaging binabantayan, kinokontrol at tinatanggal ang kanilang kalayaan. Sa mas maraming pagkakataon na kinokontrol at pinipilit mo ako, ay mas susubukan kong tumakas. Katulad nga ng mga kasabihan, ang melon na pinilit pitasin sa sanga nito ay hindi matamis. Paniguradong alam mo ang prinsipyo na 'yon!"
Nakinig nang tahimik ang lalaki hanggang matapos magsalita si Ye Wan Wan. Ipinahinga niya ang kanyang ulo sa kanyang kamay at ang isa pa ay umiikot ikot sa may baso ng wine. Sumagot siya, "Sino ba ang nagsabi na gusto ko ng matamis na melon?"
Ye Wan Wan: "..."
Walang ibang dahilan para magkaroon ng matinong usapan sa lalaking ito!
Naintindihan niya kung anong ibig sabihin ni Si Ye Han. Hangga't 'pagmamay-ari' siya ni Si Ye Han, walang iba pa ang may kwenta, kahit na ang mga hiling ng kanyang 'pagmamay-ari'.
Dahil umabot na sa ganitong punto ang kanilang usapan, wala nang iba pang paraan para magpatuloy ito.
Mabagal na lumipas ang oras...
Dahil hindi sigurado kung gaano na sila katagal tahimik, tumayo bigla si Ye Wan Wan at naglakad papunta sa lalaki.
Walang nasambit si Si Ye Han at ang kanyang mukha ay hindi interesado habang pinapanood niya itong lumapit sa kanya.
Sa wakas, tumayo si Ye Wan Wan sa harap ng lalaki. Lumapit siya dito at biglaang inilapat ang malambot niyang mga labi sa may kalamigang labi ng lalaki------
"Ikaw… Sigurado ka ba?"
Ang marahan na boses ng babae ay nanatili sa kanyang labi. Nagtanong siya ng may pagkainosente at kaakit-akit na boses, "Sigurado ka ba… na hindi mo gusto ng matamis na melon?"