Chapter 417: Sobrang Cute Mo Kapag Galit Ka
Nahiya bigla si Ning Xi. Agad niyang pinatay ang mic, "Ehem, ehem, kailan ka pa dumating?"
Hindi naman niya siguro narinig na may pinapagalitan siya, 'di ba? Diyos ko, hindi pwede!
"Actually, di naman ako magagalitin kapag naglalaro ako, at hindi ako basta basta nagagalit sa mga tao. Sadyang pangit lang talaga laro ni Jiang Muye ngayon…" Sinisi pa rin ni Ning Xi si Jiang Muye.
Ngumiti ang mga labi ni Lu Tingxiao, "Sobrang cute."
Naguluhan si Ning Xi sa mga salita ni Lu Tingxiao, "Ha? Anong cute?"
"'Yung itsura mo kapag galit ka."
Wala na namang masabi si Ning Xi.
May bahid ba ng pagiging tao 'tong demonyong 'to? Talong talo na nga ako pero heto at hindi mo pa rin pinapalampas...
"Ready na 'yung dinner, gusto mo ba munang kumain sa baba?" Tanong ni Lu Tingxiao.
"Mmm, dinner!" Gusto niyang lumamon ng cabbage!
...
Downstairs.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com