NAGBALIK SA KASALUKUYAN ANG ISIP NI MIKAELA NG HAGKAN NIYA ITO SA LABI. Basang basa niya sa mata nito ang nasa isip nito.
"You're thinking about the past. I can see sadness in your eyes and I know you too well," sabi niya sa dalaga.
"Am I that easy to read?" Tanong nito na kinangiti niya.
"Yes for me because you are mine. You are the love of my life remember? My soul knows you very well," sabi niya at hinaplos ang pisngi nito.
"You never changed a bit. You're still my Mikaela," dugtong niya at pinisil ang pisngi nito.
"Yeah I stayed loving you," sabi nito na kinangiti niya.
"Thank you, Mikaela. I owe you so much for keeping me in your heart," sabi nito.
"You're welcome Rake. You are the love of my life. You are my first love and you are the only one. Has been since we first met that one fateful afternoon," sabi nito na kinangiti niya.
"Will you marry me?" tanong ni Rake na may pag aalangan.
"Of course! I have dreamt of this in so many ways. But that's alright with just you and me and I am satisfied as long as I get to keep you for the rest of our lives!" Maluha luhang sabi ni Mikaela.
They ended the night hugs and kisses. Milya milya ang pagpipigil ni Rake.
KINABUKASAN'Y TULOG NA TULOG PA SI RAKE. Nag iwan siya ng note sa binatang magpupunta lamang siya sa wet market upang mamalengke ng gagamitin sa pagluluto. Balak niyang maghanda ng espesyal na putahe para rito.
Sa Angeles ang alam niyang palengke. Ang sasakyan niya ang dinala niya dahil iyon ang dala nila nung nagdaang gabi.
She took her time may dala na siyang dalawang malaking mga supot na naglalaman ng mga pinamili niya sa bawat kamay niya. Napapangiti siya habang humihimig ng domino ni Jessie J na tumutunog sa bluetooth earphones niya.
Nilapag niya ang mga supot sa likod na parte ng kotse niya. Isasara na dapat niya ang pinto nuon ng makaramdam siya ng sakit sa batok niya...
NAPANGITI SI RAKE NG MAKITA ANG SULAT KAMAY NI MIKAELA. Dinail niya ang intercom phone upang tumawag sa sa security ng condo/hotel.
"Hi this is Rake. Can you please check what time did my fiancee went out?"
"Copy sir," sabi ng head of security ng area.
Naghintay siya ng dalawang minuto bago muling nagsalita ang tao niya.
"Sir. Kanina pa pong 6 am umalis si Ms. Del Mundo," sabi nito.
Nangunot ang noo niya ng makita ang oras sa wall clock. It's almost lunch time pasado alas onse na.
"Christ! Why aren't you picking up the damn phone?!" Nausal niya dahil nakailang dial na siya'y di pa rin sumasagot si Mikaela.
He dialed the afp office that connected directly to the highest ranking five star general ang tito nito. He gave briefing kaya nagsabi itong magpapadala na ito ng mga tao roon.
Nagpunta siya sa parking ng hotel. Nakapark roon ang ducatti niyang madalang lang niya kung gamitin. Binilinan niya ang security ng hotel bago siya umalis upang magtungo sa public market ng Angeles.
Nakita niya agad ang kotse ni Mikaela. Nakasara ang pinto. May mga lumalapit doon at nagpipicture. Nang makalapit siya'y sinilip niya ang loob ng sasakyan. May mga supot doon pero wala ang nobya niya. Sinubukan niyang bukas ang pinto at nagbukas iyon. Nakasaksak rin ang susi sa ignition.
Nangunot ang noo niya lalo ng makita ang telepono nito. Wasak iyon at nakalagay sa upuan ng likurang upuan ng sasakyan. Agad niyang dinampot susi sa sasakyan nito at inikot ng paningin ang paligid.
"May nakakita ba sa may ari ng sasakyang ito?" Tanong niya sa ilang nasa paligid nuon.
May lumapit sa kanyang matandang lalaki. Nagbebenta ito ng taho.
"Pulis ka ba o sundalo?" Tanong nito.
"Sundalo po ako. Nakita niyo po ba ang may ari ng sasakyang ito?" Tanong niya.
"Oo. Napakagandang babae. May umakbay sa kanyang dalawang lalaki. Sinama siya hindi ko alam kung saan nagpunta. Nakita ko lang nung inaakay na siya," sabi nito kaya inatake ng kaba ang dibdib niya.
Maya maya'y tumunog ang cellphone niya.
Andrew calling...
"Kuya Rake! I am on my way! I received a call from the kidnappers! They want twenty million!" sabi nito na halata ang pinipigil na galit at pagaalala sa boses niyo.
