webnovel

Who Wants Your Heart?

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1040: Sinong May Gusto ng Puso Mo?

"Yun Shen! Ano'ng gusto mo!?" Sa wakas, nagising na si Ning Xi at nagtanong.

Tinignan ng lalaki ang dumudugo niyang kamay at mabagal itong dinilaan. Huminto ang mga mala-diablo nitong mga mata sa dalaga at, gamit ang mababa niyang boses, nagsalita ito sa tabi ng tenga ni Ning Xi, "Wala talaga akong planong gawin…pero ngayon…"

Kinilabutan si Ning Xi sa boses na 'yun. "Malinaw naman ang sinabi ko sayo. Oo, iniligtas mo ang buhay ko, kaya ibinigay ko 'yung apat na taon ng buhay ko at 'di ko na rin mabilang kung ilang beses kong ibinuwis ang buhay ko para sayo pero ngayon, wala na kong utang sayo! Magkakanya-kanya na tayo, ano bang mali doon?"

Tumawa ang lalaki habang hawak ang mukha ni Ning Xi, "Wala kang utang sa akin? My dear, wag kang magsasalita habang nabubuhay ka. Kahit patay ka na, akin ka pa rin! Kung sa impyerno ako babagsak, kasunod lang kita!"

Itong… Itong Baliw na ito!

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter