Chapter 1049: Nahulog Ang Buntot Niya!
Nadurog ang puso ni Lu Tingxiao nang makita nagkakaganito siya. "Anong ginawa nila sayo?"
Hindi na ito mapigilan ni Ning Xi. Umiyak ito at nanginginig ang kanyang mga balikat, "Mga hayop! Hindi sila makatao! Sa dami ng lugar, doon pa nila ako sa haunted house dinala! Iniwan rin nila akong mag-isa sa madilim na kwarto! Ang b-bahay na 'yon…'yon ang sinasabing kung saan nagbigti ang isang babae… sobrang nakakatakot! Sinubukan kong tumakas… p-pero wala akong lakas… sinubukan ata nila akong patayin sa takot…"
Hindi nagsalia si Lu Tingxiao. Muntik na rin siyang mamatay sa takot dahil sa kanya…
"Pwede bang dito ka lang? Ayokong mag-isa! Paano kung sinundan ako ng babaeng multo dito?" Pagmamakaawa ni Ning Xi.
Hinimas ni Lu Tingxiao ang kanyang mga kilay kahit na sabay siyang nakahinga nang maluwag at tila walang magawa dahil sa hiniling nito. "Dito lang ako."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com