"I am going to kill them with my bare hands kapag may ginawa silang masama kay ate!" Dugtong pa nito na sinatinig lang ang nasa isip niya.
"Where are they?" Tanong niya.
"They asked me to meet there. I am tracking her necklace. The one I gave her from our KS training a year ago," sabi nito na kinakunot ng noo niya.
"What's the passcode?"tanong niya.
"KS1970," sabi nito kaya nagulat siya.
"Paano ka na associate sa mga Chua?" Tanong niya sa binata.
"Because of ate Mik. Graduate siya ng class 2005...," sagot nito.
He remembered how he knew about the family thru his senior years ago.
Ang KS ay isang private training ground ng mga elite. Usually friends ng Chua Family. At very young age ay tinetrain na ang mga anak ng mayayaman para sa self defence. Different martial arts, shooting, pati land water and air transportation vehicles.
Mayroon ring hindi mga elite those are trained bodyguards na nagseserve sa pamilya at mga kaibigan kapag nangailangan. Sometimes kapag hindi na kayang isolve ng government at humihingi ng tulong sa kanila.
May mga lihim na gadgets ang pamilya na minana at dinedevelop ng patuloy ng mga sumusonod na henerasyon. Minsan na siyang nainvolve sa mga Chua ng mawala ang asawa ng senor Johann. Kakagraduate lang niya nun at katatapos rin lang ng training niya sa Lipa.
Si Colonel Marcus ang nagtungo sa Lipa ng gabing iyon. Nakacivilian lang ito. Isa ito sa pinakabatang top ranking officer. Ang pagkakaalam niya'y nasa late 30's lang ito. He graduated top of his batch sa pma and landed into Air Force just like his father retired General Russel.
Maugong ang pangalan nito dahil ito ang isa sa mga pinapadala sa bawat sulok ng Pilipinas kapag may laban. Be it on air or land. Napabalita ring nag training ito ng 6 months sa water.
Minsan na niya itong nakasama sa isang overnight mission
"Good evening sir," bati niya rito.
"Hey, what's your name?" Tanong nito.
"Rake," tugon lang niya.
"Yes, I know you. Major ka na diba? Can you keep secrets?" Tanong nito na sinagot lang niya ng tango.
"Wear something casual we're flying to Mindoro. I need a company. Parating na si Lawrence," sabi nito na ang tinutukoy ay ang senior niya si 1st Lt na siyang nagtrain sa kanya.
Chineck nito ang makina ng chopper habang naghihintay. Halos nauna lang siya ng ilang segundo kay Lawrence.
"Sasama siya boss?" tanong nito at tinutukoy siya.
"Oo he'll co pilot you kapag nakababa na ako. Land the aircraft saka nalang kayo sumunod sa akin. We need to hurry. Family emergency," sabi nito at sumakay na ng chopper.
Inistart nito ang chopper at sinuot ang gear. Nakasunod lang siya sa dalawa. Unti unting tumaas ang chopper. The next thing he knew ay ang bilis na ng takbo nuon. Hindi niya alam na pwedeng tumodo ng ganoon ang lipad ng aircraft.
"You can do so much better than this Colonel," kantyaw ni Lawrence na sinagot ng smirk nito.
"Can't baka sumunod tayong mawala. Nag iingat na ako now that I found my girl," sabi nito.
"Sorry Rake hindi kita na brief. We're heading to Mindoro. Nawawala ang tita ko. She's moms 2nd cousin. I was sent to supervise and see what we can do to find her. Maraming agents doon. Just blend in. They are trained just like how we are. Mas matindi lang ang training nila dahil hindi lang isang field kundi lahat."
"They are also expert with different guns and martial arts. Bodyguards ng pamilya ang nandoon. I believe they also involved government kaya doon tayo papasok to equalise the situation. Dad can't come yet but he'll follow with mom and the rest of my family."
"We are almost there," sabi nito.
"Sa taas na kayo magland. I can manage here," sabi nito at tumayo na sa pwesto.
"Kaya ko na boss isama mo na si Rake," sabi nito.
"We're using the rope Rake. Don't take too long. Sumunod ka agad sa akin," sabi nito at nakabitin na sa tali.
Ang bilis ng pagland nito. Inayos niya ang gloves bago sumunod rito. Hindi kasing bilis ng pagdausdos nito ang kanya dahil first time niyang gawin iyon sa gumagalaw na aircraft. Ngayon niya napatunayang karapat dapat ito sa karangalang natanggap.
Hindi na siya lumangoy dahil lupa ang dulo ng tali. Isang metro pa ang tali mula sa lupa kaya kinailangan nilang tumalon. Dumarami na ang tao sa paligid. Puro mga naka all black na babae't lalaki ang nasa paligid. Then there's the guy must be the husband. Sumisigaw ito at hinahanap ang asawa.
"Krissantha Nicole! Sweetheart! Please!" humahagulgol ang ginoo at parang tumanda ang itsura nito dahil sa pamimighating hindi maitago.
He felt like crying too. Kahit hindi pa niya naramdaman ang ganoong tindi ng pagmamahal patungkol sa isang babae. Now he's loosing her...
HALOS LUMIPAD ANG SINASAKYAN NIYANG MOTORSIKLO.
"I can't loose her this time!" sabi niya
"We won't. You're going too fast. Turn right on the next intersection," sabi nito sa kabilang linya.
"Dyan sa abandoned building ang pinagmumulan ng signal. May natatanaw ka bang chopper. Those are your back up wait for them. Hindi safe na mauna ka. These men are armed. Npa sila. Ayaw kong ilagay kayo sa kapahamakan ni ate Mik. Please be sensible and follow orders!" Mariin na sabi nito.
"You're not my boss, Andrew!" sabi niya rito.
"Ayaw kong may mamatay dahil sa katangahan so please kuya Rake!" sabi nito sa tonong nang uutos.
He can't wait baka kung anong gawin ng mga ito sa nobya niya. Those are savage guys, mga halang ang kaluluwa. Mga walang alam kundi ang mang gulo at magpapansin dahil may mga pinaglalaban na hindi mo naman talaga maintindihan. If only they will work their ass off and stop complaining, he's sure as hell na magiging maayos ang Pilipinas.
Tamad ang tingin niya sa mga ito dahil ang gusto ng mga ito'y manggulo at humingi lang ng pera sa mga mayayaman. Sigurado siyang dadanak ang dugo kapag sinaktan ng mga ito ang nobya niya.
Ilang minuto rin ang tinakbo ng motorsiklo bago niya natanaw ang malaking warehouse. Masyadong secluded ang lugar. Ilang metro rin ang layo ng malaking gate mula sa mismong pinto ng warehouse. Hindi lubos na nakasara ang gate kaya madali siyang nakapasok. Hinanda niya ang baril na nakasukbit sa tagiliran niya.
Bahagya siyang nagtago sa ilalim ng malaking van habang nilalagyan ng silencer ang baril. Chineck rin niya ang isa pa at ganoon rin ang ginawa. Sinilip niya ang dalawang kutsilyong nakaipit sa magkabilang boots niya.
Naramdaman niya ang pag-uga ng van. Naririnig rin niya ang tawanan ng dalawang lalaki.
"Tisay pare. Birhen raw 'yun sabi ni boss. Ayaw nga niyang ipagalaw. Mukhang si boss ang uuna. Ang ganda pa. Balita ko sobrang yaman nun," sabi ng isa.
"Nakita mo ba kung paano tayo tingnan pare? Galit na galit. Tinalian mo ba ng mabuti. Nung hawakan ko siya naninigas 'yung mga muscle sa braso. Hindi maganda ang tingin ko sa babaeng 'yan. Parang nagpapanggap lang siyang mahina."
"Sira ulo kung ano anong sinasabi mo. Tingnan mo nga nung sinampal ni boss halos mangiyak. Nakita mo ba 'yung pasa," duon nagpanting ang tenga niya.
Sabay na humandusay ang dalawa. Mula sa pwesto ay natatanaw niya ang isang lalaki palapit ito sa van bago pa ito makalapit at nabaril na niya ito sa ulo. Hinila niya ito patungo sa van.
Nangilid siya sa bahay. Nakita niya ang nakabantay sa isang gilid. Banaril niya ito kaya bigla itong bumulagta, pero bago ito humandusay ay nalapitan na niya ito. Inayos niya ang sumbrero nito upang matakpan ang nabaril niya. Nakarinig siya ng hiyaw mula sa bahay ay mukhang tinatawag ang binaril niya.
"Arce! Tawag ka ni boss! Nasaan ba 'yun?!" ang lakas lakas ng tinig nito kahit ang liit liit lang nito.
Payat ito at mukhang teenager lang. Kinuha niya ang panyo niyang nilagyan ng gamot. Pinaamoy niya iyon doon upang makatulog ito. Binusalan rin niya ito ng isa pang panyo at tinali sa isang sulok. Kinuha niya ang mga baril at balang nakasabit rito pati ang mga granada.
Kinuha rin niya ang isang balabal at ginaya ang pagkakaayos nuon sa ulo niya. Nakaramdam nanaman siya ng kaluskos na palabas. Nanatili muna siyang nakamasid, patungo ito sa bakod at mukhang iihi. Kasabay ng pag ihi nito ang paghandusay nito roon.
Natanaw niya ang pagdaan ng helicopter. Sumilip siya sa loob at nakita niya ang nobya niyang nakaupo at nakatali sa isang sulok. Bahagya itong kumikislot kaya nangunot ang noo niya.