webnovel

Talagang Madali ang Pagsisindi ng Apoy

Editor: LiberReverieGroup

Chapter 14: Talagang Madali ang Pagsisindi ng Apoy

Mahimbing na natutulog si Little Treasure habang dahan-dahan namang bumaba sa kama si Ning Xi para malaman ang nangyari.

Pagbukas niya ng pintuan sa kwarto, nakita niya si Lu Tingxiao na umiinom ng tubig, isang kamay ay mahigpit na nakakapit sa tiyan at maputla ang mukha.

Madaling lumapit si Ning Xi. "Mister Lu, ayos lang kayo?"

"Wala 'to."

"Masakit ba ang tiyan niyo?"

Tahimik si Lu Tingxiao.

Alam ni Ning Xi na tama ang hula niya.

'Di kaya ni Lu Tingxiao ang maanghang na pagkain. Kung 'di niya kaya, bakit kinain niya pa rin?

"Saglit lang, ikukuha kita ng gamot."

Buti na lang, maraming stock ng medical supplies ang bahay niya.

Mabilis na dinala ni Ning Xi ang gamot para sa sakit ng tiyan. "Kailangan mo inumin pareho."

"Salamat," kinuha ni Lu Tingxiao ang mga tableta sa kanyang kamay. Sa pagdaplis ng malalamig na kamay nito ay nakaramdam ng yanig si Ning Xi na tumatak sa kanyang puso.

Kasalukuyang malalim ang gabi, at sa ganda ng nakatayo sa harapan niya, sa mahirap at mapanganib na sitwasyon, madaling makapagsimula ng apoy!

Tahimik na nag-recite ng math equations si Ning Xi sa kanyang ulo para kumalma ang puso niya. Habang pinapanood niya si Lu Tingxiao na umiinom ng gamot, pakiramdam niya ay 'di tamang iwan na lang ito, kaya napagpasyahan niyang samahan ito saglit.

"Bumuti ba 'yung pakiramdam niyo? Kailangan ba nating pumunta sa ospital? Pasensya na 'di ko alam na 'di mo kaya 'yung maaanghang…"

Noong una, nag-aalala siya tungkol sa pagkain ni Little Treasure ng masyadong maraming maaanghang na pagkain, pero sa huli, ayos lang si Little Treasure at si Lu Tingxiao pa ang hindi. Anong klaseng sitwasyon ba 'to…

"Maliit na bagay."

Pareho silang 'di umimik nang ilang saglit bago si Lu Tingxiao ang sa wakas nagsalita: "Ngayong gabi inistorbo ka namin dahil gusto kang makita ni Little Treasure."

Nagulat si Ning Xi. "Gusto akong makita ni Little Treasure?"

"Bilang niligtas mo siya pagkatapos nung naranasan niyang takot sa bar storeroom, sobrang reliant na ngayon sa'yo si Little Treasure," paliwanag ni Lu Tingxiao.

Napansin ni Ning Xi na kapag malapit si Little Treasure o tuwing ang topic ay si Little Treasure, ang 'di mawaring malamig na pagkilos ni Lu Tingxiao ay lumalambot; 'di siya gaanong nakakatakot tulad 'nung araw na nasa ospital.

"Kaya pala ganito…" wika ni Ning Xi habang tumatango.

Ang nabubuong kapaligiran mula sa pagiging gising nang ganitong disoras ng gabi, kadalasan nagdudulot ng pagbaba ng depensa ng mga tao at pag-amin ng kani-kaniyang mga alalahanin, kaya napatanong si Ning Xi tungkol sa matagal na niyang iniisip. "Kung pwede lang maitanong, 'di ba marunong magsalita si Little Treasure?"

Kahit kailan ay 'di pa narinig ni Ning Xi ang pagbigkas ni Little Treasure ng ni isang salita. Alam lang ng munting bata ang tumango at umiling.

"Hindi sa hindi siya marunong, ayaw lang niyang magsalita," sagot ni Lu Tingxiao.

"Bale psychological issue?" napakunot ang noo ni Ning Xi.

"Oo," walang intensyon si Lu Tingxiao na itago ang kahit ano.

"Ito…" halos tama ang kanyang hula.

Tungkol sa kung anong isyu ang dahilan para magkaroon ng ganitong klaseng trauma ang bata, 'di na nangahas si ning Xi na magtanong tungkol sa ganoong sikreto.

"Miss Ning," ibinaling bigla ni Lu Tingxiao ang buong atensyon sa dalaga. Malamig ang pagtitig nito pero nagbibigay rin ng mainit na pakiramdam sa kanya na siyang pumukaw at umubos sa kanya.

"Bakit?" natigilan si Ning Xi sa ilalim ng kanyag tingin.

"Nagkakilala na ba tayo dati?" tanong ni Lu Tingxiao.

Kung ibang tao ang nagtatanong, iisipin ni Ning Xi na nakikipaglandian ito gamit ang isang gasgas na pick-up line. Pero ang nagsasalita ay si Lu Tingxiao. At saka, may seryoso at tapat na ekspresyon sa kanyang mga mata.

"Tingin ko hindi pa. Kung nakakita na ako ng isang taong tulad mo dati, Mister Lu, imposibleng 'di kita maalala o kung ano man…may problema ba?" matatag ang tono ni Ning Xi. Kahit na siya ang pinakamatandang binibini sa Ning Family, walang tsansang makilala niya si Lu Tingxiao na bahagi ng mataas at ibang uri.

"Wala naman," ibinaling ni Lu Tingxiao ang tingin, ubod man ng dilim sa labas, sa bintana. Tila mapanglaw siya.

Kung nagpatuloy ang ganitong usapan, 'di magiging mabuti ang paligid!

"Mister Lu, kung ayos ka na, babalik na ako sa kwarto," maingat na sinabi ni Ning Xi.

Nakahalata si Lu Tingxiao at sumenyas ang kamay. "Walang nagmamadali. Maupo ka."

Walang nagmamadali! Si Ning Xi ay nagmamadali, okay!

Next chapter