Chapter 1255: Ang May Huling Salita Sa Industriya
Sa Glory World Entertainment, pagkatapos ng meeting, dahil inanunsyo ni Vice President Yi Xudong ang pagdating ng CEO, lahat ay nasabik.
"My God! Dadating ba talaga si CEO Lu? Limang taon na akong nagtatrabaho dito sa Glory World at hindi ko pa nakita ang Big Boss!"
"Ako naman isang beses ko pa lang siyang nakikita sa isang event!"
"Talaga? Kumusta? Anong nangyari? Gwapo ba talaga siya tulad ng sabi sa tsismis? Paano siya kung ikukumpara sa Second Master?"
"Siyempre, gwapo siya! Sa sobrang gwapo niya nanlalambot ang tuhod ko isang tingin pa lang sa kanya! Hindi mo siya maikukumpara sa Second Master dahil magkaibang tipo sila!"
…
Nagtsismisan ang ilang crew sa sarili nila habang naawang nakatingin kay Ning Xi.
"Ang lungkot ni Ning Xi. Kakasimula pa lang ng kasikatan niya pero matatapos na ito…"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com